Chapter 11

46.8K 1.3K 30
                                    


Away

Hindi ko alam kung bakit..

Pero bigla nalang tumulo ang luha ko..

At ang sikip ng dibdib ko..

Na para bang nawalan ulit ako?

Agad akong tumalikod at naglakad paalis doon..

Nang makalayo na ako ay agad kong tinanggal ang maskara ko at pinunasan ang mga luha ko..

"Putang*na naman Kathlyn oh!.Ano bang nangyayari sayo?!.Bakit ka umiiyak?Ano bang problema mo?" galit kong sabi habang umiiyak

Napaupo nalang ako sa damuhan habang patuloy parin akong umiiyak..

"Hindi naman siguro yun ang dahilan diba?.Hindi ko naman siguro gusto si Ethan para umiyak ako ng ganito..Hindi ko siya gusto..Naiinis ako sa kanya..Salbahi siya.Siya ang dahilan ng lahat ng toh.Pero bakit parang ang hirap naman isipin na sana hindi ko nalang siya nakilala..Ano na bah talagang nangyayari sayo?" hinawakan ko ang dibdib ko dahil nasasaktan talaga ako

Ano naman kung may girlfriend siya?

Wala naman kaming relasyon..

Hindi ko siya gusto..

Sa tingin ko.

Sinuot ko ulit ang maskara ko at humiga nalang sa damuhan..Wala akong pakialam kung marumihan ako.

Pinagmasdan ko ang madilim na kalangitan pero may makikinang na bituin na nakapaligid..Hindi kagaya ng buhay ko , madilim na nga..Wala pang ni isang biutin na nakikita..

Kasi lahat sila , hindi ako kilala..Hindi ako mahalaga para sa kanila..

Kasi hindi naman ako importante sa mundo..Sarili ko ngang ama walang pakialam sakin , yung iba pa kaya..

Tumulo ulit ang panibagong luha sa mga mata ko..Buti nalang naka maskara ako at hindi kita..

Kasi yun naman talaga ako..

Ngumingiti , kahit masakit na..

Ngumingiti , kahit hindi ko na kaya.

"Anong ginagawa mo dito?" 

Napabangon nalang ako ng may marinig akong boses.

Pagkalingon ko sa likuran ko ay nanlaki nalang ang mata ko ng makita ko si Ethan..Nakatitig sakin na para bang gusto niyang basahin ang isip ko..

"W-Wala.." nanginginig kong sabi

Agad akong tumikhim para ayusin ang boses.

"Ba't dito ka sa labas nananatili eh mas masaya naman sa loob?" malamig nitong sabi

"W-Wala lang..W-Wala r-rin naman kasi a-akong kilala doon.." hindi ko parin mapigilan ang pagkakautal ko

Ang hirap naman kasi , kasi nga habang inaayos ko ang boses ko , sobrang lakas naman ng tibok ng puso ko! >.<

"Edi sana tinawag mo nalang ako.."

Napatingin ako sa mga mata niyang hindi ko mabasa basa..

"Pano kita tatawagin kung busy ka naman sa iba.." wala sa sarili kong sabi

"Anong ibig mong sabihin?" takhang tanong nito

Agad akong nag iwas ng tingin dahil nararamdaman ko na naman yung luha ko..

"W-Wala..P-Pagod lang ako.Sasakay nalang ako ng jeep , para maka uwi na ako.." sambit ko at tumalikod na

"Teka.."

Tumigil lang ako sa paglalakad pero hindi siya nilingon..

"Wag ka munang gumalaw.." aniya at naglakad papalapit sakin

Ewan ko bah kung bakit ko siya sinunod pero nanatili nga ako sa kinatatayuan ko hanggang sa nasa harapan ko na siya..

Bumilis ulit ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang lapit niya..

Nagulat nalang ako ng tanggalin niya ang maskara ko at tinitigan akong mabuti..

Ilang sandali siyang nakatitig sakin kaya ang ginawa ko ay agad kong kinuha ang maskara at sinuot ulit.

Agad akong naglakad papalayo sa kanya pero naguli niya parin ang kamay ko..

"Umiyak ka?" tanong nito

"H-Hindi..N-Napasukan lang ng alikabok ang mata ko.." sambit ko at babawiin na sana ang kamay ko pero agad niya akong hinila papalapit sa kanya

"Sinabi ko na sayo , wag kang magpapakitang umiiyak ka lalo na sakin.." aniya at niyakap nalang ako bigla

Halos pigilan ko ang hininga ko dahil sa ginawa niya..

At dahil din sa ginawa niya , tuluyan na ngang tumulo ang luha ko..Kaya ang ginawa ko nalang ay tinulak ko siya at palihim na pinunasan ang mga luha ko..

"Hindi nga ako umiiyak!" sigaw ko

"Anong hindi?!Halata sa mata mo , Kathlyn.." aniya

"Ano naman sayo kung umiiyak ako?!.Wala ka namang pakialam diba?Kasi hindi naman kita kaano-ano." sambit ko

"Ayon..Hanggang kailan mo bah ako sisisihin sa lahat ng mali sa buhay mo?.Porket bah ako ang pinakamasamang tao na nakilala mo , isisisi mo na sakin ang lahat?.Tao rin ako Kathlyn!.Inakala kong ikaw yung makakaintindi sakin kasi alam mo na ang pinaggagagawa ko noon.Pero inakala ko lang pala yun..Kasi katulad ngayon , galit ka sakin kasi ako nag dahilan kung bakit ka iniiwasan ng mga tao." mapait nitong sabi

Mas lalong tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya..

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinanggal ko ang maskara ko at tinapon yun sa kung saan..

"Ito na!.Oo umiiyak na ako!..Alam mo bah kung bakit?Kasi ang sakit sakit na!.Lahat nalang ng taong nasa paligid ko walang pakialam sa nararamdaman ko!.Hirap na hirap na rin ako , Ethan..Sobra..Gusto ko ng mawala..Kasi wala rin namang maghahanap sakin!" sigaw ko habang umiiyak

Nakita ko namang natigilan niya dahil sa ginawa ko..

"Hindi niya kami tinuring na anak simula nung mawala si kuya..Para na kaming baliwala sa kanya..Pati si mommy nagdudusa..Gusto ko lang naman ipamukha sa kanyang mag kwenta rin ako..Na hindi lang puro si kuya ang dapat niyang isipin kasi anak niya rin ako.." nanghihina kong sabi

"Bakit hindi mo siya kausapin?" seryosong aniya

"Kausapin?!.May magagawa bah yang pagkausap sa kanya?Babaero siya Ethan!Porket nawala si kuya , hayayaan na niya kaming masaktan!.Pagod na ako..Akala ko kapag lumayo ako sa kanila , tuloy-tuloy na ang lahat ng pangarap ko..Pero mali pala.Kasi simula nung dumating ako dito , mas naging miserable ang buhay ko..At dahil yun sayo." sambit ko at huminga ng malalim

Wala na akong ibang masabi..

Kasi kapag inamin kong nasasaktan ako kasi nagugustuhan ko na siya..

Baka mas gumulo lang ang lahat..

"Pero wala naman akong magagawa diba?.Magkaaway tayo..Kasi demonyo ka..Tutor ako ng demonyong katulad mo..Para magkapera ako , kailangan kong mag tiis sayo.." sambit ko at mapait na ngumiti

"Demonyo..Akala ko magbabago ang tingin mo sakin kapag sinabi ko ang totoong nararamdaman ko..Kaso , tulad ka rin pala ng iba , nanghuhusga ka rin..Hindi mo alam kung gaano kasakit sakin ang magdusa dahil lang nakapatay ako..Hindi mo alam kung gaano kahirap ang magtago ng dalawang taon , para lang pakalmahin ang sarili ko..Hindi ikaw ang nagdusa..Kaya hindi mo alam ang pakiramdam na maghirap.." aniya at iniwan ako doon

Napaupo nalang ako dahil nanghihina na talaga ang tuhod ko..

Napahagulhol nalang ako sa iyak dahil nasaktan ko na naman siya..

Ang tanga mo kasi eh!

Sinabi mo nalang sana ang totoo , ayan tuloy , nasaktan mo ulit siya..

Magkaaway na naman kami..

Tulad ng dati..

My Cold BoyFriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now