Chapter 08

46.2K 1.4K 36
                                    


Galit

Kinabukasan ay maaga na naman akong nagising..Ewan ko bah , parang nasasanay na akong mag isa..

Matamlay lang ako habang naglalakad sa field..Wala rin naman kasi akong mga kaibigan dito na pwede kong maka usap..Kasi , ayokong may makaalam na anak ako ng isang mayaman..

"Oh!.Ito na pala siya!" biglang may humarang sakin na mga babae

Tinaasan ko lang sila ng kilay..

"Hindi naman siya maganda.." sabi nung isa

"Sinabi mo pa..Mas maganda pa nga kasambahay namin sa kanya eh..Para siyang butiki!" yung isa naman at tumawa

Kunot noo ko lang silang tiningnan nang biglang magsalita ang nasa gitna..

"Ikaw ang date ni Ethan mamaya , diba?" mataray nitong sabi

Hindi ako nagsalita kasi hindi ko rin alam ang sagot..

Hindi naman sa nag a-assume ako na date niya ako mamaya dahil lang siya nag bibili ng damit ko..Pero hindi ko talaga alam ang sagot eh..

"Pipi ka bah?.Ba't hindi ka magsalita?" yung babaeng nasa kaliwa

Hindi ko nalang sila pinansin at lalagpasan ko na sana ng bigla akong higitin ng babaeng nasa kanan sabay tulak sakin dahilan para mapa upo ako sa lupa..

Nadumihan pa nga ang mga dala kong libro dahil sa ginawa nila..Pati narin ang uniporme at bag ko..

"Ano bang problema niyo?!" inis kong sabi at isa isang kinuha nag mga libro

Pero bago pa ako makatayo ay bigla nalang akong sinipa sa tiyan nung babaeng nasa gitna..

Halos mapahiga pa ako sa sobrang sakit! >.<

Wala naman akong ginawang masama sa kanila para gawin nila sakin toh!

Dahil sa ginawa niya ay nagsilapitan ang mga istudyante sa amin at nanonood na para bang may pilikulang nangyayari dito..

Pero hindi ko na sila pinansin dahil halos mahilo na ako sa sobrang sakit ng tiyan ko!.Ito na atah ang ikamamatay ko eh! >.<

"Kung ako sayo , layuan mo si Ethan..Kung ayaw mong araw-araw ko 'tong gawin sayo.." aniya at biglang kinuha ang bag ko sabay buhos ng mga laman nun.

Halos manlaki pa nag mata ko ng wala sa oras dahil pati mga notes ko madumi na!

Kahit nanghihina ako dahil sa sakit ng tiyan ay isa-isa kong paring pinulot ang mga gamit ko..

Akala ko hahayaan na nila ako , pero yung mga istudyanteng nanonood sakim kanina , inapakan lahat ng gamit ko na para bang wala silang pakialam!

Pati kamay ko naapakan nila kaya agad akong napasigaw sa sakit..Pero imbis na humingi ng tawad , tinawanan pa nila ako!

Nag uunahang tumulo ang luha ko ng mawala na ang mga taong nasa paligid ko..At naiwan ako dito , nakaupo sa lupa at sobrang dumi..

Nakayuko lang ako habang pinipigilang humikbi..

"B-Baki bah toh n-nangyayari sakin?" tanong ko sa sarili

Imbis na tumunganga nalang doon ay agad akong gumapang at kinuha ang mga gamit ko..Sobrang dumi ko na , parang hindi na ako istudyante dito..

Dahan dahan akong tumayo at niyakap ang madumi kong libro sabay suot ng madumi ko ring bag..

Nanghihina lang akong naglakad , dahil halos manginig ang buong katawan ko sa sobrang sakit ng tiyan ko at dahil na rin sa pananakit ng lahat sakin.

"Anong nangyari sayo?"

Napaangat nalang ang tingin ko ng marinig ko ang pamiliar na boses..

Tumulo na naman ang panibagong luha ko pero agad kong naalala ang sinabi niya sakin nung unang beses na nahuli niya akong umiiyak..Agad kong pinunasan ang luha ko at ngumiti..

"W-Wala!.N-Nadapa l-lang ako dun!" sambit ko at ngumiti ulit sa kanya

Kitang kita ko ang pag igting ng panga niya na para bang galit siya..Siguro alam niyang nagsisinungaling lang ako..Halata naman kasi , sa ayos kong toh?Nadapa lang ako?

"S-Sige , p-papasok na ako.." lalagpasan ko na sana siya ng bigla niyang hilahin yung kamay ko pabalik sa pwesto ko kanina

"Sinong gumawa niyan sayo?" seryosong aniya

"N-Nadapa nga lang ako.." sambit ko at nag iwas ng tingin

"Nadapa?.May nadapa bah na halos putikan na lahat ng katawan pati mga gamit?!.Sabihin mo sakin Kathlyn , sinong may gawa nito sayo?" aniya

Yumuko lang ako at hindi na nagsalita pa..

Ayokong gumawa ng gulo dito..Kaya kailangan ko na lang sigurong umiwas kay Ethan kung sakali..Siguro habang hindi pa nagsisimula ang pagiging tutor ko sa kanya , hindi ko muna siya papansinin..

Pwede naman yun diba?

"Kathlyn , magsalita ka naman!" inis niyang sabi

"Nadapa nga lang ako--"

"Kapag talaga hindi mo sinabi sakin ang totoo , hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo.." pagbabanta niya

Mas lalo kong tinikom ang bibig ko..

Wag kang mag sasalita Kathlyn..

"Isa..Sasabihin mo o hindi?" mas humigpit ang yakap niya sa kamay ko

Hindi parin ako nagsalita..

"Dalawa.." lumapit siya lalo sakin

Hindi parin ako nagsalita at aatras na sana ng bigla niyang hinapit ang baywang ko at inilapit sa katawan niya!

Nabitawan ko pa ang mga libro ko dahil sa ginawa niya..

"Tatlo." aniya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko..

Nanlaki nalang ang mata ko ng makaramdam ako ng malambot na bagay sa labi ko..

Wait..

Malambot..

W-Wag mong sabihing..

Nang lumayo siya sakin ay seyoso parin siya..

Pero ako...Tulala..

Kasi..

Hinalikan niya ako! O.O

No!.

Yung first kiss ko!

No! >.<

"Ano , sasabihin mo o uulitin ko.." aniya

Pero imbis na sagutin siya ay agad na akong tumakbo papalayo doon..

Bahala na yung mga libro ko!.Basta kailangan kong lumayo!

Shucks!.

Ganun bah siya kapag galit?

Nanghahalik?

Ganun bah yun?!

My Cold BoyFriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now