Chapter 22

43K 1.4K 170
                                    


Officially

"May gusto ka sa Jayce na yun noh?" si Ethan at humarang sa dinadaanan ko

Tinaasan ko lang siya ng kilay..

Baliw bah siya?.Kakakilala ko lang dun sa tao tapos gusto ko na?

"Kung makatingin ka sa kanya kanina , parang wala ako sa tabi mo.." aniya at kunot noong nag iwas ng tingin

"Pwede bah , Ethan?.Wala akong gusto sa kanya.." sambit ko at lalagpasan na sana siya pero nagsalita na naman si mokong

"Pero bakit feeling ko meron.."

Nilingon ko siya at humalukipkip ako.

"Feeling mo lang yun..Kakakilala ko lang kay Jayce noh , wag kang masyadong praning.." inirapan ko siya

"Siguraduhin mo lang talaga na wala kang feelings dun..Kundi makakatikim talaga yun sakin.." aniya na para bang nanggigigil pa?

"Teka nga , bakit ka nagaglalit?.At kung magkagusto nga ako sa Jayce na yun , edi mas masaya nga diba..Para naman makalimutan na kita?" nakangising sabi ko

Akala ko maiinis lang siya at kakausapin ulit ako pero nagulat nalang ako ng bigla niya akong nilagpasan at mabilis itong naglakad papuntang parking lot.

Wait..Anyare dun?

Agad akong sumunod sa kanya at pinipilit siyang kausapin..

"Oi..Okay ka lang?" tanong ko

Hindi siya sumagot ay patuloy lang sa paglalakad..

"Galit ka?" tanong ko ulit

Hindi parin siya nagsalita at nang makarating kami sa kotse niya at agad lang siyang pumasok doon..Pumasok nalang din ako at nag seatbelt na bago siya nilingon..

"Oi..Okay ka lang?.May mali bah akong nasabi sayo?" tanong ko na naman

Hindi parin siya sumagot kaya nainis na ako..

Ayaw niya akong sagutin?.Pwes , wag nalang din niya akong kausapin..

Humalukipkip ako at tumingin nalang sa labas..

Nang makarating kami sa mansyon ay bumaba na ako agad ng kotse at dumiretso sa kwarto ko..Bahala siya diyan..Nakaka inis siya! >.<

Halos tatlong oras din akong nagkulong doon..Ayaw ko siyang makita eh..Baka sumabog pa ako kapag nakita ko ang pagmumukha ng lalaking yun.

Lumabas lang ako para magluto ng lunch namin..

Nakita ko pa nga siya sa sala na nanunuod ng TV eh..

Pagkatapos magluto ay hinanda ko na ang lamesa bago siya pinuntahan sa sala..

"Kumain ka na.." malamig kong sabi at nauna na sa dining table

Tahimik lang akong kumain at hindi man lang siya dinapuan ng kahit isang tingin..

Bahala siya sa buhay niya..

Pagkatapos kong kumain ay agad na akong tumayo at dumiretso sa kusina para mahugasan ang pinagkainan..

Habang naghuhugas ako ay napansin ko ang pagpasok niya kaya agad kong binilisan ang kilos ko para agad na akong makaalis dito..

Patapos na ako sa paghuhugas ng bigla nalang hinila ni Ethan ang kamay ko dahilan para mabitawan ko ang basong hawak at nabasag..

"Ano bang problema mo?!" sigaw ko sa kanya

"Ba't hindi mo ako pinapansin?" seryosong sabi niya

Mapait akong napatawa..

Ako pa talaga ang hindi namamansin?

"Ako dapat ang nagtatanong niyan sayo eh..Ano bah talagang problema mo kanina at hindi mo ako pinapansin?" pabalik kong tanong

"Hindi pa bah klaro sayo ang lahat?"

Umirap ako sa kanya..

"Pano magiging klaro eh hindi ko nga alam!"

Nag iwas siya ng tingin..

"Ano?" halos sumabog na ako sa sobrang inis sa kanya!

Ang tagal pang sumagot ng mokong!

"Ethan , sabihin mo na--"

"Nagseselos ako!" tiningnan niya ako sa mata

Natahimik naman ako dahil sa sinabi niya..

"Alam mo kung bakit?.Kasi parang mas gusto mo pa yung Jayce na yun kesa sakin!Tapos sinabi mo pang kung magkakagusto ka sa kanya mas masaya kasi makakalimutan mo na ako!.Ano yun , pagkatapos kong umamin sayo kakalimutan mo na ako?!" galit niyang sabi

Napakurap kurap naman ako dahil parang galit na galit talaga siya..

Or , selos na selos atah?

"Ewan ko kung bakit ako nagkakaganito..Iba yung galit ko simula nung makita ko yung Jayce na yun na malapit sayo..Hindi naman ako ganito noon kay Eliza kapag may lumalapit sa kanyang iba..Pero bakit sayo iba ako kung magselos?"

Sumimangot ako nang marinig ko na naman ang pangalan na yun..

"Kinukumpara mo bah ako kay Eliza?" inis kong sabi

"Hindi kita kinukumpara sa kanya--"

"Talaga lang ah?.Eh kakasabi mo pa nga lang na iba ka kung mag selos sa kanya at iba rin kapag nagseselos ka sakin..Alam mo , hindi na talaga kita maintindihan..Sino bah talaga samin ang gusto mo..Siya o ako?" wala sa sarili kong sabi

"Syempre ikaw!."

"Syempre ikaw mo yang mukha mo!" 

"Gusto mong patunayan ko sayo kung gaano kita ka gusto?" aniya at lumapit sakin

"Sige , patunayan mo.." sambit ko

"Kapag nagtanong ako sayo..Si , ang isagot mo..Okay?"

Tumango naman ako sa kanya.

"Vuoi essere la mia ragazza?"-(Do you want to be my girlfriend?)

Napakunot ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan pero dahil kailangan kong sumagot..

"Si.." -(Yes..) ginaya ko ang sinabi niya kanina

Mas lalo akong nagtaka dahil ngumiti siya nang sobrang lawak!

"Then , you're officially mine.."

"W-What?!"




My Cold BoyFriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now