Chapter 82

25.1K 701 106
                                    


Malaya

"Tracy , nasaan na si Jayce?" tanong ko kay Tracy na nakatayo lang sa tapat nang pinto kung saan nasa loob si Jayce

Kararating lang namin at buti nalang ay hindi traffic..

"N-Nasa loob.." nakayukong sabi niya

Napakunot naman ang noo ko dahil mukhang may mali..

"May problema bah?" tanong ko sa kanya at hinawakan ang likod niya

"H-Hindi ko kayang m-makitang nasasaktan siya..N-Natatakot ako , Kath..Hindi ko alam ang g-gagawin ko kapag nawala ang asawa ko.." sambit nito at niyakap ako

Napatingin naman ako kay Ethan na mukhang gulat pa din sa mga naririnig..

"W-Wag kang mag alala..Magiging m-maayos din ang lahat.." sambit ko at umiwas nang tingin kay Ethan

Sabay kaming pumasok ni Tracy sa loob habang naiwan naman sa labas si Ethan..

Nang makapasok kami ay gising na din si Jayce..

"Okay ka lang bah?.May masakit pa rin bah sayo?" tanong ko at lumapit sa kanya

"Okay nako , pie..Ang sakit nga lang nang mga suntok nang ex mo.Pero malakas pa rin naman ako , malayo pa yung panahon para pumasok ako sa kabaong.." aniya at mahinang tumawa

Magsasalita na sana ako nang bigla nalang sugurin ni Tracy si Jayce at pinaghahampas kahit na hindi pa rin ito magaling at sariwa pa ang lahat..

"Bwesit ka!.Pinag alala mo ako nang sobra..May gana ka pa talagang mag biro!" inis nitong sabi

"A-Aray ko naman sweetheart..Hindi ka bah naaawa sa asawa mo na pinaghahampas mo?Kakagaling ko lang sa pagkakabugbog tapos ngayon bugbog sarado na naman ako sayo." nakangusong sabi ni Jayce

Agad naman siyang niyakap ni Tracy habang umiiyak..

"Ayaw kong nakikitnag nahihirapan ka..Alam mo namang ako yung nasasaktan diba?" umiiyak nitong sabi

Napangiti naman ako dahil sa nakikita ko..

Kahit sa england ganyan sila ka sweet..Kahit nga napagkakamalan kami ni Jayce , hindi naman nagseselos si Tracy kasi alam niya yung totoong kwento sa likod nang paghihirap at pag tulong ni Jayce sakin..

Nang makitang napapasarap na ang pag uusap nang dalawa ay agad na akong lumabas..

"May asawa na pala si Jayce?.Bakit hindi mo sinabi sa mga anak mo na--" hindi ko na siya pinatapos

"Wag tayo dito mag usap.." sambit ko at nauna nang maglakad

Pumasok ako sa elevator at sumunod naman siya..

Nang sumarado na ito ay agad ko namang pinindot ang rooftop..

Nang makarating kami doon ay kitang kita ang makulimlim na panahon..

"Ano bah talaga ang totoo?.Naguguluhan na ako , Kathlyn..Bakit may asawa si Jayce kung may anak naman kayong dalawa.." panimula ni Ethan

Agad ko naman siyang hinarap at sinamaan nang tingin..

"Hindi ka naman maguguluhan kung hindi ka nakikialam eh!" sigaw ko sa kanya

"Kathlyn , nakikialam ako kasi mga bata na yung pinag uusapan!.Ano na lang kaya ang mararamdaman nila kapag nalaman nila na may ibang asawa ang papa nila!.Masasaktan ang mga anak mo , Kathlyn.." galit niya ring sabi

My Cold BoyFriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now