Chapter 41

38.6K 1K 23
                                    


Ligtas

Nagising nalang ako nang maramdaman kong may umaayos ng buhok ko..

Nang imulat ko ang mata ko ay bumungad sakin ang madilim na paligid..

"Kathlyn , gising ka na pala.." rinig kong sabi ni Ethan

Agad naman akong napabangon pero napasandal lang din sa kung ano sa may likuran ko dahil sa pagkahilo..

"Ang sakit ng ulo ko.." sambit ko habang hinihilot ang sintido

"Dahil yan sa itinurok nung lalaki kanina..Buti nga at hindi ka niya nasaktan kundi makakapatay talaga ako ulit.." aniya

Napangit nalang ako dahil sa sinabi niya pero naalala ko..Hindi ko nga pala alam kung nasaan na kami..

"Nasan tayo?" tanong ko at inilibot ang paningin ko sa lugar..

Sobrang dilim talaga..Kahit nga mukha ni Ethan hindi ko makita..

"Nasa gubat parin tayo.."

Nanlaki nalang bigla ang mata ko dahil sa sinabi niya..

"Baka may ahas dito!.O 'di kaya kung anong hayop na mabangis!" natataranta kong sabi

Wag kang mag alala , may ipapain naman tayo eh.." aniya

Napakunot nalang ang noo ko dahil sa sinabi niya..

"May cellphone ka bang dala?" tanong niya

Kinapa ko naman ang bulsa ko pero wala doon..Sunod ko namang kinapa ang jacket na dala ko at binuksan ang zipper ng bulsa nito..

Kinuha ko doon ang cellphone ko na feeling ko may basag atah..

Grabe din kaya ang ginawa nung manyakis kanina..

"Ito , hindi ako sure kung gagana pa yan kasi nga baka nasira dahil kanina.." sambit ko

Kinuha niya ito at in-on , gumana naman kaya nakahinga nalang ako ng maluwag..

May ilaw na din kami..

Sinunod naman niyang in-on yung flashlight nang phone at itinutok sakin..

Napapikit nalang ako sa sobrang silaw..

"Ano bah!.Ang sakit sa mata.." inis kong sabi

"Sorry.." aniya at itinuon niya sa iba ang ilaw

"Nga pala , bakit hindi pa tayo bumalik sa resort?Baka hinahanap na nila tayo.."

"Paano tayo babalik kung hindi naman natin kabisado ang lugar?.At isa pa , naligaw na talaga tayo kasi lumampas na tayo sa lubid kanina..Hindi na rin nila maririnig ang pito kasi masyado na tayong malayo.."

Bumagsak nalang ang balikat ko dahil sa sinabi niya..

"Saan tayo matutulog kung ganun?" tanong ko

"Maghahanap tayo ng kweba dito..O kung sakali man lang , baka makakita tayo ng bahay dito at makahingi tayo ng tulong.."

Huminga nalang ako ng maluwag at nang tumayo siya at sumunod naman ako sa kanya..

Hahakbang na sana ako ng bigla nalang akong may naapakan na kung ano kaya ang resulta?

Bumagsak ako sa lupa..Wait..Parang hindi lupa..

"Kathlyn!"

Nagulat nalang ako ng may ulong akong narunig..

Wait..

My Cold BoyFriend (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें