• twelve •

72.2K 1.5K 53
                                    

Liv's POV

Ganoon pala ang pakiramdam ng mawalan ng nanay.  Parang gumuho ang buong mundo ko.  Parang nawalan ng saysay ang buhay.  Manhid na ako sa sakit.  Wala na akong maiiyak.  Nakatitig lang ako habang ipinapasok si nanay sa crematorium.

Wala naman ibang taong nakipaglibing sa amin.  Ako lang at si Amy.  Si Dr. Romero ay narito din at ilang kapitbahay.  Pero ng ipasok na sa pagsusunugan si nanay, kaming tatlo na lang ang naiwan.

"Liv, halika na.  Umuwi na tayo.  Sabi ng staff bukas pa daw makukuha ang mga abo ni nanay."

"Puwede bang maghintay na lang ako dito?"

"The place is not good for you, Liv.  Saka ilang araw ka ng walang tulog.  Kailangan mo ng magpahinga," si Dr. Romero iyon.

Tumingin ng makahulugan sa akin si Amy.  Parang sinasabi na sundin ko ang sinasabi ng doktor.

"Tatawag naman sila kapag okay na.  Halika na." Nagpauna na si Amy.

"Ihahatid ko na kayo." Sabi ni dok.

"Dok, okay na kami.  Kaya na namin umuwi ni Amy.  Masyado ka na naming naabala.  Nakakahiya na."

Tumawa si dok sa akin.

"Dok na naman.  Sabi kong Xander na lang.  Wala na naman tayo sa ospital at masyadong pormal ang dok."

"Hindi ako sanay," napipilitan akong napangiti.

"See?  I made you smile.  You should smile more often.  Nami - miss ko 'yung mga smile mong nakikita ko sa ospital."

Parang totoo nga yata ang sinasabi ni Amy ah.

Naabutan ko si Amy na may kausap sa telepono tapos ay pinatay niya iyon ng makita kaming palabas.

"Liv, mauna ka ng umuwi.  Tumawag kasi ang boss ko at kailangan ko lang dumaan sa resto.  Ilang araw na kasi akong wala and I need to check 'yung total inventories." Paalam niya sa akin.

"Ha?  Gusto mo samahan kita?"

"Naku hindi na.  Magpahinga ka.  Baka bigla ka na naman matumba na lang diyan.  Okay na ako.  Parating na 'yung grab na na - book ko."  Bumaling si Amy kay dok.  "Doc, ikaw na bahala sa kapatid ko ha?"

Sunod - sunod ang tango niya.  "Iuuwi ko ng buo.  Baka dalawin ako ni Aling Garing kapag may ginawa akong kalokohan." Tumatawang sabi ng doktor.

Tiningnan ako ng makahulugan ni Amy bago nagsalita.

"Sige na.  Mauna na kayo."

Inalalayan ako ni Dok Xander na makasakay sa kotse niya.  Gentleman si doc.  Mabait pero ayokong isipin niya na sinasamantala namin ang kabaitan niya.  Napakarami na niyang naitulong sa amin.

"I heard that you resigned from your work.  Anong plano mo ngayon?" Alam kong hinihintay ni dok ang sagot ko kahit nakatutok siya sa kalsada.

"Hindi ko pa alam dok.  Sa totoo lang sabog ang utak ko.  Hindi ko alam kung paano mag - uumpisa."

"Dok na naman.  Sabi ng Xander na lang, eh."

Napilitan akong ngumiti.  "Sorry Xander."

"Maganda 'di ba?  Hindi na masyadong formal.  Do you need a job?"

"Mahirap maghanap ng trabaho ngayon.  Bahala na.  Makakakita din siguro ako."  Kaya naman din kasi ako nag - resign din sa trabaho ko para hindi na kami magkita pa ng hayup na Travis Velasco na iyon. 

"I can help you.  College grad ka?"

"Hanggang two years lang.  Alam mo na financial problems.  But marunong ako sa computers and madali naman matutunan lahat," sagot ko.

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEWhere stories live. Discover now