• thirty seven •

55.2K 1.1K 63
                                    

Travis' POV

"Where do you want to go?" Tanong ko kay Liv habang nasa biyahe kami paalis kina Ellie.

"Gusto ko na munang umuwi. Gusto kong kausapin si Amy." Seryosong sagot niya.

"Bakit seryoso ka? Hindi ka ba masaya na nalaman mo ang totoong pagkatao mo?" Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan iyon.

Ngumiti siya sa akin.

"Masaya ako. Pero paano si Amy? Hindi ko naman siya basta - basta puwedeng iwan. Siya ang nakalakihan kong kapatid. Kaming dalawa ang magkakampi." Kita kong lumungkot ang mukha ni Liv.

"Sabi naman ni Ellie bahala ka kung anong gusto mo 'di ba? She was asking you if you want to stay with her. It's your choice, baby."

Pero parang lalong lumungkot si Liv.

"Si Amy kasi. Baka malungkot siya kung mag - iisa na lang siya. Tapos magpapakasal pa tayo. Mag - isa na lang siya. Ayoko naman maramdaman niyang nalaman ko lang ang totoo kong pagkatao para ko na siyang inabandona."

"Baby, hindi naman iyon iisipin ni Amy. She will understand. You don't have to worry." Huminto kami sa tapat ng bahay nila.

Tumingin lang sa akin si Liv tapos ay ngumiti.

"Talagang magpapakasal na tayo?" Tanong pa niya.

"Siguradong - sigurado ako. Ikaw. Sana hindi na magbago ang isip mo." Sagot ko sa kanya.

Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan niya ako sa labi.

"Mahal kita at ikaw ang gusto kong makasama habambuhay." Sa kabila ng paghalik ay sabi niya.

Mabilis ko siyang pinigilan kaso baka hindi ko na siya payagang umuwi pa at dalhin ko na lang siya sa tinutuluyan kong hotel.

"Ayaw mong halikan kita?" Taka niya.

"Baka hindi na tayo umabot sa kasal at buntis ka na kapag hindi pa tayo huminto." Natatawang sagot ko sa kanya. "Magpahinga ka na. Call me. Okay?"

Tumango siya at bumaba na sa kotse. Kumaway pa ako sa kanya bago ako umalis. Sumeryoso ang mukha ko at kinuha ko ang telepono ko sa bulsa na wala ng tigil sa kaka - vibrate kanina pa. Salitan ang pagtawag sa akin ni Tonette at isang unregistered number. Hindi ko talaga sinasagot.

This time ay may tumatawag na naman. Iyon amg unregistered number na mayroon ng dalawampung missed calls. Parang may hinala na ako kung sino ito.

"Hello." Napilitan na rin akong sagutin iyon.

"Travis? Thank god you picked up. Are you okay? What is going on?" Boses ni mommy iyon.

"Of course I am okay. Why?"

"Trav, anak. Ano ba itong gulong pinasukan mo? Tumawag sa akin si Tonette at iyak ng iyak. Umalis ka daw sa bahay."

"Because she did bad things to my fiancée."

Saglit na hindi nakasagot ang nanay ko.

"F - fiancée? Ano ba ang sinasabi mo? Wala ka ngang girlfriend. And Ellie is married." Sabi niya.

"I have a fiancée. Her name is -"

"Oh. I know. The thief? The one who stole your wallet and pretended to be a prostitute?" Natawa si mommy. "Oh my god, iho. Stop making that kind of joke. Tawang - tawa talaga ako ng ikuwento sa akin ni Tonette."

Sumimangot ako sa narinig ko.

"I am not joking, mom. I am getting married." Seryosong sagot ko.

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEWhere stories live. Discover now