• one •

207K 2.3K 91
                                    

Travis POV

I can't explain the happiness on Ellie's face when she saw Les. She was crying while holding his face but I know those tears are for her forever happiness.

It hurts? Yes. But I know when to stop hoping that she will love me back like I am loving her. I know from the beginning that I am the loser in this game yet, I gambled.

I smiled bitterly when I saw Les waved at me. I waved back just to let him know that everything is fine. Yeah. I am beginning to get there. Eventually, my feelings for Ellie would be just a reminder of our past.

Marami din naman kasi kaming pinagsamahan. She is my friend and dahil sa nakikita kong naive at walang confidence si Ellie, naroon ako para tulungan siya. Para protektahan. Saka kahit noon pa na hindi siya marunong mag - ayos, maganda na siya para sa akin. I love her just the way she was but, when she decided to changed herself, mas nagustuhan ko rin iyon kasi hindi lang panlabas na anyo ang binago niya. Pati ang sarili niya ay binago niya. Naging palaban, naging matibay. Dahil sa isang eskandalo na nangyari sa amin, pareho kaming pinatibay noon at lalo kaming naging close.

Pero kahit kailan, hindi puwedeng turuan ang puso. Kahit anong gawin kong pagpasok sa buhay ni Ellie, kahit anong gawin kong pagtulong, kahit anong gawin kong pag - build up sa sarili ko, hinding - hindi nagbago ang pagtingin niya sa akin. Alam kong mahal niya ako pero sa paraang alam lang niya at hanggang pagmamahal na para sa kaibigan lang iyon.

Napangiti ako ng mapakla habang magkayakap silang dalawa sa harap namin. Okay lang. As long as she is happy and my asshole bestfriend will not make her cry anymore. Well, mukhang nagbago ma naman ang kumag na 'to. He realized Ellie's worth kaya talagang gumawa din siya ng paraan para magkaayos kami. Hindi madaling itapon ang mahigit sampung taong pinagsamahan namin at kahit masakit, masaya ako na matapos ang matitinding nangyaring pagsubok sa kanila, sa akin, naayos ang lahat at magiging maayos na ang buhay mag - asawa nila.

People are all happy while looking at the couple. Their family are both happy na sa wakas ay nabuo na rin ang pamilya nila. Although I know Les' family and Ellie's family, pakiramdam ko ay extra lang ako doon at wala naman akong malaking puwang sa pagbuo ng pamilya nila.

Lumapit ako kay Les at kay Ellie na ngayon ay nakaupo na sa sofa at nag - uusap. Napapangiting napapailing ako habang tinitingnan sila. They are so engrossed looking at each other. Parang sila lang ang tao sa lugar na 'to. Other people are busy fixing the food. The band is still. playing. The mood is so surreal.

"Puwede na bang mang - istorbo sa inyong dalawa?"

Pareho silang tumingin sa akin at mabilis na tumayo si Ellie tapos ay mahigpit na yumakap.

"Thank you Trav," paulit - ulit niyang sabi habang umiiyak.

Napangiti ako kahit na nga nasasaktan ako.

"Hey. Bakit ka umiiyak? Dapat wala ng iyakan kasi lahat ay okay na." Tumingin ako kay Les at maging siya ay nakangiti sa akin.

Lumayo sa akin si Ellie at umiling. Mabilis na nagpahid ng luha.

"Hindi ko lang akalain na darating pa ang araw na ito. Hindi ko akalain na mabubuo pa ang pamilya ko," napahikbi na naman siya.

"Just enjoy it. Sigurado naman ako hindi na papayag si Mr. Samson na magka - problema pa ang pagsasama 'nyo." Nagtatanong ang tingin ko kay Les.

"Of course. Ang takot ko lang na agawin mo sa akin ang asawa ko." Natatawang sabat ni Les.

Natawa din ako at yumakap sa akin si Les.

"Thank you. For taking care of her and for taking care of Eddie." Sabi niya.

Hindi na ako sumagot at hinigpitan ko ang yakap
kay Les tapos ay lumayo na ako sa kanya.

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEKde žijí příběhy. Začni objevovat