• ten •

68.8K 1.8K 108
                                    

Travis' POV

I got what I wanted.  I got even with her.  I made her feel like she was the most hated person in the world pero bakit parang hindi pa rin ako kuntento?  Parang hindi naman ako natuwa sa ginawa ko.

Inis kong inayos ang pagkakahiga ko sa kama at inayos ko pa ang mga unan ko dahil baka lang sa maling posisyon kaya hindi ako makatulog.  I never had sleepless nights kahit pa noon na na - eskandalo kami ni Ellie.  But tonight, gusto ko ng magwala dahil hindi ako makatulog.

Nakokonsensiya ka kasi.

Konsensiya?  Damn.  Saan nanggaling iyo?  Hindi ako nakokonsensiya.  What happened to her, ginawa niya iyon sa sarili niya.  That's the price she has to pay for being a con artist and stealing from other people's property. 

But I remember her face.  Parang pinipilit ko lang talaga sa sarili ko na masamang tao siya dahil naisahan niya ako pero may isang bahagi ng sarili ko na nagsasabi siya ng totoo at virgin siya ng makuha ko.

Think, Travis.  Alam mong kaya niya nagawang protektahan ang sarili niya ay dahil sa mga modus niya. Sa lahat ng naloko niya, ikaw lang ang nakahuli sa kanya.  Alam mo naman iyon.  Nagiging tanga ka na naman.

Napabuga ako ng hangin at bumangon.  Dinampot ko ang natitirang bote ng wine at inubos ko.  Nagbihis na ako at nag - check out sa hotel.  Ano pang gagawin ko dito kung hindi naman ako makatulog? 

Hindi naman ako umuwi sa bahay ko.  Dumiretso ako sa tambayang bar namin nila Hans.  Sinubukan kong tawagan ang dalawa pero parehong busy.  Siguro sa mga babae na naman.    Dumiretso ako sa bar area at umorder sa bartender.  Wala naman masyadong tao sa bar kaya hindi masyadong maingay.

Napatingin ako sa lalaking katabi ko na mag - isang umiinom ng beer.  Nakayuko at itsurang problemado.  Teka. Parang kilala ko 'to ah.

"Xander?"

Takang tumingin sa akin ang lalaking katabi ko at nagliwanag ang mukha niya ng makilala ako.  Ngumiti siya at tumayo tapos ay yumakap sa akin.

"Damn man!  Kamusta na?  Long time no see," biglang ang saya saya ng itsura ni Xander.

Kaklase namin siya nila Les since grade school and high school.  College na lang kami nagkahiwalay ni Xander dahil medicine ang kinuha niyang course.  Kaming tatlo nila Hans at Carlo ay pare - parehong business course tapos si Les ay engineering naman.  Xander took his pre - med dito sa Pilipinas then ung medicine proper niya ay sa Amerika na siya nag - aral.  Matagal - tagal rin kaming walang komunikasyon nito.  Sigurado matutuwa ang tropa kapag nalaman nilang nagkita kami ni Xander.

"Ayos lang.  Ikaw?  Parang hindi ka na namin kilala ah.  Ganyan ba kapag doktor?" Ininom ko ang beer sa harap ko.

Nawala ang ngiti ni Xander at napailing.

"You wouldn't know the hardships of being a doctor.  We need to face death everyday.  Minsan nakakasanayan ko na rin pero meron pa rin talagang tatama at tatama," naiiling na sabi niya.

"Mukhang malalim ang hugot ni dok," natatawang sabi ko.

Napabuga siya ng hangin.

"I lost a patient today.  Cancer patient but died because of cardiac arrest.  Although alam ko na medyo hindi maganda ang prognosis niya but still merong mga patient na mapapalapit ka.  And her daughters, sobrang babait. They are doing everything para lang matulungan ang nanay nila.  Kahit mahirap kinakaya." Tumungga si Xander sa hawak na beer.

"I can't forget the face of her daughter when she learned that her mother is gone.  Ang bigat sa dibdib.  First time kong talagang tinamaan sa ganoong eksena." Napatawa ng nakakaloko si Xander.  "Akala ko sa pelikula lang 'yung ganoon eh.  Matagal ng kailangan ng chemo meds ng nanay niya but financially hindi talaga nila kaya bumili.  The irony?  When she got the chance to have the meds saka naman namatay ang nanay niya." Napahinga ng malalim si Xander.  "Tang ina.  Ang hirap maging mahirap.  Those people would do anything just to survive."

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum