Chapter 09

46.1K 1.3K 41
                                    


Iwas

Halos buong oras akong tulala..Ewan ko nga kung saan ako magpapalit dahil wala naman akong dalang extrang damit..Kaya kahit nakakahiya , pumasok ako sa unang klase ko ng may putik at maruming marumi..Sinulatan ko pa ang marumi ko ring notebook..

Wala naman kasi akong choice diba?

Nang matapos ang unang klase ay hindi ko parin maiwasang isipin kung ano ang ginawa sakin ni Ethan kanina..

Arghh!.Kainis naman eh..

Hindi dapat yun sa kanya..

Gusto ko pa naman na sa kasal na ng mapapangasawa ko ang unang halik ko..

Kainis kasi eh! >.<

Nakayuko lang ako habang naririnig ang bulungan ng mga kaklase ko habang nakatingin sakin..

Hindi ko parin nakakalimutan kung ano yung ginawa nila sakin kanina..Yung pambubully nila.Yung pang aapak nila..Lahat lahat.

Gustong gusto nang tumulo ng luha ko ng bigla nalang may lumitaw na paper bag sa arm chair ko..

Nakatitig lang ako doon habang napapansin kong halos tahimik na ang lahat..

"Magpalit ka na..Ako na ang bumili ng damit mo , nandyan na rin ang mga bagong libro mo..Tapos yung mga bagong notebooks mo pati na rin bag , nasa kotse ko..At yung susuotin mo naman mamaya , nandun na rin.." rinig kong sabi ni Ethan

Kahit gusto kong tanungin kung bakit niya toh ginagawa sakin , pinigilan ko nalang ang sarili ko..Dahil naalala ko parin yung unang halik ko..

Nang mapansin niyang hindi ako nagsalita ay agad siyang bumuntong hininga..

"Yung mga lumang libro mo , pinakain ko sa mga gumawa niyan sayo..Alam mo naman siguro kung ano ang kaya kong gawin diba..At isa pa , kung inaalala mo yung kanina--"

"Ba't mo toh ginagawa sakin?" malamig kong sabi pero hindi parin siya tinatapunan ng tingin

Hindi ko kaya..

"Sakin nalang yun..Tyaka nagmamagandang loob lang ako.." aniya

"Nag mamagandang loob?.Masama ka diba?." mapait kong sabi

Ewan ko bah kung bakit ko nasasabi ang mga toh..Para kasing simula nung nakilala ko siya , hindi na naging maganda ang takbo ng buhay ko..

Siya ang dahilan kung bakit ako ginaganito ng mga tao..

Siya ang dahilan kung bakit parang walang lumalapit sakin ni isa..

"Kung inaalala mo yung ha--" hindi ko na siya pinatuloy pa sa pagsasalita

"Pwede bah , Ethan?.Ayoko ng gulo , hindi ko gusto ang pagmamagandang loob mo.Dahil diyan sa ginagawa mo napapahamak ako eh!.Ayoko namang masira nalang yung buhay at mga plano ko nang dahil sayo!" hindi ko na napigilan pa ang pag sigaw

"Edi sige , madali naman akong kausap..Hindi naman ako bobo para hindi maintindihan ang sinasabi mo..Pero kahit itong mga pinamili ko nalang para sayo ang kunin mo..Tapos iiwas na ako.." aniya at tiningnan ang paper bag

Hindi na ako nagsalita kaya agad na siyang tumalikod at umalis doon..

Napatingin naman ako sa paper bag na dinala niya kanina at agad kinuha yun bago lumabas..

Nang makapagpalit na ako ay napapikit nalang ako kasi hindi ko na alam ang gagawin ko..

Parang nagi-guilty na ako dahil sa pag sigaw ko sa kanya kanina..

Nang pumunta ako sa locker ko at nagulat nalang ako ng may isang box doon kaya agad ko yung kinuha at binuksan..

Nanlaki nalang ang mata ko ng makita ko ang isang purple gown doon na simpleng tingnan pero halatang mahal..Nandun na rin ang isang pares ng heels na kulay itim..

May isang pirasong papel rin na nakalagay doon kaya agad ko rin iyong tiningnan

"Bagay toh para sayo." pagbasa ko sa nakalagay dun

Napayuko naman ako dahil sa lahat ng ginawa niya sakin sa araw na toh , yung sinukli ko lang sa kanya ay yung pag sigaw ko..Yung pagsasabi ko ng masasakit na salita..

"Ang tanga tanga mo kasi , Kath eh!.Nagpadala ka sa galit mo!" bulong ko at hindi na napigilang maiyak

Kung nandito siguro si kuya o kaya si Jane , sigurado akong papatahanin nila ako..Pero wala eh..Ako nalang mag isa dito.

Nang mag uwian na kami ay agad akong kinabahan dahil magkikita na naman kami ngayon dahil tutor niya nga ako..

Mamayang 6 pm pa kasi ang party kaya dapat hanggang 4 lang ako sa pagtuturo..Buti nalang at half day lang kami ngayon..

Nang makarating ako sa parking lot ay may bigla nalang tumigil sa sasakyan sa harapan ko..

"Kayo po si Katlyn diba?" tanong nung driver

Agad naman akong tumango..

"Sumakay na po kayo ma'am.." anito

Napakunot naman ang noo ko..

"Saan po tayo pupunta?" tanong ko

"Sa bahay po ng mga Mendez..Tyaka ako na po ang bahala sa mga dala niyo kapag nakarating na po tayo doon.." aniya

Napaiwas naman ako ng tingin..

Yung driver na nila ang sumundo sakin kasi ayaw niyang siya ang sumundo sakin..Kasi nga , iiwas na siya dahil madali siyang kausap..Hindi tulad ko..

Tahimik akong pumasok sa kotse..At nang makarating kami sa mansyon ay agad na rin akong bumaba..

Sa tingin ko , kailangan kong mag apologize kay Ethan dahil sa pag sigaw ko sa kanya..Hindi ko dapat ginawa yun kasi wala namang kasalanan yung tao..

Nang makapasok ako sa bahay nila ay sakto ring pababa na si Ethan sa hagdan at napatingin sa kinaroroonan ko..

"Ethan--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita

"Bilisan na natin , wala na tayong oras para mag usap pa..Kailangan ko na ring mag handa para sa party mamaya pagkatapos nito.." diretso nitong sabi at umupo sa sofa sabay kuha ng libro niya.

Napalunok naman ako at nakayukong umupo sa tabi niya sabay buklat ng mga libro ko..

Kahit na tinuturuan ko na siya , hindi niya parin ako magawang sulyapan..Pero ako , panay ang tingin ko sa kanya..

Ewan ko bah pero nakakalungkot isipin na yung lalaking tanging lumalapit at nangungulit sayo , yun pa yung tinataboy mo..

Nang matapos namin ang isang lesson sa math ay agad na siyang tumayo at tiningnan ang phone niya..

"Kailangan ko ng maghanda..Magpahatid ka nalang sa driver.." aniya at tatalikuran na sana ako pero agad kong hinuli ang kamay niya.

"S-Sorry.." sambit ko at yumuko

Hindi niya man lang ako at binawi niya lang ang kamay niya sakin sabay lakad papalayo.

Napabuntong hininga naman ako dahil talagang iiwas na siya sakin gaya ng gusto ko..

Ang tanga ko naman kasi eh!

Tang*na naman kasi yang bibig mo Kathlyn! >.<




My Cold BoyFriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now