Chapter 88

27.7K 738 91
                                    


Pahamak

Nagising nalang ako dahil sa sakit nang ulo ko..

Tumingin ulit ako sa labas kung saan lumakas na naman ang buhos nang ulan..

Mag bagyo bah ngayon?

Tiningnan ko naman ang wall clock na nasa kwarto ni Ethan..

10:35 na pala nang umaga..

Tiningnan ko din ang paligid para magbakasakaling makita si Ethan pero wala siya..

Hindi ko pa naman narinig yun sinabi niya dahil sa bigla nalang akong nawalan nang malay..

Agad na akong bumangon at inayos na ang kama..

Kahit na malamig ang sahig ay tiniis ko nalang yun at niyakap ang sarili ko bago lumabas nang kwarto..

Lumingon lingon pa ako sa gilid at nagbabakasakaling makita si Ethan..

Nang wala naman siya ay agad na akong bumaba sa hagdan at tiniis ang lamig nang paa ko..

Nang makababa na ako ay inilibot ko din ang paningin ko para hanapin si Ethan..

Pero wala pa rin..

Pumunta ako sa living room at umupo nalang sa sofa para hintayin siya..

Baka naman kasi may pinuntahan lang siya..

Niyakap ako ang tuhod ko at tiningnan ang singsing na nasa kamay ko..

Sinuot ko kasi ulit ang engagement ring namin noon nang marealize kong hindi ko kayang wala siya..

Napangiti ako habang inaalala kung paano siya nag propose sakin..

Agad ko naman yung hinubad sa kamay ko at tiningnan nang mabuti..

"Hindi man tayo magkakabalikan , itatago ko pa rin ang lahat nang alaala nating dalawa..At kahit mag hirap pa ako dahil lang doon , pipilitin kong maging masaya para sayo..Kasi mahal na mahal kita gaya nang pagmamahal mo sakin simula pa sa una.." sambit ko at hinalikan ang singsing

Isinuot ko ulit ito at tumingin na naman sa paligid dahil baka nandito na si Ethan..

Napabuntong hininga nalang ako nang wala akong makita kahit anino man lang niya..

Habang naghihintay sa kanya ay bigla ko nalang naalala ang mga dala kong gamit..

Agad akong tumayo at umakyat papunta doon sa kwarto na unang dinalhan sakin ni Ethan..

Nakita ko nalang yung bag ko doon sa kama at yung phone ko na nasa tabi lang nito..

Agad ko namang kinuha ang phone ko at tiningnan kung may tumawag man lang bah..

Napakunot nalang ang noo ko nang makita kong mahigit 50 missed calls din ang galing kay yaya Tany , ang yaya nang mga anak ko..

Halos magkakasunod pa nga yun kaya naman ako nalang mismo ang tumawag at baka importante yung sasabihin niya..

Ilang ring lang ang narinig ko ay agad niya na itong sinagot.

"Ma'am!" si yaya Tany na parang kinakabahan 

"Yaya Tany , anong problema?.Bakit ang tawag ka nang tawag , may nangyari bah?" tanong ko at lumabas na muna nang kwarto para sumilip kung dumating na bah si Ethan

"Ma'am , si Angelica at Samantha po.."

Napakunot naman ang noo ko bago humakbang pababa nang hagdan..

My Cold BoyFriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon