• twenty four •

62.9K 1.4K 97
                                        

Happy Valentine's ulit sa inyong lahat!
❤️❤️❤️

Liv's POV

Maghapon ngang hindi na nagpunta sa office si Sir Travis. Itinatawag lang niya kung meron kailangan i-email, mga kailangang sagutin na mga clients pero si Carmi ang tinatawagan niya. Hindi niya ako inuutusan.

Ano kayang problema? Galit ba siya sa akin? Siya pa ang magagalit? Ramdam ko iniiwasan din niya ako. Naisip kong iyon ang gusto ko 'di ba? Bakit ngayon na ginagawa niya naiinis na ako?

Natatakot ako noon kay Sir Travis pero ngayon feeling ko safe na safe ako kapag kasama ko siya.

Gusto ko siyang nakikita. Gusto kong nandito sa paligid ko ang presensiya niya. Gusto kong naaamoy ang pabango niya.

Gusto ko na yata siya.

Natigilan ako sa naisip ko. Si Sir Travis? Gaga ka Olivia! Imposible ang iniisip mo. Galit ka sa kanya 'di ba? May ginawa siyang hindi maganda sa 'yo.

Pero may ginawa din akong hindi maganda sa kanya kaya niya nagawa iyon sa akin.

Napayuko ako at marahan kong inuntog ang ulo ko sa mesa. Nakikipagtalo na ako sa sarili ko. Ipinagtatanggol ko na siya sa sarili ko. Hindi puwede ito. Hindi puwedeng may gusto ako sa boss ko. Imposible kasi. Alam kong kaya lang siya naging mabait sa akin kasi nakokonsensiya siya sa nagawa niya. Bukod doon ay wala na. Magkakagusto ba naman ang isang Travis Velasco sa katulad kong mahirap lang? Ninakawan ko pa nga siya.

"Hoy girl. Anong drama mo?"

Nag - angat ako ng ulo at nakita ko doon si Carmi. May dalang flower bouquet. Ang ganda. Ang dami - daming red roses.

"Ganda naman ng flowers mo. Valentine's kasi 'no? 'Buti ka pa may ka - Valentine's." Sabi ko.

"Hindi akin 'to. Para 'to sa 'yo," at iniabot niya sa akin ang bouquet.

Kumunot ang noo ko. Sa akin? Ang dami - dami nito. Ang ganda - ganda pa. Walang mag - aaksaya ng pera sa akin para ibili ako ng ganito ka - bonggang bulaklak.

"Baka bigay ni doc. Sagutin mo na kasi." Nanunukso pa si Carmi.

Kay Xander? Malabong galing kay Xander 'to. Hindi 'yun mahilig magbigay ng mga ganito. Kulang sa pagiging romantiko ang taong 'yun. Lagi kasi siyang nagmamadali. Laging may hinahabol na oras. Sa ngayon nga maghapon pang hindi nagti - text sa akin. Siguradong busy sa mga pasyente niya.

"Hindi naman nanliligaw 'yun si doc. Magkaibigan lang kami." Ininspeksyon ko ang bouquet. Hinanap ko ang note kung meron. Nakasuksok sa loob ng mga bulaklak. Kinuha ko at binasa.

I'm scared as hell to want you. But here I am, wanting you anyway.

Enjoy the flowers and Happy Valentine's day.

"Sure ka? Mukhang bigtime ang secret admirer mo. Patingin ng note," bago pa ako maka - react ay inagaw na ni Carmi ang note at binasa.

"Ayiieee! Pa - mysterious effect. Pa - delight 'yang secret admirer mo." Natatawang sabi ni Carmi pero halatang kinikilig.

"Hindi ko 'to kilala. Walang magbibigay sa akin ng ganito."

"Well, meron na. Ayan nga at binigyan ka. Okay lang 'yan. Tanggap lang ng tanggap kapag binibigyan ka." Sinagot ni Carmi ang tumunog na telepono. Biglang sumeryoso ang itsura niya.

"Yes sir. Noted po. Sasabihan ko po siya." Nakatingin sa akin si Carmi. Sino kaya ang kausap niya. Nakangiwi siya ng ibaba ang telepono.

"Girl, mukhang cancel ang date mo mamaya. May pa - OT si Sir Travis." Sabi niya.

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEWhere stories live. Discover now