• thirty five •

52.4K 1.2K 53
                                    

Liv's POV

"Liv.  Buksan mo 'tong pinto."

Boses ni Amy iyon.  Kanina pa siya katok ng katok sa pinto ng cr.  Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nandito lang at nakakulong.  Iyak lang ako ng iyak.

Wala na yata akong mukha na ihaharap pa sa kahit na sino.  Alam na alam na ng mga tao kung ano ang ginawa ko kay Travis.  Alam na nila na isa akong magnanakaw.  Kahit naman pilitin kong magpaliwanag sa side ko at kung bakit ko iyon nagawa, wala na ring maniniwala sa akin.  Ganoon naman ang mga tao.  Hindi sila handang makinig sa mga paliwanag.  Kahit naman si Travis noon.  Hindi niya rin pinakinggan ang paliwanag ko kung bakit ko iyon nagawa

Lalong lumakas ang paghagulgol ko.  Lalo ring lumakas ang pagkatok ni Amy.

"Buksan mo 'to, please.  Ano ba ang nangyari?" Nag - aalala na ang boses ni Amy.

Hindi ako sumagot.  Ayoko na muna ng kausap kahit na sino.  Sobrang awang - awa ako sa sarili ko.  Nagkamali na ako.  Humingi na ako ng tawad.  Pinagbayaran ko na iyon.  Pero bakit ganito?  Bakit ako nadidikdik ng ganito?

Tama nga siguro si Amy.  Ang mga katulad naming mahihirap, hindi bagay sa mga katulad nila Travis.  Tingin nila sa amin ay mga oportunista.  Mga manggagamit na gagawin ang lahat para lang yumaman.

Napatingin ako sa nakasarang pinto ng makarinig ako ng parang komosyon sa labas.  Parang natataranta ang boses ni Amy at parang may ibang tao.

"Liv!  Liv! Open this door!"

Napaangat ako sa kinauupuan kong toilet seat.  Boses ni Travis iyon.

"Come on, baby.  Open this, please.  Mag - usap tayo."

Umiling lang ako.  Pinigil ko pa ng kamay ko ang pinto para lang hindi niya mabuksan iyon.

"Liv, I didn't know about it.  Walang alam sila Tonette tungkol sa nangyayari sa atin.  Nagkakamali sila."  Open this, please.  Mag - usap muna tayo," punong - puno ng pakiusap ang boses niya

"Pabayaan mo na lang kaya muna?  Kung anuman ang nangyari, mukhang nasaktan ng sobra ang kapatid ko." Boses ni Amy iyon.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi kami nag - uusap." Napapitlag ako ng malalakas na katok ang ginawa ni Travis sa pinto.  "Open this god damn door!  Wawasakin ko talaga 'to." Hindi tonong nagbabanta si Travis.  Mukhang gagawin talaga niya iyon.

"Tatawag ako ng barangay kung hindi ka pa aalis.  Pabayaan mo na muna siya," may inis na rin sa boses ni Amy.

"No!  Wala akong pakielam kahit isang army pa ang tawagin mo.  I need to talk to her!"  Sinubukan na pihit - pihitin ni Travis ang door knob tapos ay kinalampag niya ulit ang pinto.  "Open this!  Shit Liv!  Kausapin mo ako!" Halatang galit na siya.

"Ano ba?!  Umalis ka na nga!" Galit na sigaw ni Amy.

Mukhang hindi rin naman titigil si Travis kaya hinawakan ko na ang door knob para buksan iyon.  Pero bigla na lang iyon sumalya at bumukas.  Wasak ang lock.  Binalya na ni Travis ang pinto para bumukas.

Puno ng pag - aalala ang mukha niya ng makita ako.  Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"I'm sorry.  I am so sorry." Paulit - ulit niyang sabi.

Nag - iiyak lang ako ng nag - iiyak habang yakap ako ni Travis.  Parang gumaan ang loob ko kasi ramdam kong talagang nag - aalala siya sa akin.

Bahagya niya akong inilayo sa kanya tapos pinahid niya ang luha ko.

"I am so sorry.  I didn't know what my sister did and I am really really sorry."

"Alam na nilang lahat ang ginawa ko.  Magnanakaw na ang tingin nila sa akin," parang bata akong nagsusumbong sa kanya.

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEWhere stories live. Discover now