• twenty five •

65K 1.3K 80
                                        

Pasensiya na sa matagal - tagal na update.  Marami lang talagang ganap sa buhay ko ngayon.  Inaayos ko kasi ang ibang mga stories na isi - share ko din sa Mechanic Lady's website.  Puwede kayong mag - member din doon para mabasa 'nyo ang mga revamped na stories ko.  Doon kasi magdadagdag ako ng chapters sa mga stories kong ipapasa.  Will post more details soon.

Support 'nyo pa din ako doon guys ha? 😘

- ❤️ H. Mendoza

—————-\\\\\

Liv's POV

Pakiramdam ko ay nanginginig ang kamay ko habang umiinom ako ng tubig.  Tama ba ang narinig kong sinabi ni Sir Travis?

I like you a lot.  And I want you to be mine.

Paulit - ulit iyon sa isip ko.  Hindi ko marinig ang sarili kong paghinga sa lakas ng kabog ng dibdib ko.  Panaginip lang yata 'to.

"Liv."

Natatarantang tumingin ako kay Sir Trav at nakatingin lang siya sa akin.  Kitang - kita ko sa mukha niya ang pag - aalala.

"Say something." Napabuga siya ng hangin.  "I know this is a long shot.  After what happened to us, after what I did, I know it is very hard for you to believe with what I am saying."  Bahagyang napa - ehem si Sir Travis.  "You don't know how much courage I gathered just to sit in front of you now."

Totoo kaya ang mga sinasabi niya?  Ako?  Gusto niya?  Bakit?  Paano?  Ako talaga?  Ang layo ko sa mga babaeng bagay sa kanya. 

"S - sir -"

"Please Liv, kung ayaw mo man sa akin, just call me Travis at least?"

Ano ba ang sasabihin ko?

"Liv, I am not doing this para lang malinis ko ang pangalan ko sa iyo.  I am not doing this for you to forgive me.  I am doing this because that is what I feel for you.  You don't know those sleepless nights that I had just thinking of you."

Hihimatayin na yata ako sa mga sinasabi ni Sir Travis.  Hindi ko maintindihan pero parang nagtatatalon ang dibdib ko sa kilig at sa tuwa. 

"A - ako talaga?" Paniniguro ko.

Ngumiti siya.  Panginoon ko.  Huwag naman niya akong ngitian ng ganito kasi lalong naglululundag ang puso ko sa kilig.

"The first time I saw you, I know there was something.  We just started on the wrong foot and I want to make it right this time.  I like you a lot Liv.  Kung hindi ko pa sasabihin baka araw - araw 'nyo na akong makitang nagwawala sa office."

Natawa ako at napakagat - labi.

"There.  At least your smiling at me." Nakangiti ring sabi niya.

"Okay.  I know until now malabo mo naman na paniwalaan ang sinasabi ko.  But at least alam mo na and alam mong sincere ako." Napahinga siya ng malalim.  "But, what if nagkakilala tayo sa ibang pagkakataon?  I mean you didn't steal from me and I didn't do that to you.  May pag - asa ba ako?"

"Sir, alam ko naman na hindi ka masamang tao.  Nakikita ko naman na totoong mabait ka.  Siguro, sa ibang pagkakataon -"

"Sa ibang pagkakataon puwedeng maging tayo pero ngayon hindi.  Malabo.  Kasi hindi mo pa rin ako napapatawad," putol niya sa sinasabi ko.  Kita ko ang paglatay ng lungkot sa mukha ni Sir Travis.  Napahinga siya ng malalim at inubos ang laman na wine ng baso niya.  "I hurt you that much 'no?  I was stupid that I did that.  If only I could turn back the time wala siguro ako sa sitwasyong ganito."

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEWhere stories live. Discover now