• thirty four •

56.6K 1.2K 99
                                    

Ramdam na guys?  'Di ba alam 'nyo na 'pag sunod - sunod na ang ud ni author.  Hehehe.  Bawing - bawi ako ha? Enjoy ulit.

Liv's POV

"May problema ka ba?"

Napatingin ako kay Amy at umiling.

"Wala." Itinuon ko ang pansin ko sa kinakain ko.

"Sigurado ka?" Alam kong talagang tinitingnan ako ni Amy. 

Napahinga ako ng malalim.

"Magagalit ka ba kung sasabihin ko sa iyo na may boyfriend na ako?"

Nagliwanag ang mukha ni Amy.

"Talaga?!  Sinagot mo na si Doc?" Excited na sabi niya.

"Doc?  Hindi ah!  Hindi nga nanligaw 'yun."  Ilang linggo na ngang hindi nagpaparamdam sa akin.  Bigla na lamg huminto na mag-text at tumawag. Hindi na rin dumadalaw.  Sobrang busy siguro kaya hindi ko na rin iniistorbo.

Kumunot ang noo niya.

"O? Eh sino naman ang boyfriend mo?"

"Si CEO." Alanganin kong sagot sa kanya.

Lalong nangunot ang noo ni Amy.  Tingin ko pa nga parang naloloka ang tingin niya sa akin.

"'Yung boss mo?"

Tumango ako.

"Gutom ka ba?  Sinabi ko naman sa 'yo huwag kang magpapalipas ng gutom." Nagpatuloy si Amy sa pagkain niya.  Parang ayaw maniwala sa sinabi ko.

"Ako ka ba?  Maniwala ka sa akin.  Saka hindi ako nalilipasan ng gutom."

"Liv, hindi naman kasi kapani - paniwala ang sinasabi mo.  Sa 'yo na nga nanggaling na galit sa iyo 'yun. Tapos magiging boyfriend mo?  Niloloko ka lang niyan.  Naniwala ka naman." Alam kong naiinis na siya.

"Amy, mahal niya ako.  Saka mahal ko rin siya, eh.  Gusto nga niya magpakasal na kami."

Naiiling na binitawan ni Amy ang hawak na kubyertos. 

"Kasal?  Boyfriend mo lang kanina, ngayon kasal na?  Ano ba ang nangyayari sa iyo Olivia?  Nagpapa - uto ka sa mga mayayamang lalaki na 'yan.  'Yang magkakaibigan na 'yan.  Kayang - kaya kang palitan niyan kahit sampu.  Titikman ka lang.  Paaasahin tapos biglang iiwan."  Galit talaga si Amy.  Parang naiiyak pa nga siya.

"Amy, okay ka lang?" Ako na ang nagtatanong sa kanya.  Para kasing hindi siya okay.  Parang may dahilan kung bakit siya nagagalit.

Doon na biglang bumunghalit ng iyak si Amy.

"Hoy.  Anong nangyari?  Bakit ka umiiyak?" Nataranta ako.  Tumayo ako at tumabi sa kanya.

"Huwag mo akong gayahin, Liv.  Nagpakagaga ako.  Naniwala ako na mamahalin at ipaglalaban ako.  Pero mali.  Maling - mali.  Pinaasa lang ako.  Iniwang parang basahan."

"Sino ba 'yan?  Bakit wala ka man lang sinasabi sa akin?  Ano ba ang nangyari sa iyo?  Sino ang nanakit sa iyo?"

Iyak lang ng iyak si Amy at umiiling tapos ay pinahid niya ang luha niya.

"Hindi na importante.  Alam kong lilipas din ito.  Makakalimutan ko rin ang hayup na iyon.

Nalulungkot naman ako sa nangyari kay Amy.

"Pasensiya ka na sa nasabi ko.  Ayoko lang mangyari sa iyo ang nangyari sa akin.  Napakasakit kasi."

"Mabait naman si Travis.  Saka gusto talaga niya magpakasal na kami.  Siguradong - sigurado siya sa sarili niya."

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEWhere stories live. Discover now