Chapter 10

48.6K 1.3K 37
                                    


Girlfriend

Habang nag aayos ako ng buhok ko ay hindi ko mapigilang mapaisip tungkol kay Ethan..Suot suot ko na yung binigay niyang gown at heels..Kaya mas nakakaguilty kasi hindi man lang ako nakapag pasalamat sa kanya..

Pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin..

Naka braid lang yung buhok ko at simpleng make up lang naman ang nilagay ko..Buti nalang at dala ko lahat ng gamit ko nung umalis ako ng bahay namin..

Pumikit muna ako at huminga ng malalim..Pero napadilat nalang ako bigla ng makarinig ako ng busina sa labas..

Nasa pangalawang palapag lang naman kasi ako kaya rinig ko kung ano ang meron sa labas..

Agad akong tumayo at dumungaw sa bintana..Napangiti nalang ako ng makita ko ang sasakyan ni Ethan..

Sinusundo niya ako?

Siguro ito na yung chance para makapag usap kami diba?Tyaka para na rin makapag pasalamat ako sa kanya..

Dali dali akong lumabas at bumaba para puntahan siya..

Nang nasa harap na ako ng pinto ng sasakyan niya ay agad itong bumukas at lumabas si Ethan..

Napalunok pa ako dahil sobrang gwapo niya sa suot niya..

Oo na , hindi ko na i-dedeny , pogi na siya..Masungit nga lang..

"Pumasok ka na." cold nitong sabi at pinagbuksan ako ng pinto.

"Akala ko--" 

"Wag ka nang magsalita..Mahuhuli na tayo.." aniya at iniwang nakaawang ang pinto sabay pasok ulit sa driver's seat..

Napayuko naman ako at pumasok nalang din.

Habang nag da-drive siya ay tahimik lang siya na para bang wala siyang kasama?.Hayst , nakaka miss rin pala ang pangungulit ng isang toh..

Nang makarating kami sa parking lot ay hindi muna siya bumaba agad..May inabot itong maskara sakin..

"Suotin mo yan , parte yan ng party.." aniya at nagsuot na rin ng maskara niya na mata lang ang natatakpan..

Napatitig naman ako sa maskarang bigay niya sakin na kalahati ng mukha ko ang natatakpan..

Nang lumabas siya ay lumabas na rin ako at nagsimula nang maglakad papasok ng gymnasium kung saan gaganapin ang lahat..

Pagkapasok ko doon ay sobrang ganda ng lahat ng istudyante..Magagara lahat ng damit na para bang ball ang pinuntahan?

Pero sanay naman ako dito noon , kapag may party , si mommy lagi nag aayos sakin..

"Ethan!" 

Napalingon ako ng may tumawag kay Ethan..Napakunot nalang ang noo ko ng makita ko ang isang babae na nakatakip ang buong mukha pero halatang maganda..

"E-Eliza?" si Ethan na halatang gulat

"Oh my god!.Long time no see!" sabi nung babae at niyakap si Ethan

Mas lalo akong nagtaka nung hinubad nung babae ang maskara niya at hinalikan sa labi si Ethan..

Napaiwas nalang ako ng tingin dahil para nakakairita ang nakikita ko ngayon..

"Akala ko hindi na talaga kita makikita!.Buti nalang at naka uwi na ako..I miss you.." sabi nung babae at mas humigpit ang yakap kay Ethan

Napansin ko namang napatingin si Ethan sakin kaya agad akong nag iwas ng tingin at umalis doon..

My Cold BoyFriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now