Chapter 64

28.9K 738 89
                                    


Lie

( Kathlyn's POV )

Nagising nalang ako nang may marinig akong tawanan nang mga lalaki..

Pagkamulat ko nang mata ko ay agad kong nakita ang mga armadong lalaki na nag iinuman sa 'di kalayuan sakin..

Kikilos na sana ako nang maramdaman kong nakatali ang kamay ko sa likod nang upuan..Pati ang paa ko ay hindi ko din maikilos dahil nakatali..

Nang lumingon sila sa akin ay agad silang ngumisi at lumapit..

"Gising na pala ang bride.." sambit nila at hinawakan nang isang lalaki ang mukha ko

Agad ko yung iniwas pero hinuli niya ulit at pinisil dahilan para mapapikit ako sa sakit..

"Wag kang maging pasaway sa ngayon kung ayaw mong mawala ka agad nang hindi pa nakikita ang groom mo.." aniya bago lumayo sakin

Tiningnan naman ako nung isa at ngumisi..

"Sayang 'to , maganda pa naman.." aniya at hinaplos naman ang balikat ko

Agad naman akong napaiyak dahil hindi ko na alam ang gagawin ko..

"Lumayo ka muna sa kanya , magagamit pa natin siya kaya wag mo munang gagalawin.." sambit nung isa pa

Nang lumayo siya ay mas napahikbi ako dahil baka may gawin sila sakin..

Baka patayin o galawin nila ako..

Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala ang dignindad ko dahil sa kahinaan kong ito..

Napalibot ang tingin ko sa lugar at napansin kong abandunadong bahay na ito..

Sira lahat nang bintana at sobrang gulo nang lahat..Hindi ko lang talaga alam kung saang lugar ito..Kung may mahihingan bah ako nang tulong dito.

Lumipas ang ilang minuto ay may isa pang lalaki na dumating at may dalang plastic bag at may lamang pagkain.

"Ito na boss , pwede na po 'to satin at pati na din sa babaeng yan.." aniya at tumingin sakin

Napakunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka..

May plano bah sila?.Lalasunin bah nila ako?

Nakamasid lang ako sa kanila habang kumakain sila at nang matapos naman sila ay agad naman akong nilapitan nang lalaking bumili nang pagkain kanina..

May dala itong plato at may pagkain din..

"Kumain ka na.." aniya at nilagay ang plato sa isang upuan na nasa tapat ko..

"Gago ka bah?.Paano naman ako kakain kung nakatali ang kamay ko?.Isa pa , kahit pakain at pilitin niyo pa ako , hindi ako kakain dahil baka may lason din yang ibibigay niyo sa akin..Mga bobo , hindi ako tanga para magpa-uto sa inyo.." matapang kong sabi

"Wag ka ngang mag inarte diyan..Kumain ka na para naman may lakad ka pa mamaya pagdating nang boyfriend mo." aniya at susubuan na sana ako nang bigla kong iniwas ang mukha ko 

Nakita kong medyo nainis na siya sakin kaya nang nagtangka ulit siyang isubo saakin yun at umiwas ulit ako..

"Ayaw mo talagang kumain ah?" aniya at nagulat nalang ako nang sampalin niya ako nang malakas

Halos manigas at maiyak pa ako sa sobrang lakas nang pagkakasampal niya sa akin..

"Hindi ako santo para hindi saktan ang katulad mo..Kaya kitang patayin ngayon pa lang.." aniya at kinuha ang baril niya

My Cold BoyFriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now