Chapter 75

23.8K 655 27
                                    


Close

"Papa Ethan , may asawa na po bah kayo?" si Sam habang nilalaro ang binigay ko sa kanilang teddy bears at barbie dolls

Ilang linggo na simula noong tinatawag nila akong papa..

Lagi na nga akong bumibisita dito pero hanggang hapon lang ako dahil ginagawa ko pa ang trabaho ko sa condo..

Hindi na rin kasi ako pinagbabawalan ni Kathlyn na bisitahin sila lalo na't mas close na kami ngayon nang mga anak niya..

"Wala pa , siguro nga hindi na ako mag aasawa.." sambit ko at ngumiti sa kanya

Tiningnan naman nila ako pareho ni Angelica..

"Bakit po?" sabay nilang tanong

"Wala lang..Ayaw ko lang palitan yung babaeng una kong minahal.."

Nagtinginan naman silang dalawa at sabay ulit na nag tanong..

"Sino po bah ang babaeng tinutukoy niyo?"

Sasagot na sana ako nang biglang dumating si Kathlyn na may kausap sa phone..

"Oo , nandito sila..Naglalaro lang naman eh , gusto mo bah kausapin?.Sige , teka lang.." 

Tiningnan ni Kathlyn ang mga bata at agad na inabot yung phone sa kanila..

"Gusto kayong makausap ni papa niyo.." aniya at ngumiti sa mga ito

Agad namang nanlaki ang mata nila at nag uunahan na kunin ang phone..

Nang mauna si Sam ay agad niya itong itinapat sa tainga niya..

"Papa!" masayang tawag nito

Napatingin naman ako sa kanila na parang sobra-sobra ang saya..

Kaso imbis na maging masaya din ako sa kanila nasasaktan na tuloy..Kasi masaya silang maka usap ang papa nila sa malayo habang ako , pampalipas oras lang na maging papa nila..

Sandali ko lang mararanasan ang maging ama..Kaya susulitin ko nang makihati sa atensyon nila sa totoo nilang papa..

Nang matapos ang tawag ay agad na ding lumabas ang mga bata para maglaro sa garden nila..

Tiningnan ko naman si Kathlyn na busy pa rin sa phone niya..

"Nasaan na bah yung papa nina Angelica at Sam?" tanong ko

"Anong pakialam mo?" masungit na sabi ni Kathlyn

"Gusto ko lang namang malaman kahit yun lang.." pamimilit ko

Napakunot ang noo niya habang nakatingin sakin..

"Pwede bah Ethan?.Wag kang feeling close sakin , hindi na nga kita pinagbabawalan na makita ang mga anak ko kahit na wala ka namang koneksyon sa kanila..Sana naman alamin mo din kung hanggang saan ka lang , wag kang magtatangkang lumampas sa linyang dapat mong kalampasan.Mga bata lang naman ang dahilan kung bakit ka nandito , at sa huling hiling mo na din.." 

Napayuko nalang ako nang dahil sa sinabi niya..

"Kung ayaw mo na akong makita dito , pwede mo na din naman akong pag bigyan sa hiling ko eh..Hindi na kita lalapitan at guguluhin..Pati yung mga anak mo , hindi ko na papakialaman.Sapat na din naman siguro ang ilang linggo para makapag isip ka diba?" tiningnan ko siya sa mata

Tinaasan niya naman ako nang kilay..

"Akala mo bah madaling makihati sa atensyon nang mga bata?.Sa tuwing tinatawag nila akong papa napapaisip nalang ako na sana anak ko nalang talaga sila.Ang sakit , Kathlyn..Na pansamantala lang din yung pagiging ama ko sa kanila.Na kailangan ko munang sulitin ang mga araw na magiging ama ako sa mga batang hindi naman akin.."

Bigla nalang siyang umiwas nang tingin pagkatapos kong sabihin yun..

Napayuko nalang ako ulit dahil mukhang mas magandang umalis na muna ako..

"Aalis na ako--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang nagsalita siya

"Edi pumapayag na ako sa hiling mo..Bukas sa condo mo ako pupunta , sana naman ayos na yun sayo..Ikaw na ang bahalang sumulit sa mga oras..Wag mong isipin na ginagawa ko 'to para makasama ka , ginagawa ko 'to para lumayo ka na sa mga bata.Ayaw kong mas maging close ka sa kanila tapos kapag umalis ka na sisisihin na nila ako sa pagkawala mo.." aniya at tumalikod na sakin

Malungkot naman akong ngumiti habang nakatingin sa kanya..

"Thank you sa huling pagkakataon na pabibigyan mo yung hiling ko.." sambit ko

Umalis na siya sa harap ko habang ako naman ay napa-upo sa sofa..

"Papa!" tawag ni Angelica

Tiningnan ko naman siya habang nakangiti..

Sumunod naman sa kanya si Sam at sabay silang lumapit sakin..

"Papa , aalis ka na bah?" tanong nila

Ngumiti naman ako at umiling..

"Mamayang gabi na lang ako aalis , kasi baka bukas hindi na ako makabalik.." 

Agad naman silang nagtaka sa sinabi ko..

"Hindi ka na po babalik?" si Sam

"Bakit po , papa?" si Angelica

Malungkot ko naman silang nginitian..

Parang huling araw ko na para makasama sila..

Nakakalungkot naman yun , kasi wala nang tatawag sakin nang papa..

Wala nang yayakap sakin at magpapakarga..

Wala nang batang mangungulit sakin lagi..

"Hindi na kasi ako pwedeng bumalik dito sa laguna dahil may trabaho pa ako sa manila..Pupunta din ako sa ibang bansa para sa business trip ko..Kaya baka hindi ko na kayo mapuntahan pa dito..Pero wag niyo akong kalilimutan kung sakaling hindi na ako makabalik dito , okay?" 

Malungkot naman silang tumingin sakin..

"Akala ko hindi ka na po aalis sa tabi namin..Akala po namin lagi kang bibisita dito , pero hindi po pala.." malungkot na sabi ni Angelica

"Kakakilala ko lang po sa inyo pero aalis na po kayo..Pero kahit ganun hindi po namin kayo kalilimutan , kasi naging papa din po namin kayo." si Sam at niyakap ako

Niyakap na din ako ni Angelica kaya niyakap ko sila pabalik..

Gusto kong umiyak dito , kahit magmukha akong bakla sa paningin nila..

Kaso ayaw ko namang magtaka sila dahil sa pagiging emosyonal ko..

Siguro hanggang mamayang gabi nalang ang pagkikita namin..

Sana nga ay makapag paalam na din ako kay Kathlyn bukas..

"Sige na , mag laro na tayo.." masayang sabi ko at ngumiti sa kanila

Bumalik naman ang saya sa mga mata nila dahil sa sinabi ko..

Maghahanda ko para bukas..

Paghahandaan ko lahat para lang sa huling pagkakataon na makakasama ko siya..

Ang babaeng mahal na mahal ko kahit hindi na siya sakin..



My Cold BoyFriend (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora