Chapter 28

41.6K 1.1K 45
                                    


Monthsary

Hinatid ako ni Jayce sa bahay..Papapasukin ko nga sana siya sa loob pero sabi niya kailangan niya na rin umuwi kasi hinahanap na siya ni tita yung mommy niya..

Hihiga na sana ako sa kamay ng biglang may kumatok sa pinto kaya agad ko nalang 'tong binuksan..

Napakunot nalang ang noo ko ng makita ko si Ethan na parang galit..

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya

Pumasok siya kaya sinara ko nalang ang pinto..

"Kathlyn , yung nakita mo kanina--"

"Ah!.Yun bah?Wag kang mag alala , hindi ako galit..." pinilit kong ngumiti sa harap niya

"Kathlyn , may usapan naman tayo diba?"

"Oo , alam kong may usapan tayo na magpanggap na wala tayong relasyon.Naaalala ko yun , Ethan..Hindi ko naman nakakalimutan yun eh.."

"Galit ka bah?"

Nag iwas ako ng tingin sa kanya..

"Hindi ako galit.." sambit ko

"Galit ka eh.."

"Hindi nga ako galit!" inis ko siyang tiningnan

"Alam mo , ako dapat ang magalit sayp eh.."

Napakunot nalang ang noo ko dahil sa sinabi niya..

"Bakit kayo magkayakap ni Jayce kanina?"

Mapait akong napatawa dahil sa sinabi niya..

"Sa tingin mo , kapag nasasaktan ang isang tao , hindi bah siya mangangailangan ng tulong ng iba?Laking pasalamat ko nga nandun si Jayce para patahanin ako eh.."

"Alam mo bang nagseselos na ako sa lalaking yun kasi kung wala ako , siya ang kasama mo buong araw?.Pwede bang lumayo ka na sa kanya?Kasi ayokong nag aaway tayo dahil sa kanya.."

"Gusto mo akong lumayo kay Jayce dahil lang nagseselos ka sa kanya?.Bakit , kapag bah sinabi ko sayong layuan mo si Eliza kasi nagseselos ako , papayag ka bah?.Hindi diba?Kaya wag kang umasa na lalayuan ko siya dahil lang sa nagseselos ka.."

"Mas pipiliin mo pa yung Jayce na yun kesa sakin?.Akala ko bah mahal mo ako?"

"Oo , mahal kita..Pero nasan ka bah nung kailangan kita?.Wala ka diba , kasi kasama mo yung lintang Eliza na yun..Si Jayce nga lang ang nakakasama ko dahil wala ka eh..Siya pa nga mismo ang nagsabi sakin na pakinggan ko ang mga paliwanag mo kasi may dahilan kung bakit ka nankakaganyan.."

"Nilalason lang nang lalaking yun ang isip mo!.Tingnan mo nga yang sarili mo , nakikipag away ka sakin dahil sa lalaking yun!"

"Ikaw ang dahilan ng pag aaway natin , Ethan!.Wala kang pakialam kung masaktan ako!Wala kang pakialam kung umiyak ako sa harap mo!"

"Gusto na kitang lapitan kanina pero hindi ko magawa dahil baka makahalata si Eliza!"

Nilagpasan ko siya at binuksan ko ang pinto..

"Umalis ka na muna , Ethan..Wag muna tayong mag usap ngayon..Magpapalamig na muna ako.." cold kong sabi

"Pero Kathlyn--"

"Please.." tiningnan ko siya sa mata

Wala naman siyang nagawa kundi ang umalis nalang kaya agad ko nang sinarado ang pinto..

My Cold BoyFriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now