Chapter 18

49.8K 1.3K 103
                                    


Date

"Ah , Ethan..O-Okay na..P-Pwede ka nang kumalas sa yakap.." nahihiyang sabi ko

Agad naman siya umatras at ngumiti sakin..

"Sorry , first time ko kasing humingi ng sorry sa taong hindi ko masyadong ka-close.." aniya at nagkamot ng batok

Tumango tango naman ako..Kaya pala ang wierd niyang makayakap..

Ganun pala yun?.Kapag hindi mo ka-close , sobra makayakap?

"Sige na , matutulog na ako.." tipid akong ngumiti sa kanya..

"Sige , good night.." aniya at lumabas na

Pagkasara ng pinto ay agad kong ni-lock yun at tumakbo pabalik ulit sa kama at humiga na..

"Hayst!.Kathlyn , ang gaga mo talaga..Ayan na naman yang puso mong tatanga tanga.Pano bah baliwalain ang feelings ko sa kanya?Para naman hindi na ako nagkakaganito sa tuwing lumalapit siya.." sambit ko 

Dahil sa sobrang pag iisp , hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako..Nagising nalang ako ng biglang may kumatok sa pinto..

Inayos ko muna ang mukha ko bago binuksan yun..

"Good morning , breakfast for you.." si Ethan na may dalang tray ng pagkain

Nanlaki nalang ang mata ko dahil sa gulat at pagtataka..

"Hindi bah wala kang alam sa pagluluto?" gulat kong tanong

"Wala nung una..Pero sa kakapanuod ko kagabi , natuto na rin.." aniya at matamis na ngumiti

Wait..

Buong gabi siyang nanuod ng videos tungkol sa pagluluto?!.

"Para saan naman yung panunuod mo..Kapag nawala naman ako dito may mga kasambahay na kayo ulit diba?.Edi wala ding silbi ang pag aaral mo sa pagluluto.." natatawang sabi ko

"Hindi ako nag aral para sa sarili ko..Nag aral ako ng pagluluto , para sayo.." seryosong aniya

Napawi nalang bigla ang ngiti ko dahil sa sinabi niya..

Nag aral ako ng pagluluto , para sayo..  

Nag aral ako ng pagluluto , para sayo..  

Shucks!.Mababaliw na atah ako! >.<

Awkward akong tumawa bago nagsalita.

"Ano ka bah?.Wag ka ngang mag biro ng ganyan!" sambit ko

"I'm not joking..I'm serious.." 

Natahimik nalang ako dahil sa sinabi niya..

"Sabi ko nga..Hindi ka nagbibiro.." yumuko ako dahil sa kahihiyan

Hayst!.Kahit kailan talaga Kathlyn!.Wala ka nang ginawang tama! >.<

"Sige na , kumain ka na.Mag di-date pa tayo.." aniya

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya..

"H-Huh?!.Anong date?" gulat kong tanong sa kanya

"I-I mean , mamamasyal pa tayo pala.." aniya at ngumiti

"Ah.." tumango tango ako bago tinanggap ang tray..

"Sige , mag aayos na ako.." aniya at umalis na

Nang sinara ko na ang pinto ay napakunot nalang ang noo ko habang nakatingin sa tray..

My Cold BoyFriend (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora