Chapter 44

38K 969 48
                                    


Sadness

Niyakap ko ang sarili ko habang nakamasid sa bintana..

Kitang kita ko ang araw na papalubog na..

At tuluyan nang inaagaw ng gabi ang liwanag na dala niya..

Napahikbi nalang ako dahil parang hindi ko na kayang makipag laro pa kay tadhana..

Pati si Jayce nasasaktan na..Alangan namang hayaan ko nalang yun diba?.Dahil sa mga ginagawa ko nasasaktan ko na yung iba..Dahil sa katangahan ko , mas lalo akong nasasaktan sa bawat araw na lumilipas..

"I want to die..I'm tired for crying every now and then..I'm scared.I was afraid to fall in love again.I was afraid I might hurt Jayce.What did I do?.I don't know how to fix this big mess."

Napatigil nalang ako sa pag iyak nang makarinig ako ng katok..

Agad kong pinunasan ang luha ko at inayos ang mukha ko bago ito binuksan..

"Can we talk?"

Halos matigilan ako dahil si Ethan pala ang kumakatok..

Anong gusto niyang pag usapan namin?

"Can you wait for a while?" tanong ko pabalik

"Okay.." pagkatapos niyang sabihin yun ay agad akong tumungo sa cabinet ko at kinuha doon ang isang itim na jacket

Malamig na kasi ngayon sa labas kaya kung sakaling doon man kami mag usap , hindi ako giginawin..

Lalo na't short shorts at spaghetti strap lang ang suot ko..

Agad kong sinuot ang jacket bago bumalik sa pinto at hinarap si Ethan..

"Saan bah tayo mag uusap?" tanong ko ulit

"Sa dalampasigan nalang.." aniya

Tumango naman ako at sinara na ang pinto bago nagsimulang maglakad..

Habang naglalakad kami ay sinimulan ko na ang usapan..

"Ano bah ang gusto mong pag usapan?"

Sinulyapan niya muna ako saglit bago nagsalita..

"Narinig ko lahat.."

Agad akong napatigil sa paglalakad dahil sa sinabi niya..

Alin ang narinig niya?

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako..

"Narinig ko ang usapan niyo ni Jayce..Ang pagkakagusto niya sayo at ang gusto niyang maging ako.."

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya..

"Alam kong nahihirapan ka na..Pero gusto ko lang sanang itanong kung.."

Yumuko ako dahil kung ano man yang tanong niya , sana hindi na ako masaktan..

"Kung may gusto ka rin bah sa kanya?"

Napaangat ang tingin ko kay Ethan..

Bakit naman niya tatanungin yun?

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang sinasagot siya..

"Magkaibigan lang kami ni Jayce simula bata..Kaya nga nahihirapan akong mag adjust kasi nga may gusto siya sakin.Alangan naman kasing balewalain ko rin ang nararamdaman niya katulad nang--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil baka bumalik na naman ang topic simula kaninang umaga

"So , talagang wala kang nararamdaman sa kanya?"

Tiningnan ko siya..

"Meron , pero hanggang kaibigan nga lang.."

Nang makarating kami sa dalampasigan ay agad akong umupo sa buhangin at tiningnan ang naglalabasan nang mga bituin..

"Siya pala ang pinagsasabihan mo nang lahat-lahat noon..Akala ko sinasarili mo lang.."

Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya..Umupo na rin kasi siya sa tabi ko..

"Kaya nga naiintindihan ko kung gaano siya nasasaktan eh..Siya ang sinasabihan ko nang lahat ng problema ko , pero hindi ko man lang inisip na may problema din siya..Hindi ko man lang inisip na baka nasasaktan din siya..Puro nalang kasi tungkol sakin ang iniisip ko..Wala na akong pakialam sa ibang tao.." malungkot ako ngumiti at tiningnan ang buwan

"Hindi mo naman kasalanan eh...Kasi kung mahal ka talaga niya , hindi niya pagsisisihang hanggang kaibigan lang kayong dalawa..Kasi kahit kaibigan lang ang label ninyo , atleast meron..Kesa naman sa iba na wala na ngang relasyon , wala pang label."

Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit..

"Buti pala may label tayo noon kahit hindi mo naman ako mahal.."

Hindi siya nakasagot dahil sa sinabi ko..

Pumikit ako at nagsalita ulit..

"Alam mo bang pinagsisisihan ko pang nakilala kita?.Pinagsisisihan ko pang naging tayong dalawa..Pero alam mo yung masaklap pa doon?.Yun yung kahit anong pagsisisi ko hindi ko parin magawang baguhin ang takbo ng mundo..Yung kahit isisi ko na lahat sayo , wala paring nagbabago sa sakit na nararamdaman ko.Para akong pinagsakluban nang langit at lupa..Halos hindi ko na magawang kumain sa kakaiyak..Hindi na ako makainom nang tubig dahil wala na ako sa sarili ko..Kahit ilang taon pa yung lumipas , hindi ko parin magawang kalimutan ang nakaraan.." naramdaman ko na ang luhang pumatak sa mata ko kahit na nakapikit pa ako

Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako..

"I want to forget my sadness and proceed to happiness..I want to forget the past and proceed to the future..I want to forget about you but I can't proceed because I'm still stuck on you.." malungkot ko siyang nginitian

Mas lalo pa nang tumulo ang luha ko dahil sa pagdilat ko..

Kahit na madilim alam kong kita niya parin ang mga luha ko..

Ngayon malalaman mo na kung ano talaga ang totoong nararamdaman ko..

"I want to forget my sadness, too..But I don't want to proceed in happiness without you..I don't want to forget the past because that's the reason why I'm still in love with you..I want to proceed to the future with you and not with anyone else.."

Natigilan nalang ako dahil sa sinabi niya..

"No..That's a lie.You just want to fool me again..You just want to hurt me..Once is enough , Ethan.."

"That's not a lie..Kung inaakala mong niliko kita noon , pwes hindi..Kasi kahit kailan hindi ko ginustong saktan ka.."

"Hindi mo ginustong saktan ako pero bakit hindi ka man lang makasagot sa mga I love you ko sayo noon?.Akala mo bah madaling isipin na parang sa tatlong salita lang na yun , ang hirap na para sayong sagutin ako pabalik?..Pero binalewala ko parin yun..Kasi akala ko , hindi mo pa kaya..Hindi ka pa handa..O hindi mo lang narinig..Pero hindi eh..Mali lahat ng iniisip ko..Kasi iba pala ang gusto mo.."

Hindi siya nakapagsalita dahil sa sinabi ko..

Huminga nalang ako ng malalim at tumingin ulit sa buwan.

"Wag na nating pag usapan ang nakaraan..Masasaktan lang tayo pareho.." sambit ko at pinunasan ang luhang lumandas sa pisngi ko

Siguro kailangan ko munang magpahinga saglit..

Magpahinga sa mga sakit na nararamdaman ko..Kahit isang araw lang siguro..Kaso paano ko naman gagawin yun kung si Jayce nga iniwan na rin ako?

Hindi pa ako pwedeng umalis dito kasi hindi pa kami tapos sa mga activities..

Siguro kakausapin ko nalang si Jayce para hindi na lumaki pa ang gulo..Ayaw ko na ring masaktan siya nang dahil sakin..

Kasi mahal ko siya bilang kaibigan..

At hindi ko alam kung aabot pa bah yun sa higit pa sa inaakala niya..

My Cold BoyFriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now