Chapter 69

24.8K 665 46
                                    



Simula

Kinabukasan ay pinahanap ko sa sekretarya ko kung saan na nakatira ngayon si Kathlyn..

Sigurado din naman kasi ako na kasama niya yung mga magulang niya lalo na't pagkatapos nang naging libing noon ay bigla nalang silang nawala..

Siguro ibang bangkay ang nilagay nila sa kabaong para ipalabas na wala na talaga si Kathlyn..

Hindi ko din kasi alam kung ano yung buong nangyari dahil ipinakulong ko nang pamilya ni Kathlyn , buti na nga lang at ipinag laban ako ni mommy at daddy para mapatunayang wala talaga akong kasalanan..

Hapon na kaya mas binilisan ko pa ang pag tapos nang trabaho ko nang bigla nalang dumating ang sekretarya ko..

"Sir.."

Tiningnan ko siya nang seryoso..

"Kamusta na ang pinapahanap ko sayo?"

"Alam ko na po kung saan nakatira si Ms.Sanchez.." aniya at nakangiti sakin

"Saan bah?"

"Sa isang subdivision po sa Sta. Rosa Laguna."

Tumango naman ako sa kanya at agad nang tumayo..

"Ikaw na ang bahalang mag ayos ng mga papeles na natapos ko na..Kailangan ko nang umalis lalo na't mahigit ilang oras ang biyahe ko papunta doon.." sambit ko at agad nang lumabas nang opisina

"Good luck , sir..Sana po masuyo niyo ni ma'am.." aniya at ngumiti

Tumango lang ako sa kanya at nag mamadali nang pumasok nang elevator..

Habang nasa biyahe ako ay tinawagan ko ulit ang sekretarya ko para magpa alam na baka hindi ako ulit makapasok nang ilang araw..

"Ikaw nalang ang bahalang magdala sakin nang damit lalo na't sa condo na muna ako manunuluyan..Ikaw na din ang humanap at tumawag dahil baka mawala na sa isip ko yan mamaya..I-text mo nalang sakin kung saan para mas madali.Yung tungkol naman sa trabahong naiwan ko , i-email mo nalang sakin para dito ko nalang gawin.."

"Yes , sir!.Gagawin ko po lahat nang inu-utos niyo..Maya-maya lang ay i-tetext ko na yung condo na tutuluyan niyo pansamantala at bukas din ay nandiyan na yung damit ninyo..I-sesend ko na din po yung email para sa mga naiwan niyong trabaho..Wag po kayong mag alala sir , ako na po yung bahala dito habang wala kayo..Ingat , sir!" aniya bago binaba ang tawag

Napangisi naman ako dahil magsisimula na ang plano kong malaman ang kasagutan nang mga tanong ko..

At ang hiling kong isang araw lang na makasama ko ang babaeng mahal ko..

Dalawang oras ang lumipas ay malapit na akong makarating sa subdivision na sinabi sakin nang sekretarya ko..

Tumigil na muna ako sa isang flower shop at agad na bumili nang isang bouquet of flowers..

Ilang minuto pa ulit ang lumipas ay nakarating na ako sa subdivision..

Ibinaba ko ang bintana nang sasakyan ko at tiningnan yung guard na nagbabantay doon.

"Hi , sir..Ano po yung kailangan nila?" tanong noong guard nang subdivision

"Saan dito yung bahay ni Kathlyn Sanchez?" tanong ko

"Ah , nandun po sa pinaka huli..Yung pinaka malaking bahay na makikita niyo sa dulo , yun na po yun.." aniya

Tumango naman ako sa kanya..

My Cold BoyFriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon