• fifteen •

66.3K 1.5K 123
                                    

Liv's POV

Para akong pangangapusan ng hininga habang nakakulong ako dito sa cr. Hindi ko yata kayang lumabas dito. Hindi matapos - tapos ang pagtulo ng luha ko kasi nakita ko na naman ang lalaking iyon. Anong ginagawa niya dito? Hindi dito ang opisina niya.

Ipinikit ko ang mata ko pero parang tukso lang na naalala ko ang ginawa niya sa akin. Akala ko makakalimutan ko na iyon kasabay ng pag - move on ko sa pagkawala ni nanay. Pero bakit parang bangungot siyang nakasunod sa akin?

First day ko sa trabaho at ito pa ang nangyari. Ang akala kong umpisa ng magandang kinabukasan ko ay umpisa pala ng isang masamang panaginip. Hindi ko kayang magtagal dito. Magre - resign ako.

Tumunog ang telepono ko. Si Amy ang tumatawag sa akin. Pinilit kong ayusin ang sarili ko at ayokong makahalata siya na mayroon akong problema.

"Kamusta ang first day mo?"

"Okay naman. Pero parang ayoko na dito."

"Ano? Akala ko ba okay tapos ayaw mo na? Liv, hindi puwedeng balisawsawin ka sa trabaho mo. Isipin mo nakakahiya kay Xander kapag basta ka na lang umalis diyan."

"Kasi Amy boss ko si CEO." Napasandal ako sa dingding ng cr.

"Ano? Teka. Paanong boss? Liv, okay ka lang ba? Anong sabi niya? Nagkita kayo?" Sunod - sunod ang tanong niya.

"Siya ang may - ari nitong company na pinapasukan ko. Wala akong idea na kanya ito kasi sa Makati ko siya pinuntahan para isoli ang pera niya."

"O? Eh ano naman kung siya ang CEO diyan? Wala ka ng atraso sa kanya. Kahit ipapulis ka niya isinoli mo na ang pera niya. Buong - buo at may dagdag pa. Huwag kang matakot sa impaktong 'yan." Mataray na sabi ni Amy.

"Gusto ko na lang mag - resign. Parang hindi ko kayang magtagal dito." Pero feeling ko kahit hindi ako mag - resign tatanggalin din ako sa trabaho dahil nabanlian ko ng kape ang walanghiyang CEO na iyon. Pero dapat lang sa kanya 'yun. Kung puwede ko nga lang ibuhos sa ulo niya ang kumukulong kape ay ginawa ko na.

"Anong sasabihin mo kay Xander? Siyempre magtatanong 'yun. Baka kakilala pa nga niya 'yang si CEO." Napahinga siya ng malalim. "Pero kung hindi ko kumportable, ikaw pa rin naman ang masusunod."

Hindi talaga ako kumportable. Kasi sa tuwing makikita ko ang lalaking iyon, naaalala ko kung paano niya iparamdam sa akin kung gaano ako kawalang kuwentang tao.

"Liv, alam kong malaki ang problema mo diyan. Pero tumawag kasi ang ospital sa akin at kailangan nating magbayad. Naibigay ko na sa kanila ang natirang pera doon sa mga abuloy kay nanay pero may balance pa tayong one hundred thirty thousand. Hindi na ako makapag - loan dito."

Napakagat - labi ako. Pino - problema ko 'tong pagkikita namin ng demonyong CEO na 'to at nakalimutan ko ng meron pa kaming mas dapat problemahin ni Amy. Mas lalong kailangan ko ang trabaho ngayon.

"Sabi ng ospital puwede naman nating hulugan 'di ba?" Paniniguro ko.

"Oo. Pero kasi si Dok Romero ang naka - vouch sa atin. Nakakahiya kung hindi tayo makakabayad."

Napahinga ako ng malalim. Nakakahiya nga. Sa dami ng naitulong sa amin ni Xander, ayokong sirain ang pangalan niya sa ospital na pinapasukan niya.

"Sige Amy. Tutulong ako. Bahala na kung paano."

"Ayan ka na naman. Baka kung ano na naman ang gawin mo ha?"

"Hindi. Hindi na mauulit ang ginawa ko noon."
Hindi na talaga mauulit dahil sarili ko ang naging kabayaran sa ginawa ko.

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin