• six •

71K 1.6K 26
                                    


Liv's POV

Naabutan ko si nanay na natutulog sa ospital.  Sa tuwing dadalaw ako dito, sumisikip lang ang dibdib ko kasi hindi ko matanggap ang kalagayan niya.  Ayaw kasing biglain ng mga doktor ang treatment kay nanay dahil nakita sa check up niya na mayroong bara sa kanyang puso.  Kahit naman ako ay ayoko din na isugal ang kalusugan ni nanay.  Pero sa tuwing pupuntahan ko siya, tingin ko, lalo lang siyang nanghihina.

Hindi ko na ginising si nanay at humalik na lang ako sa pisngi niya.  Nakita ako ng attending physician niyang si Dr. Romero at mabilis na lumapit sa akin.

"Liv, kamusta na?  Hindi na tayo nagkikita ah." Nakangiting bati niya sa akin.

Ilang taon lang din ang tanda sa akin ni Dr. Romero.  Sa umpisa pa lang ay siya na ang gumagamot kay nanay.  Siya din ang tumutulong sa amin para makabawas kami ng mga gastusin.  Binibigyan niya kami ng mga recommendation sa iba't - ibang organization para makatulong sa amin.  Siya rin ang mag - oopera kay nanay at wala siyang hinihinging professional fee.

"Dok.  Kamusta po?" Ngumiti din ako sa kanya.

"O?  Dok na naman?  Sabi ko naman Xander na lang.  Hindi naman nagkakalayo ang edad natin."

"Hindi lang ako sanay dok.  Sa susunod na lang siguro." 

Parang gusto kong maasiwa sa tingin ni Dr. Romero.  Nakatitig lang siya sa akin at talagang nangingislap ang mata niya habang nakangiti.

"Nga pala.  Nakausap ko ang ibang tumitingin kay Nanay Garing.  Pinapalakas pa namin ang immune system niya but the chemotherapy might start anytime this week.  Puwede na kayong bumili ng gamot."  Marahan siyang huminto at bahagyang sumeryoso ng mukha.  "Do you already have money for the medicines?"

Sunod - sunod ang tango ko.  "Oo dok.  Awa ng diyos nagawan namin ng paraan.  Gagawin ko ang lahat para kay nanay.  Para gumaling siya."  Hinigpitan ko ang kapit ko sa dala kong bag dahil naroon ang wallet na kinuha ko.

"That's good to hear."  Pareho kaming napatingin sa paligid ng marinig namin na pini - page ang pangalan ni Dr. Romero.

"I'll see you again.  Kahit bukas.  You can bring the medicine in my office for safe keeping." Sabi pa niya.

Tumango ako.  "Sige dok.  Salamat."

Kumaway lang siya at patakbong lumabas ng silid.  Natawa ako.  Kahit kailan, tuwing makikita ko si Dok lagi na lang nagmamadali.  Pero talagang kahit nagmamadali siya, gumagawa siya ng paraan para magkausap kami.  Parang gusto ko ng ngang isipin na may gusto siya sa akin pero mabilis ko ding inalis iyon sa isip ko.  Mabait lang talaga si Dr. Romero sa lahat.  Nakikita ko naman kung gaano din siya kagiliw sa ibang mga pasyente at ibang mga bantay nito.

Dumiretso ako sa bilihan ng gamot bago ako pumasok sa trabaho.  Kumuha ako ng four hundred dollars sa wallet at pinapalitan ko ng peso.  Aabutin daw kasi ng kulang - kulang twenty thousand ang set ng gamot ni nanay.  Nakalista din lahat kung magkano ang perang nakuha ko sa wallet para alam ko kung magkano ang utang ko at babayaran sa may - ari nito.

Nasa biyahe na ako papasok sa trabaho ng tumunog ang telepono ko.  Si Amy ang tumatawag sa akin.

"Dumaan ka ba ng ospital?"

"Oo.  Nakausap ko si Dr. Romero at sinabihan na niya akong ihanda na ang chemo meds ni nanay."

Parang nakahinga ng maluwag si Amy. 

"Nakabili na rin ako ng gamot.  Dinala ko na muna dito para paglabas ko mamaya idiretso ko na sa ospital."

"Saan ka kumuha ng pera?"

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEWhere stories live. Discover now