• forty two •

54.9K 1K 58
                                    

Liv's POV

"You try this.  And this.  Also this."

Nagugulat na lang ako sa mga damit na ibinabato sa akin ni Tonette.  Abala siya sa pagpili ng mga damit na naka - hanger sa display rack ng isang sikat na boutique.  Alam kong sikat ito kasi sa mga magazine ko lang 'to nakikita.

Asiwang dinampot ko ang isang parang kakarampot na piraso ng tela.  Spaghetti top iyon.  Ang nipis.  Siguradong kapag isinuot ay lalabas na ang dapat na itago.  Tiningnan ko ang presyo.  Thirteen thousand?!  Para sa isang retaso ng damit thirteen thousand na?  Parang napapasong binitiwan ko ang damit.

"You try that.  Bagay sa 'yo 'yan," sabi ni Megan ng makitang binitiwan ko ang damit.

Umiling ako.  "Masyadong manipis.  Baka magalit si Travis sa akin."

"Oh please?  Travis wouldn't get mad if you wear that.  Mas magugustuhan pa niya iyan.  You know he likes his woman hot.  Sexy.  Wild." Kumindat pa sa akin si Megan na para talagang alam na alam niya ang mga gusto ni Travis.

Hindi ako kumibo.  Pinigil ko ang sarili ko sa inis na nararamdaman ko.  Hindi talaga ako kumportable na kasama siya.  Isipin ko lang na dati silang nagsasalo sa kama ni Travis talagang kumukulo na ang dugo ko.

"Are you affected that Travis and I had some history?  Don't be girl.  Wala naman 'yun.  Uso sa America ang fuck buddies and we're just like that.  Tikiman lang.  Ganun." Sabi pa ni Megan.  "And if you know that Travis really love you hindi mo kailangang ma - insecure sa akin.  Nai - insecure ka ba?" Nakangiti pa siya ng nakakainis.

"Never akong mai - insecure sa 'yo.  Ikaw na nga ang nagsabi fuck buddy ka lang, pakakasalan ako.  Parang ang laki ng difference 'nun, eh." Pinilit kong ngumiti ng nakakaasar sa kanya.  Alam ko naman na pina - plastic niya lang ako.

Halatang napikon si Megan sa sinabi ko pero pinilit niyang ngumiti.  Pinipilit huwag ipahalata na naiinis siya.

"You try that clothes para makita kung anong bagay sa 'yo," iyon na lang ang sinabi niya at tumingin siya sa pinto ng boutique at agad na tumayo para salubungin ang mga dumating. 

Nakatingin lang ako sa kanila habang panay ang beso nila sa isang bading na kalbo at isang lalaki na parang commercial model ang itsura.

"This is her?  She is our project?" Sabi ng bading at agad na lumapit sa akin para tingnan ako.  Nakakaasiwa.  Pakiramdam ko para akong produkto na sinisipat - sipat.

"Yes, girl.  She is Liv. Travis' fianceé." Sabi ni Tonette.  "Liv, this is Hugo Melendrez.  He is a famous designer and stylist."  Nakita kong tumabi si Megan sa kasamang lalaki ni Hugo.  Landi talaga.  Nakakita lang ng guwapong lalaki talagang hindi na mapakali.

"Oh my!  The love of my life is getting married." Tiningnan ako ni Hugo from head to foot.  "What did you do, girl? I know Travis' types.  No offense pero parang hindi ka yata kasama doon."  Inikutan pa niya ako.

Napatawa si Tonette at nagtinginan pa sila ni Megan. 

"Try to steal from Travis.  Baka sakaling magustuhan ka niya." Sabay na nagtawanan ng malakas si Megan at Tonette.

Napalunok ako.  Maling - mali talaga itong ginawa kong pagsama sa dalawang 'to.  Pakiramdam ko ay napapahiya na ako.  Tingin ko, ito talaga ang gusto nilang mangyari.  Pakitang tao lang talaga sila sa harap ni Travis.

"Hey, don't be such a bully.  She is pretty.  Smooth skin, clear natural face.  No make up.  So natural.  Rugged style.  That is so hot."

Napatingin ako sa nagsalita at iyon ang kasamang lalaki ni Hugo.  Nakatingin lang siya sa akin at ngumiti ng makitang nakatingin ako.

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin