Chapter 43

37.7K 973 41
                                    


Feelings

Lumabas ako ng bahay para puntahan si Ethan..Kaso hindi pa ako nakaka ilang hakbang ay nakasalubong ko na siya..

"Gising ka na pala.." aniya pero hindi man lang tumingin sakin ng diretso

"A-Ah..Y-Yung tungkol nga pala kagabi--"

"Okay lang..Wag mo na yung alalahanin.Tama naman lahat ng sinabi mo..At tama na rin sigurong hanggang kaibigan nalang tayo , kasi natatakot ka na talagang mahalin ulit ako.."

Para akong na guilty dahil sa mga sinabi niya..

Bakit parang ako pa yung nagmukhang masama ngayon?

Napabuntong hininga nalang ako bago nagsalita..

"Sorry..Sorry kung hindi ko inisip ang nararamdaman mo dahil sa mga sinabi ko..Nadala lang kasi ako eh.Nadala ako ng galit ko sayo...Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na isumbat lahat sayo ng sakit na nararamdaman ko.."

Napatingin siya sakin..

"Okay lang..Sanay na ako." aniya at nilagpasan ako

Halos pigilan ko ang hininga ko dahil sa sinabi niya..

Sanay na siya?

Anong ibig sabihin nun?

Magsasalita pa sana ako kaso nang lingunin ko siya ay papasok na siya ng bahay..

Nabitin nalang sa ere ang sasabihin ko kaya agad nalang akong sumunod sa pagpasok..

Isasara ko na sana ang pinto nang bigla nalang may matandang lalaki na tumigil doon.

"Sino po kayo?" tanong ko dito

"Ako dapat ang magtanong sayo.Sino ka at bakit ka nandito sa pamamahay namin ng asawa ko?"

Nanlaki nalang ang mata ko dahil sa sinabi niya..

Hindi kaya siya ang asawa ni nanay Linda?

"Kayo po bah si tatay Ben?" tanong ko

Naikwento kasi siya ni nanay Linda sakin kanina..

"Ako nga..Bakit mo ako kilala?" aniya at inilapag sa gilid ang dala niyang palanggana

Malangsa ang amoy niya kaya mukhang siya talaga si tatay Ben na mangingisda..

"Ah , naikwento po kasi kayo ni nanay Linda sakin..Ako nga pala si Kathlyn..Nakituloy lang po kasi kami ng kaibigan ko dito kagabi kasi naligaw kami dito sa gubat..Buti nga po pinatuloy kami ni nanay Linda at pinakain.." paliwanag ko

Tumango naman siya at may tiningnan sa likuran ko..

Mukhang si Ethan yun..

"Yan bah ang kaibigan mo hija?" aniya at tiningnan si Ethan

Tumango naman ako sa kanya at ngumiti.

"Nasaan na bah si Linda?" aniya

"Nasa loob po--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng lumabas na si nanay Linda

"Ben!.Nandito ka na pala!" masayang bati ni nanay Linda sa asawa

"Linda , nakapagluto ka na bah ng umagahan para makakain na tayo.." si tatay Ben at pumasok na

Naiwan kami ni Ethan sa tapat ng pinto..

"Sumunod na tayo sa kanila.." si Ethan at iiwan na sana ako ulit pero agad ko siyang pinigilan

My Cold BoyFriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon