Chapter 15

45.9K 1.2K 7
                                    


Allergy

At ayun na nga..

Dala ko na yung mga ilang pares ng damit lang naman para sa pagtira ko sa mansyon ni Ethan..Alangan naman kasing hindi ako magdala diba?

Naibigay ko na rin kasi kay aling Isay ang pera at nagpaalam rin akong hindi muna ako uuwi ng ilang araw kasi may kailangan akong gawin..Hindi ko na sinabi ang totoo kasi baka husgahan niya ako kasi kailangan kong tumira panandalian sa bahay ng isang lalaking mayaman.

Baka sabihin niya pang binibenta ko ang katawan ko para mabayaran siya..Nagtataka pa naman siya kung saan ko nakuha ng ganun ganun lang ang pera..

"Ayos ka lang?" si Ethan habang binubuksan ang guest room kung saan ako matutulog

Ngumiti lang ako at tumango sa kanya..

Inilibot ko ang paningin ko sa guest room na malaki naman pero hindi kasing laki ng kwarto niya..Parang kalahati lang atah yoh ng kwarto niya eh..

Inilapag ko ang bag ko at umupo sa sofa at tiningnan siya..

"Alam bah toh nina ma'am Kyla at sir Troy?" tanong ko sa kanya

"Yup..Sinabi ko na sa kanila , pumayag naman sila eh..Kaya walang problema.." relax niyang sabi

"Wala bah talaga?" tinaasan ko siya ng kilay

"Wala naman talaga..Bakit , ano bah sa tingin mo ang po-problemahin natin?"

Napangisi naman ako dahil sa tanong niya..

"Ikaw lang yung magkaka problema."

"Bakit naman?"

"Marunong ka bang magluto?" tinaasan ko siya ng kilay

Hindi siya sumagot kaya napatawa nalang ako..

"Ayun!.Hindi ka marunong magluto.." tawang tawa kong sabi

"So?.Marunong ka naman diba?Kaya ikaw na magluluto.."

Napatigil ako sa pagtawa at tinaasan siya ng kilay..

So sakin siya aasa?.Wow lang ah..Pasalamat na nga siya at pumayag akong mag stya muna dito para may kasama siya..Tapos ako pa ang uutusan niyang magluto?

Ano ako , kasambahay?

"For your information , Ethan..Hindi porket marunong akong magluto , aasa ka na sakin.Kung gusto mong kumain , tumulong ka rin!Hindi ako nag stay dito para maging kasambahay mo.." sabay irap ko

"Tsk!.Edi tutulong , simple.." aniya at lumabas na ng kwarto

Kahit kailan talaga walang respeto yung lalaking yun! >.<

Hayst!.Humanda ka talaga sakin kapag hindi ka tumulong..

Sabado kasi kaya walang pasok , at ang gagawin ko ngayon ay magluto muna para sa lunch naming dalawa..

Mamayang hapon naman kami mag re-review para sa pre-test sa lunes..

Pababa pa lang ako sa hagdan ng makita ko si Ethan na nanunuod na naman ng TV.

Napairap nalang ako at dumiretso sa kusina para ihanda ang mga gagamitin kong ingredients..

Ano kayang lulutuin ko?

Mas masarap siguro kung ginisang ampalaya na may itlog at hipon..Tapos yung laman lang talaga ng shrimp ang isasali ko para hindi na kailangang balatan kapag kakainin na..

My Cold BoyFriend (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora