Chapter 36

41.3K 1K 57
                                    


Pretend

( Kathlyn's POV )

Nang umalis sa gymnasium si Ethan ay agad akong nakahinga ng maluwag..

Alam ko..Naka move on na ako sa nakaraan namin..

Pero hindi ko parin maiwasang kabahan kapag nakikita ko siya..

Kasi katulad ng dati..Ayoko ng mahulog pa sa kanya..Takot na akong makulong sa pagmamahal kagaya ng dati..

"Okay ka lang?" si Jayce

Tiningnan ko siya bago nginitian at tumango..

"Kathlyn.."

Napalingon nalang ako sa likuran ko kung saan may tumawag sakin..

Napakunot nalang ang noo ko ng makita ko si Nathan..

"Long time no see.." aniya at ngumiti

Ngumiti din ako sa kanya..

"Kamusta ka?.Dalawang taon din tayong hindi nagkita ah.."

Sinulyapan ko muna si Jayce bago sinagot si Nathan..

"Ito , masaya na..Ikaw bah?.Si Kean at Xandra?..Kamusta na bah sila?"

"Okay lang din ako pati si Kean..Kaso si Xandra.." napayuko nalang siya bigla

"Bakit?.Anong nangyari sa kanya?" nag aaalalang tanong ko

"Camatose siya sa hindi malamang dahilan.." aniya at tinitigan ako

Nanlaki nalang ang mata ko..

"P-Paano naman nangyari yun?.B-Bakit s-siya na comatose?.Naaksidente bah siya?" sunod sunod kong tanong

"Hindi..Wala siyang injury..Hindi siya naaksidente.Nung 20th birthday niya na tinuring niya na ring debut niya , yun din yung araw na nahimatay nalang siya sa gitna habang sinasayaw si Jace yung kaibigan niya..Hindi namin alam kung bakit..Basta nung sinugod namin siya sa ospital , comatose ang sinabi ng doktor.."

Napabuntong hininga nalang ako..

Imposible naman yun..Paano magiging comatose ang isang tao kung wala namang nangyari sa kanyang masama?

Naguguluhan na ako..

"Ilang buwan na siyang nasa ospital..Sobra na nga ang pag aaalala ni mommy at daddy sa kanya.."

Tinitigan ko nalang ang mata ni Nathan na mukhang malungkot talaga siya sa nangyari sa kapatid niya..

"Sana magising na si Xandra.." sambit ko at hinawakan ang balikat ni Nathan para sa suporta

Tipid nalang itong ngumiti sakin..

"Magiging maayos din ang lahat , Nathan..Magigising si Xandra , at magiging okay din ang lahat."

"Sana nga.." aniya

Minsan na ding naging parte ng buhay ko ang mga Mendez..Naging close ko sila sa mga araw na lagi ako sa bahay nila..

Nagkaka intindihan kami ni Xandra sa lahat ng bagay..Habang naaalala ko naman noon kay Kean si Jane..

Pero hindi ko inaasahan na mangyayari pala lahat ng toh..

Nang makarating ako sa condo ko ay agad akong humiga sa kama..

Nang umalis kami dito sa pilipinas , naging maayos ang pamumuhay namin sa England..Wala akong ibang pino-problema at kinalimutan ko lahat ng sakit na binigay sakin ni Ethan..

Pero nung bumalik ako dito sa pilipinas , humiwalay ulit ako sa kanila..Kumuha ako ng sarili kong condo malapit sa kompanya ni daddy kung saan ako nag pa-part time..

Kahit naman kasi mayaman ako , mas gugustuhin ko paring paghirapan ang pera ko..Malaki na rin kasi ang condo na kinuha ko kaya kailangan kong mag trabaho sa kompanya ni daddy..

Pumayag din kasi si daddy sa gusto ko dahil alam niyang para sa kompanya din ang pagsisikap ko..Dalawang taon na si Gael..Ang bunso namin..

Naglalakad at natututo na siyang magsalita kaya mas sumaya pa ang bahay..

Bumibisita ako paminsan minsan kapag kinakaya pa ng katawan ko..Kapag hindi naman , bumabawi ako sa susunod na araw..

Minsan napapaisip nalang ako kung sino nga kaya talaga ang lalaking para sakin..Kung ano bah talaga ang dahilan kung bakit nasaktan ako nung una..Naniniwala naman akong may dahilan kung bakit ako naging ganun noon..At kung bakit ako nagbago ngayon..

Ilang minuto akong nanatiling nakahiga pero agad rin akong bumangon para puntahan ang kwarto kung saan ko nilagay lahat ng alaala ko sa kanya..

Apat ang kwarto nitong condo , at maluwag din yung sala at kusina..Kaya nga mahal ang bayad ko sa kada buwan eh..

Nang mabuksan ko na ang pinto ay sinunod ko naman ang ilaw hanggang sa kitang kita ko na lahat ng mga alaala naming dalawa..

Lumapit ako sa kama kung saan nakalagay ang mga teddy bears na bigay niya sakin noon..Mga regalo niyang tinago ko..

Mga litrato naming dalawa na itinago ko..

Naramdaman ko nalang bigla ang luha kong tumulo na sa pisngi ko.

"Shucks , Kathlyn!.Why are you crying?..I've already forgot my feelings for him , but why am I crying now?" sambit ko sabay punas ng luha

Napadpad nalang ang tingin ko sa isang pirasong papel na yakap ng huling teddy bear na binigay sakin ni Ethan..

Hindi ko binabasa yung mga letter na binibigay niya sa akin noon..Kasi gusto ko sanang basahin kapag nagtagal na tagala kami..Kaso hindi eh..Bumitaw na kami pareho..

Naka move on na siya..Ako din..

Ako din talaga kaya?Feeling ko hindi pa..

Am I just pretending?Did I really forgot all the love that I gave to him?.Or I'm just assuming that I don't love him anymore..

"I just denied the truth that after two years away from him is just like a hell for me..I think I still love him , but I'm scared to be hurt for the second time..I'm already tired for crying and suffering for my love..I really want to forget him , our memories , the love , the pain..But the question is , how?.How can I forget the man who owned my heart and mind?"

Umupo nalang ako sa sahig at niyakap ang sariling tuhod..

I hate you Ethan!.I hate the way I love you!.I hate the way you hurt me!.And also I hate my self for loving you..

I hate you..


My Cold BoyFriend (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat