Chapter 34

43.6K 1.2K 100
                                    


Balik

Bumalik ako sa gymnasium dahil baka mahuli pa ako..Pero bago ako makapasok ay bigla nalang nag ring ang phone ko..

Tumatawag si Eliza..Agad ko naman itong sinagot..

"What the hell , Ethan!.Bakit mo ako binabaan?!" salubong ni Eliza sa kabilang linya

Halos ilayo ko sa tainga ko ang phone dahil sa lakas ng boses..

"Calm down , Eliza..Let me explain first.." mahinahon kong sabi

"Calm down?!.Inistorbo mo lang naman ang family bonding namin dahil sa tawag na yun!.Akala ko importante pero bababaan mo lang pala ako?!.Damn you!" galit nitong sabi

Napahilot nalang ako ng sintido ko dahil mukhang galit na talaga siya..

"I'm sorry..Hindi ko sinasadyang babaan ka.May kausap kasi ako kaya kailangan kitang babaan..Sorry na please..Wag ka nang magalit." malambing kong sabi

Rinig ko ang buntong hininga nito..

"Fine..Basta wag mo na yung uulitin.Alam mo namang ayaw kong napapahiya sa family ko." aniya bago ako binabaan

Napabuntong hininga nalang ako dahil buti nalang naging maayos din..

Ayaw ko kasing nagagalit siya dahil sa ginagawa ko..Hindi dahil takot akong hiwalayan niya ako..Takot ako na baka ibuntong niya sa iba ang galit niya..Alam ko kasi kung paano magalit si Eliza..Ibang iba sa inaakala ng iba.

Nang makapasok na ako ay agad kong nakita si Nathan na parang hinahanap na ako..

"Kuya!" agad siyang tumayo at lumapit sakin

"Sorry natagalan ako.." sambit ko

"Kilala ko na kung sino ang bagong vocalist ng WAVES!." aniya na parang masaya pa

Umirap ako sa kanya..

"Alam ko na rin..Mas nauna pa ako sayo." sambit ko

"Talaga?.So , nagkita na kayo ulit?"

Huminga ako ng malalim at tumango sa kanya..

"Magkaibigan na nga eh.." sambit ko at nag iwas ng tingin

Napakunot nalang ang noo ko dahil bigla nalang itong tumawa na parang may nakakatawa?

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?"

Nang tumigil ito sa pagtawa ay ngumisi naman ito habang nakatingin sakin..

"Magkaibigan nalang kayo..So naka move-on na siya , habang ikaw , hindi pa..Gago kapala tol eh , ikaw yung nanloko pero ikaw yung hindi maka move-on sa ex mo!" aniya

Mas lalong kumunot ang noo ko..

"At sinong nagsabi sayo na kailangan ko pang mag move-on?.Katulad lang siya ng mga ex ko noon , Nathan..Hindi ko na kailangang mag move-on kasi laro lang naman ang relasyon namin noon.." relax kong sabi

Mas lalo siyang ngumisi dahil sa sinabi ko..

"Laro nga lang bah talaga?.Wag ako kuya..Kambal tayo , alam ko kung ano ang iniisip mo at nararamdaman mo..Magkaiba man tayo ng ugali , pero hindi tayo nagkakalayo.." aniya bago bumalik sa upuan niya para magsimula ulit sa audition..

Tumalikod nalang ako doon para umalis ulit..

Wala pa pala akong mapapala dito..Siguro maglalakad lakad na muna ako ng sampung minuto bago ako babalik dito para sa audition..

My Cold BoyFriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon