• twenty •

67.8K 1.3K 88
                                        

Liv's POV

"Hindi mo ba gusto dito?"

Tumingin ako kay Xander at parang nag - aalala siyang nakatingin sa akin.

"Ha?"

"Here. Ayaw mo ba dito?" Tanong niya.

Tumingin ako sa paligid. Nasaan nga ba kami? Ah, sinundo nga pala ako ni Xander tapos ay nagyaya siyang mag - dinner muna bago niya ako ihatid pauwi. Dito niya ako dinala sa isang Japanese Restaurant sa Makati. Nakalimutan ko na ang pangalan.

"Hindi. Masarap nga ang pagkain," sagot ko.

"Masarap? Pero 'di mo ginagalaw." Tinuro niya ang pagkain ko na wala pa talagang bawas.

Ngumiti lang ako at nag - umpisang kumain.

"Okay ka naman sa work mo?" Tanong pa niya.

Sunod - sunod ang tango ko. "Okay naman. Maayos naman doon. Maayos silang makisama," naisip ko ang may - ari. Si Mr. Velasco. Naalala ko ang ginawa niyang pumunta siya sa presinto. Talaga nga kayang kaya niyang ipakulong ang sarili niya?

"Liv, you're not here." Nakangiti si Xander sa akin.

Kumunot ang noo ko sa kanya. "Anong i'm not here? Andito ako." Natawa ako sa sinabi niya.

"Your mind is somewhere else. Halatang may iba kang iniisip. May problema pa ba? I know sa hospital bills ni Aling Garing wala na. It's been settled."

"Wala. Wala naman. Nakapanibago lang kasi sa trabaho. Hindi pa rin ako makapaniwala na may maayos na akong trabaho ngayon." Halata ba akong may ibang iniisip?

Magsasalita pa sana si Xander ng biglang parang nagkandahaba ang leeg niya na parang may tinatanaw. Tapos ay bigla itong tumawa.

"Trav!" Bahagya itong tumayo at kumaway sa kung kanino. Tama ba ang narinig ko? Trav ang tinawag niyang pangalan? Nilingon ko ang tinawag niya at bigla na namang kumabog ang dibdib ko ng makilala ko iyon.

Si Mr. Velasco!

Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa gawi namin tapos ay nagliwanag ang mukha ng makita si Xander. Bigla ring sumeryoso ng makita ako doon.

Huwag na sana siyang lumapit.

Pero heto at nasa harapan na namin siya.

"Trav, what are you doing here? You're by yourself?" Tanong ni Xander. Tahimik lang akong nakatungo at nakatingin sa pagkain ko.

"I was just going to buy some take out for my dinner. You know. Mag - isa lang naman ako sa bahay and I told Manang not to cook for me anymore." Sagot niya. Palihim ko siyang tinapunan ng tingin at nakatingin lang naman siya kay Xander.

"Come on. Dito ka na. Join us. Para naman hindi malungkot ang dinner mo mag - isa," sabi ni Xander at itinulak ang isang upuan para makaupo si Mr. Velasco.

"It's okay, bro. I'm cool. I don't want to ruin your date," sagot niya. Pagtingin ko ay seryoso na siyang nakatingin sa akin kaya mabilis akong nag - iba ng tingin.

"Of course not! Halika na." Bumaling sa akin si Xander. "Okay lang naman 'di ba Liv? Trav is going to join us?"

Makakatanggi ba ako? Sino ako para mag - inarte sa harapan ng may - ari ng kumpanyang pinapasukan ko?

Tumango na lang ako at muling yumuko.

Umupo na si Mr. Velasco sa harap ko at hindi ko alam kung paano ako gagalaw sa harap niya. Pero bakit ba ako mahihiya? Kung meron man dapat mahiya, siya iyon. Dahil siya ang may ginawang masama sa akin.

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEWhere stories live. Discover now