Chapter 29

42K 1.1K 59
                                    


Uncover

"Hindi na naman niya naalala noh?" si Jayce 

Nandito kasi kami ngayon sa school kasi nga may practice sila ng grupo niya sa banda..

Niyaya niya kasi akong sumama kasi wala rin naman akong magawa..

"Sa tingin mo , Jayce..Mahal pa bah ako ni Ethan?Kasi kung hindi niya ako sinasabihan ng I love you , hind niya rin naaalala kung kailan ang monthsary namin..Buwan-buwan nalang lagi siyang ganyan.." malungkot kong sabi

"Tanungin mo kaya siya para naman hindi ka na ma stress.." aniya at kinuha ang guitar na gagamitin niya sa practice nila..

Umupo ako sa sofa katapat nila para manuod..

"Nasan na bah si Ann?" si Mark ang leader nila

"Hindi ko alam eh.." si Lester ka-grupo din ni Jayce

"Nag text si Ann sakin.." si Marie

"Anong sabi?" si Mark

"Hindi daw siya makakapunta kasi sinugod sa ospital ang nanay niya dahil inatake na naman daw sa puso.."  si Marie

Nabuntong hininga nalang silang lahat..

"Pa'no toh?Siya yung vocalist natin , at kailangan nating mag practice para sa program ngayong lunes.." problemadong sabi ni Mark

May program kasi ngayong lunes kaya kailangan nilang mag perform..

Tiningnan ko si Jayce na nakatingin lang din sakin..

"May kilala ka bang pwedeng pumalit kay Ann ngayong araw lang , Jayce?" si Lester at tiningnan si Jayce

"Meron.." nakangiting sabi ni Jayce

"Sino?" si Marie

"Si Kathlyn.."

Nanalaki nalang ang mata ko ng marinig ko ang pangalan ko mula kay Jayce..

"Marunong ka palang kumanta Kathlyn?" si Mark

Napakurap kurap nalang ako dahi mukhang wala na akong takas dito..

"Marunong siyang kumanta..Si Zed kasi nagturo sa kanya.." si Jayce  at hinila na ako papunta sa gitna..

"Jayce!" mag poprotesta pa sana ako pero nakita ko nalang ang paghahanda ng nila para tumugtog

Arghh!.Kainis naman kasi eh! >.<

Wala na akong nagawa kundi ang pumwesto nalang din sa gitna..Sana alam ko yung kanta dahil kung hindi , mapapahiya talaga ako...

"Uncover ang kakantahin natin.." si Mark

Napalingon ako bigla sa kanya..

"Bakit uncover?"

"Marami kasing makakarelate sa kantang yun lalo na yung mga may relasyon pero hindi alam ng iba.." si Marie

Napatango nalang ako..

Parang kami lang din pala ni Ethan ang pinapatamaan..

Narinig ko na rin kasi ang kantang toh kaya walang problema..

Tiningnan ko nalang ang lyrics na nasa harapan ko..

Nagsimula na silang tumugtog kaya naghanda na rin ako..

My Cold BoyFriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon