Chapter 70

27.4K 652 51
                                    

Order

"Good morning , sir!" masayang bati ni Cindy , yung sekretarya ko

"Dala mo na bah yung mga damit ko?" inaantok kong tanong sa kanya

Nasa pintuan pa ako ngayon at nakasandal habang kaharap siya..

Nagising lang naman kasi ako dahil sa kanya eh..

"Yes naman po sir..Ito na po yung mga damit at importante niyong gamit..Wala na po kayong po-poblemahin dahil ayos na lahat nang utos niyo sakin.." aniya habang nakangiti

Napatitig naman ako sa kanya..

Maganda naman yung sekretarya ko..Masiyahin at masipag..Kaya nga lang , walang boyfriend..

Ewan ko bah kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakahanap nang taong para sa kanya..

"Good..Balitaan mo nalang ako sa mga nangyayari sa opisina , ikaw na din ang pumunta sa bawat meeting dahil malayo ako doon..Ikaw na din ang bahalang magpaliwanag sa mga kliyenteng naghahanap sakin at kina mommy at daddy..Sigurado naman kasi akong hahanapin nila ako dahil hindi ako nakapag paalam sa kanila.." sambit ko

"Opo sir..Ako na po ang bahala..Nga pala sir , nagkita na po kayo ni ma'am Kathlyn?" 

Huminga ako nang malalim bago tumango..

"Nagkita na kami , kaso pinaalis niya lang ako dahil ginugulo ko lang daw sila..Pero gusto ko lang naman siyang makasama kahit isang araw lang..Pagkatapo noon , hindi ko na sila guguluhin..Hindi ko na siya pipiliting maalala pa ako at ang nakaraan namin.."

Tumango tango naman siya na parang naaawa pa sakin..

"Sana po mapag bigyan kayo ni ma'am Kathlyn , kasi grabe na po yung effort niyo sa kanya..Sana naman ma appreciate niya lahat nang yun.."

"Ayos lang naman sakin kung hindi na eh , basta mangyari lang yung isang araw na gusto ko , lalayo na ako.."

Kahit gaano pa kahirap ang lumayo sa kanya , pipilitin at aakuin ko nalang ang lahat nang sakit na kailangan kong maramdaman , maging masasaya lang siya..

Ganyan naman talaga ang pagmamahal , hindi mo man gustuhin , tatamaan ka pa rin..

Pigilan mo man siyang mahalin , madadala ka parin kasama na din yung sakit na nakahanda nang maramdaman mo..

Nang makaalis na si Cindy ay agad na akong nag handa para sa susunod kong pupuntahan..

Nasa tapat na ako nang isa sa mga restaurant na naipatayo ni Kathlyn dito sa pilipinas..

Mahigit sampung branches na kasi ang naipatayo niya , tatlo sa pilipinas , apat naman sa england at tatlo din sa france..

Hindi ko nga inaakalang magiging ganyan siya ka-successful ngayon eh..

Dito sa pinuntahan kong restaurant niya ay dito siya namamalagi sa umaga hanggang gabi..

Sabi kasi ni Cindy , kapag gabi na , kumakanta daw si Kathlyn dito sa restaurant niya , meron din kasi itong maliit na bar sa pinaka loob..Kaya marami ding pumupunta dito..

At sa pagkakataong 'to , maririnig ko ulit yung boses niya kapag kumakanta siya..

Siguro dito nalang muna ako kakain sa ngayon , hihintayin kong gumabi para marinig yung pagkanta niya..

Agad akong bumaba nang kotse ko at dumiretso sa loob..

Marami nang kumain dito at nagulat nalang ako nang makita ko si Angelica dito..

My Cold BoyFriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now