Sa mga excited kay Megan. 'Eto na ang eksena niya.
—————-Travis' POV
Malayo pa lang si Ellie ay nakangiti na siya sa akin. Magkahawak kamay sila ni Les na naglalakad papalapit sa akin. Ako ang ni - request niyang sumundo sa kanila. Gusto din daw ni Les iyon dahil marami siyang kailangang i - catch up para naman sa negosyo.
"Bakit ganoon? You look different Trav," iyon agad ang bungad ni Ellie sa akin ng makalapit at humalik sa pisngi ko. Mahigpit namang yumakap sa akin si Les.
"Huhulaan ko. Mukhang nakapambabae," natatawang sabi ni Les. Inayos nito ang mga maleta na nasa trolly.
"Tumigil na kayong dalawa. Wala na naman kayong magawa. Kailangan ako pa talaga sumundo sa inyo?" Naiiling na sagot ko.
"I want to know kung talagang naka - get over ka na nga sa asawa ko," kinabig pa ni Les palapit sa kanya si Ellie na tawa ng tawa.
"Ano ka ba Les? Huwag ka ngang ganyan. Nakakahiya kay Travis." Mabilis itong lumayo sa asawa. "Bayaan mo na 'yan. Wala lang 'yan magawa." Kumapit sa braso ko si Ellie at tumingin sa mukha ko. "Seriously. I like the way you look now. You look... happy."
"Well I am happy. I am happy for the both of you." Nakangiting sagot ko.
"Sino ang bagong babae mo?" Pangungulit pa rin ni Les. Alam na alam talaga ng gagong 'to kapag meron akong babae sa buhay.
"Talaga bang babae?" Nagpapalit - palit ang tingin sa amin ni Ellie.
"Trust me, babe. Babae lang ang nagpapakutitap ng mata ng bestfriend ko."
"Her name is Liv." Hindi din naman nila ako titigilan.
Napatakip ng bibig si Ellie habang tumitili.
"Oh my god! Travis! I am so happy for you!" Ramdam na ramdam ko ang tuwa sa boses niya.
"See? Kahit kailan hindi ako sasablay diyan. When are we going to meet her?" Sabay naming isinakay sa likod ng van ang mga bagahe nila.
"Soon. Ayoko munang biglain."
"Oh no. We need to meet her. As in now," excited na excited si Ellie.
"Puwede kayong magpahinga muna bago 'nyo ako bulabugin sa office. Saka baka nakalimutan 'nyong hinihintay na rin kayo ni Eddie. Ilang linggo kayong hindi nakita ng anak 'nyo." Ang kulit ng mag - asawang 'to.
"Alright. Alright. Ayaw mo lang ipakilala sa amin. Marami namang araw. Miss ko na din naman si baby Eddie," sagot ni Ellie.
Inihatid ko ang dalawa sa bahay nila tapos ay umuwi na rin ako. I am going to get my things since ayaw talagang umalis ni Megan sa bahay. Kaya pala siya tawag ng tawag kahapon para kulitin lang akong huwag ng umalis doon.
Naabutan ko siya na nakahilata sa sofa at nagse - cellphone. Agad siyang bumangon at lumapit sa akin.
"You're still mad at me?" Nagpapa - cute na tanong niya.
"I am not mad. I just need to get my things," sagot ko sa kanya at dumiretso ako sa kuwarto ko pero nakasunod pa rin siya.
"Hindi mo naman kasi kailangan na umalis. This is your house," nagmamaktol na sagot niya.
"And still you're here. Hindi tayo puwedeng magsama, Megs. Mahirap ng may mag - isip ng hindi maganda."
"What the fuck?! Travis! Anong klaseng maligno ang sumapi sa 'yo? You're thinking about what other people might say? The hell! Sa New York ilang linggo tayong magkasama sa iisang bahay and wala naman problema. Bakit dito ang dami mong issues?" Tingin ko ay pikon na siya.

YOU ARE READING
About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETE
RomanceShe kept on telling herself that it was just a one time deal. One decision that she needed to do to save her dying mother. A decision that she will regret for the rest of her life. ---- He knew that she shouldn't be trusted. She was a thief and a...