Liv's POV
Magdamag akong hindi pinatulog ng sinabi ni Tonette sa akin. Gustong - gusto kong tawagan si Travis para sabihin ang nangyari pero pinigil ko na lang ang sarili ko. Masaya siya kagabi at ayokong sirain ang mood niya dahil lang sa pagpunta ng kapatid niya dito.
Bumangon ako at naabutan ko si Amy na nakabihis na at ready na sa pagpasok. Naglalagay na lang siya ng lipstick habang nakaharap sa salamat.
"Good morning, Princess Jasmine." Sabi niya sa akin.
Natawa ako. "Bakit Princess Jasmine ako?"
"Kasi prinsesa ka na. Mayaman ka na ngayon."
"Hindi ko prinsesa. Saka ako pa rin 'to. Normal na tao." Dumiretso ako sa cr para maghilamos at mag-toothbrush.
"Anong kailangan sa 'yo kagabi ng dalawang mangkukulam?" Tanong pa ni Amy ng lumabas ako.
"Ewan ko dun sa mga iyon. Matindi ang issue sa akin ng kapatid ni Travis. Ayaw sa akin ng pamilya niya." Napilitan na akong magtapat kay Amy.
"Ano? Bakit? Sobrang alta ba nila para hindi ka bumagay kay Travis? Sobra naman. Kung hindi pa mukhang retokada ang kapatid ni Travis tulad ng kaibigan niya." Tiningnan ako ni Amy. "Apektado ka naman?"
Napahinga ako ng malalim.
"Siyempre. Ayoko naman ng dahil sa akin magkasira sila ng pamilya niya. Amy, alam mo kung gaano kahalaga ang pamilya sa akin. Kaibigan, asawa, kayang mapalitan ang mga 'yan. Pero ang magulang o kapatid hindi 'yan puwedeng palitan." Katwiran ko.
"Depende 'yan sa sitwasyon. Ang pamilya ni Travis mga makasarili. Hindi nila pabayaan si Travis na magkaroon ng sariling buhay. Saka, ikaw ang pinili. Anong problema 'nyo doon?"
Hindi ako nakasagot. Ewan ko ba. Parang hindi kasi ako mapakali na masaya kami ni Travis pero may nagagalit naman sa amin.
"Alam mo, nagmamahalan kayo ni Travis kaya go lang. Ipinaglaban ka 'nung tao. Hindi ka binitawan. So, kahit anong pagsubok, kayanin 'nyo 'yan." Tinapik ako sa balikat ni Amy. "Pasok na muna ako at kailangang dumoble kayod dahil ilang buwan lang siguradong lolobo na ako." Sabi niya at lumabas na.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Amy! Anong sinabi mo? Anong lolobo?" Taka ko.
Kumaway lang siya sa akin at naglakad na palayo sa bahay.
Pabagsak akong naupo sa sofa at kinuha ang phone ko. Tatawagan ko na lang si Travis ng may kumatok sa pinto. May naiwan siguro ni Amy kaya bumalik.
"May naiwan ka -" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng makilala ko ang nakatayo sa harap ng pinto. "Doc?"
Nakangiti siya at may bitbit na bulaklak at iniabot sa akin.
"O? Bakit naman Doc na? Matagal lang tayong hindi nagkita, doc na uli?" Natatawang sabi ni Xander. "Long time no see 'no?" Sabi niya. "Istorbo ba?"
"Nako hindi. Sige. Pasok ka. Ang aga mo naman," sabi ko. Inalis ko ang ilang mga kalat na naiwan namin ni Amy sa sala.
"May medical mission kasi kami sa kabilang street ngayon. So naisip kong daanan ka. Matagal - tagal na rin akong hindi nakadalaw sa iyo. I was sent to Japan for a conference. Kakauwi ko lang two days ago." Sabi niya.
"Gusto mo ng kape?" Tanong ko.
Umiling si Xander. "Okay na ako. Dumaan lang talaga ako para mangamusta. Ang lapit lang kasi." Nakatitig siya sa akin na parang may gusto siyang ibang sabihin.

BINABASA MO ANG
About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETE
RomanceShe kept on telling herself that it was just a one time deal. One decision that she needed to do to save her dying mother. A decision that she will regret for the rest of her life. ---- He knew that she shouldn't be trusted. She was a thief and a...