Chapter 17

45.1K 1.3K 107
                                    


Sorry

Mag isa akong kumakain ngayon dito sa dining table..Naka busangot nga lang ako habang kumakain..

Nakaka bwesit talaga siya..Hayst!.Nagsisisi na talaga akong pumayag pa ako sa gusto niyang deal..

Uminom ako ng tubig at dun ko napansing nasa harapan ko na naka upo si Ethan at nakamasid lang sakin..

Tinaasan ko lang siya ng kilay at nagpatuloy na sa pagkain.

"Pasensya na kung nasigawan kita.." aniya

Hindi ko siya pinansin at mabilis na tinapos ang pagkain..

Inayos ko na ang pinagkainan ko at dinala na yun papunta sa kusina para mahugasan..Pero nagulat nalang ako ng sumunod ito sakin..

Kathlyn , wag mong papansinin yang mukong na yan..Mapupuno ka lang lalo kapag kinausap mo yang baliw na yan..

Hinugasan ko na ang pinagkainan ko ng tahimik..

"Pansin mo naman ako.." naiinip nitong sabi

Palihim lang akong umirap at nilagay na sa lalagyan ang hinugasan ko..

"Hindi mo bah talaga ako papansinin?" napuno na atah siya

Lalagpasan ko na sana siya palabas ng kusina ng bigla niyang hilahin ang braso ko pabalik sa kinatatayuan ko kanina..

"Ano bang problema mo?!" sigaw ko sa kanya at pilit na binabawi ang braso ko

"Ikaw yung dapat kong tanungin..Anong problema mo?!" galit niyang sabi

Imbis na sagutin siya ay umiwas nalang ako ng tingin..

Kasi hindi ko rin alam kung naong problema ko..Kung dahil lang bah talaga sa pag sigaw niya sakin kanina ang ikinagagalit ko..

Siguro may ibang dahilan , pero hindi ko naman kasi alam kung ano yun..

Kaya wala akong maisagot sa kanya..Kasi ako rin mismo hindi ko alam..

"Humingi na ako ng pasensya sa pagsigaw ko sayo..Hindi ko talaga yun sinasadya.." huminahon na siya ngayon

Tiningnan ko siyang mabuti sa mata..

"Hindi pasensya ang gusto kong marinig mula sayo.." seryosong sabi ko

Napakunot ang noo niya..

"Eh ano pala.."

Binawi ko ang braso ko sa kanya at humakbang ng ilang beses bago magsalita..

"Alamin mo..Kung gusto mong kausapin kita ng matino.." sambit ko at nilagpasan na siya

Sorry lang naman talaga ang gusto kong marinig eh..

Kasi gaya ng ginawa ko sa kanya kanina , nag sorry ako ng iang beses..Pero hindi niya naman ako pinansin..

Pasalamat nga siya pinapahulaan ko lang sa kanya kung ano yung salitang gusto kong marinig mula sa kanya..Tapos okay na ako..

Eh siya?.Halos umiyak na nga ako sa kakahingi ng sorry..

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay doon lang ako nakahinga ng mabuti..

Hihiga na sana ako para makapag pahinga nang biglang may kumatok sa pinto..

"Kathlyn.." si Ethan

Napa irap na naman ako at binuksan ang pinto..

"Ano , alam mo na bah yung gusto kong marinig?" mataray kong sabi sa kanya

"Alam ko na , pero hindi ko naman talaga sinasadyang sigawan ka."

Mapait akong napatawa..

Wow ha?.Ako rin naman ah , hindi ko sinasadyang pakainin siya ng shrimp kasi hindi ko naman alam na allergic pala siya dun..Pero humingi parin naman ako ng sorry kasi inaamin kong may pagkakamali ako.

Eh siya , sinigawan lang ako bigla..Humihingi ako ng sorry pero hindi niya tinatanggap..

"Ba't bah ang selfish mo?.Sorry lang naman ang hinihingi ko , pero hindi mo pa maibigay.." mapait kong sabi at isasara na sana ang pinto pero pinigilan niya agad iyon

"Fine!.Sorry!" parang galit niyang sabi

"Tama bah ang pagkakasabi mo ng sorry?.Parang galit ka kasi , hindi naman ganyan ang pagkakasabi ko kanina.."

Hindi siya nagsalita kaya tinalikuran ko nalang at hihiga na sana ako ng bigla siyang magsalita..

"Sorry.."

Hindi ko siya nilingon at nanatili lang nakatalikod..

"Sorry kung nasigawan kita..Sorry kung binalewala ko ang effort mo para lang mapatawad kita.Sorry kung lagi kitang sinisisi kahit hindi naman ikaw ang mali." napansin kong medyo humahakbang siya papalapit sakin habang nagsasalita

Lilingunin ko na sana siya ng bigla ko nalang maramdaman ang pagyakap niya sakin mula sa likod..

Dug dug..Dug dug..

Halos marinig ko na ang tibok ng puso ko sa sobrang lakas na kalabog nito..

Shucks!.Ito na naman siya! >.<

"Sorry.." malambing nitong sabi at mas hinigpitan pa ang pagyakap sakin

Halos pigilan ko na rin ang paghinga ko dahil sa sobrang kaba..

"Kathlyn , sorry na.." isiniksik niya na ang ulo niya sa leeg ko habang sinasabi niya yun..

Hindi parin ako makapagsalita kasi hindi ko na talaga alam!

Kinakabahan talaga ako , sobra!.

"O-Okay na..T-Tinatanggap ko n-na yung s-sorry mo.." nauutal kong sabi

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong iharap sa kanya..

Kathlyn , realax..

Breath in..

Breath out..

"Thank you.." aniya at niyakap ulit ako

Napakurap kurap nalang ako kasi for the first time , hindi naging masungit ang isang toh..

"Hindi ko na talaga uulit yun , promise.." aniya

Napahinga nalang ako ng maluwag dahil sa sinabi niya..

Hindi naman sa umaasa akong hindi niya na nga talaga uulitin yun , pero sana nga hindi na..

Kasi ayaw kong maulit lahat ng toh..

Lalo na ang scene na toh..

Shucks!.Aatakihin atah ako sa kaba dahil sa ginagawa niya eh! >.<

My Cold BoyFriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now