• forty three •

59.6K 1K 91
                                    

Travis' POV

I ordered food for our breakfast.  I am just patiently waiting for Liv to wake up.  I didn't have a good sleep at all.  Magdamag din akong nagtrabaho dito sa hotel habang pinabayaan kong matulog si Liv dahil sa sobrang lasing niya.

I glanced at her when I saw her move.  She is moaning like she is hurt or something.  Gusto kong matawa.  I know what she is feeling right now.  I am sure her head is like splitting in half.  She would be irritated with the bright lights.  She would be thirsty and hungry as hell.

"Ano ba 'to?  Ang sakit ng ulo ko."  It was like a murmur.  She is holding her head and clenching her hair.

Dinampot ko ang baso ng tubig at lumapit sa kanya. 

"Come here.  Drink this," sabi ko habang inaalalayan ko siyang maupo.

Kunot - noong tiningnan niya ako at napasimangot siya ng makita ako.  'Yung itsurang parang batang may ginawang kasalanan pero kinuha niya ang baso ng tubig at ininom iyon.

"Feeling better?" Tanong ko.

Umiling lang siya at yumuko.  Parang nahihiyang tumingin sa akin.  Tapos ay tiningnan ang sarili niya.  Ngayon lang siguro niya na - realize na wala siyang damit at tanging kumot lang ang bumabalot sa kanya.  Nanlalaki ang matang nakatingin siya sa akin.

"I gave you a bath last night." Tanging sagot ko at nagsalin ng pagkain sa plato ko.  Ganoon din ang ginawa ko sa plato sa harap ko para makakain na siya.  "Come here.  Let's eat."

Dahan - dahan siyang tumayo sa kama na nanatiling nakabalot ng kumot at naupo sa harap ko pero nakayuko pa rin at nakatingin lang sa pagkain niya.

"Eat now para mawala ang sakit ng ulo mo.  That is hangover because you drank too much alcohol last night." Kaswal na sabi ko.

"Galit ka ba sa akin?" Nakayukong tanong niya.

"Is there a reason for me to get mad?" Balik - tanong ko sa kanya.

Tumingin sa akin si Liv.  Halatang nagi - guilty dahil sa nangyari.

"Ayokong uminom.  Pinilit lang ako nila Tonette.  Kailangan ko daw 'yun para matuto akong makipag - socialize.  Ayoko talaga ng lasa ng alak.  Ang pait, eh."

Pinigil ko ang mapatawa.  Pinilit kong maging seryoso sa harap niya.

"Ayoko na silang kasama, Travis.  Pipilitin kong makibagay sa kapatid mo pero ayoko talaga.  Hindi ko gusto ang ginagawa nila.  Ang dami nilang friends na lalaki." Sabi pa niya.

"Oh, yeah.  About that.  Who is Cameron?"

Saglit na natigilan si Liv.  Parang tinatantiya ang reaksyon ko.

"F - friend nila Tonette."

"I've heard mukhang type ka.  Ito ba siya?" Kinuha ko ang phone ko at ipinakita kay Liv ang video na na-receive ko kahapon.

Inilapit pa ni Liv ang mukha sa cellphone ko at pinanood ang video.  Parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.

"Hindi ako 'yan.  Oo.  'Yang lalaki si Cameron pero hindi ako 'yang babaeng 'yan.  Hindi ako lumabas sa vip lounge kasi lasing na ako kagabi." Sabi niya.

Kumunot ang noo ko.

"And who is this?  She looks exactly like you.  You have the same clothes.  Same hair style."  Tiningnan ko ulit ang video at tinitigan mabuti ang nagsasayaw.  Sa unang tingin nga ay iisipin na si Liv ito pero ngayong tinitingnan kong mabuti, napahinga ako ng malalim.

"It's Megan." Sabi ko.

Inagaw ni Liv ang telepono sa akin at muling tiningnan ang video tapos ay naiinis na ibinalik sa akin.

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEWhere stories live. Discover now