Chapter 13

46.6K 1.4K 72
                                    


Santa Maldita

Ilang linggo na ang lumipas simula nung nalaman ni Ethan ang feelings ko sa kanya..Syempre , umiwas ako..Pero siya yung panay ang lapit sakin..

At dahil nakadikit sa kanya ang girlfriend niya , lagi akong napag iinitan ng ulo..Inaaway pa nga ako sa tuwing nalalaman niyang lumalapit si Ethan sakin..

"Ikaw , kung gusto mo pang manatili sa pagiging tutor mo sa boyfriend ko , dumistansya ko muna ha?.Para ka kasing linta kung makadikit sa kanya.." sabi ni Eliza at inirapan ako

Nang tumalikod siya at binilatan ko naman siya..

Tsk!.Kala mo ikaw lang marunog umirap?..Hindi mo ako kilala , kaya wag mo akong sinusubukan!

Tyaka mas linta ka pa nga sakin eh..Hindi naman ako ang lumalapit sa boyfriend mo..Napaka assuming mo masyado..

Kapag naman nasa bahay kami nina Ethan , sobrang bait niya..Para bang sinapian ng anghel tapos sobrang maamo pa?.Tuta lang ang peg teh?

"Tita , tulungan ko na po kayo.." mabait nitong sabi

"Oh sige , salamat Eliza.." si ma'am Kyla at ngumiti

Nang tumalikod na si ma'am Kyla para pumunta sa kusina ay agad namang lumapit si Eliza sakin na may matalim na tingin.

"Don't you dare na agawin o landiin si Ethan dito , kung ayaw mong kaladkarin kita.." pagbabanta niya

Napakunot naman ang noo ko..

Baliw bah siya?.May topak atah ang babaeng toh..

"Eliza , hindi ako mang aagaw..Kung pagbabantaan mo ako lagi , wala ring kwenta..Kasi boyfriend mo yung lapit ng lapit sakin..Hindi ako ang lumalapit sa kanya..Siya kaya ang pagsabihan mo na lumayo sakin ng maging mapayapa rin ako?" tinaasan ko siya ng kilay habang nakangisi

"Wag mong subukan nag galit ko , girl..Hindi mo ako kilala.." seryosong aniya

"Mas wag mo akong subukan , hindi mo rin ako kilala..At hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin sayo.Kung inaakala mong hindi kita lalabanan.Nagkakamali ka , kasi kaya kita kahit walang tulong ng iba.." sambit ko at pinantayan ang matalim niyang tingin

Hindi na siya nagsalita at umalis nalang din para sumunod sa kusina..

Huminga nalang ako ng malalim bago umupo sa sofa at binuklat ang mga libro..Hindi nagtagal ay dumating na si Ethan dala na rin ang mga libro niya..

"Anong nangyare sayo?Ba't parang stress ka?" natatawang tanong niya

Inirapan ko siya..

"Tanungin mo yung santa maldita mong girlfriend.." inis kong sabi habang nakatingin parin sa libro

"Bakit?.May ginawa bah siya sayo?Sinaktan ka bah niya?" seryosong aniya

"Hindi niya naman ako sinaktan..Pinagbantaan nga lang na wag daw kitang agawin sa kanya kundi malalagot ako.." tiningnan ko siya sa mata

Nakatitig lang din siya sakin na para bang may kung anong iniisip?

"So anong sinabi mo sa kanya?"

"Syempre , pinaglaban ko ang sarili ko..Like duh!.Anong silbi ng katalinuhan ko kung hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko diba?"

Mayabang na kung mayabang , pero hindi ako papatalo noh..

"Alam mo , yan ang gusto ko sayo eh..Palaban.." aniya habang nakangisi

Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya..

My Cold BoyFriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now