• forty one •

55.5K 1K 51
                                    

Liv's POV

Pakiramdam ko ay gusto kong bumuka ang lupa at kainin ako.

Nasa harap ko ang nanay at kapatid ni Travis. Sila ang mga taong tutol na tutol sa amin pero ano ngayon? Bakit biglang - bigla na nagbago? Parang ayokong maniwala dito.

"Are you still afraid of me, iha? Hindi 'nyo ba kami papapasukin?" Tanong pa ng mommy ni Travis.

Hindi ako makasagot at nagpapasaklolo akong tumingin kay Travis.

"Sorry mom. Come inside," sabi ni Travis at nilakihan ang bukas ng pinto.

Halata ko naman na parang asiwa ang mommy ni Travis. Lalo na ang kapatid niya at si Megan. Hindi nga sila makatingin talaga sa akin. Halos sa dulo lang ng sofa naupo ang kapatid ni Travis.

"Trav, anak. I know the both of you are not comfortable living here." Tumingin sa akin ang mommy ni Travis. "No offensement iha pero hindi nasanay tumira sa ganitong lugar ang anak ko."

Hindi ako sumagot. Ayokong mag - comment. Pababayaan kong si Travis ang umayos nito sa mommy niya.

"Mom, ako ang nagdesisyon na dumito para kasama ko si Liv. And besides, I'd rather stay here than be with you kung hindi 'nyo naman siya matatanggap." Sagot ni Travis.

"No. No iho. What I mean is that there is more comfortable place for the both of you." Huminga ng malalim ang mommy ni Travis. "Liv is a Buencamino right? I am sure her family can provide her a decent place to stay rather than stay here."

"It's been arranged, mom. She'll be working in their company." Sabi ni Travis. Hindi niya binibitiwan ang kamay ko. Napatingin ako sa gawi nila Megan at nakatitig lang siya sa akin. Hindi siya nakasimangot basta nakatingin lang siya. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay ngumiti siya sa akin.

"That's good to hear, iha. At least I know you came from a good family kahit na nga hindi maganda ang nabasa kong report tungkol sa ginawa mo."

"Mom can we stop talking about that? You don't know the real story behind that." Halatang hindi kumportable si Travis na pag - usapan iyon. Kahit naman ako. Kung puwede ko lang talagang ibaon na sa limot ang pangyayaring iyon.

"Pasensiya na, iho. So, when are you coming home?"

"Soon mom." Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Travis sa kamay ko.

"You need to come back as soon as possible. Our company needs you. Nagkamali ako ng tanggalin kita as the CEO. I thought Tonette could handle it but she made a mess." Inis na tiningnan ng babae ang anak. Sumimangot lang ang mukha ni Tonette.

Napahinga ng malalim si Travis.

"I'll fix that as soon as possible." Tanging sagot ni Travis.

"So when are you going home? Can you do it like now?" Halatang gusto ng umalis ng mommy ni Travis.

"Liv and I need to talk first. I'll be home. Soon. Pupunta ako sa office mamaya. I'll check what I can do."

Halatang hindi kumporme ang mommy ni Travis sa sagot na narinig mula sa anak pero hindi na ito nakipagtalo pa. Tumayo na lang ito at pinagpag pa ang bag at puwitan.

"Whatever you want. Just come home." Lumapit ito sa anak at muling hinaplos ang mukha ni Travis. "Miss ka na ni mommy. I just want the best for you."

"I'm good mom. Don't worry about me. With Liv beside me? Nothing can go wrong." Hinalikan pa ni Travis ang kamay ko.

Ngumiti ang mommy niya. Ewan ko ba. Hindi ko maisip na biglang magiging okay. Parang kinakabahan pa rin ako. Alam ko kasing suko hanggang langit ang pagkaayaw niya sa akin. Kaya nagtataka ako kung anong nangyari at biglang okay na. Ano kayang ginawa ni Ate Ellie?

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEWhere stories live. Discover now