• twenty - two •

61.6K 1.4K 83
                                    

- medyo natagalan ang update ngayong araw. Kasi busy si author. Kasi nakipagmeet sa isang publisher. Kasi na - recognize niya ang mga gawa ko at hanggang ngayon kinikilig ako. I'll keep you posted about this new venture guys. Maraming - marami salamat sa patuloy na pagsuporta. Para sa inyo susulat pa ako ng marami.

- H. Mendoza ❤️

Travis' POV

Nakatingin lang ako sa pintong dinaanan ni Liv. Nang maisara niya ang pinto ay napasandal ako sa kinauupuan ko at napapikit. Wala akong tulog dahil hindi rin ako pinatulog kakaisip kay Liv. Ngayong nagdesisyon na akong umiwas, nandito naman siya at reliever ni Tine. Ano ba 'to? Talaga bang papahirapan ako?

May kumatok at ng mabuksan ang pinto ay naipagpasalamat kong si Jackie iyon.

"Sir, the conference room is ready. Your visitors are at the lounge waiting."

Tumango ako. "Pakihatid mo sa conference. Susunod na ako."

Damn. Hindi ako pinahirapan ng ganito noon ni Ellie. Pero ngayon, para ng sasabog ang ulo ko sa kakaisip kay Liv at ang nakakainis, wala talaga akong magawa.

Painis akong tumayo at binitbit ko ang mga papeles na kailangan ko sa meeting. Naabutan ko si Jackie na nasa labas at may kausap sa telepono. Siguro inaayos ang mga pagkain. Pagpasok ko ay naroon na ang limang bisita. Tatlong Japanese national, si Hans at si Carlo. Naroon din si Liv na abala sa pag - lalagay ng mga kailangang papeles sa mesa. Napakunot ang noo ko kasi nakikita ko ang isang Hapon na panay ang tingin kay Liv. Kahit saan pumunta si Liv ay sinusundan niya ng tingin. Bahagyang yumuko si Liv dahil may nahulog na kung ano at nakita kong pilit na sinisilip ng Hapon ang bandang dibdib ni Liv.

'Tang ina netong manyakis na 'to. Parang gusto kong dukutin ang mata.

"Trav, we can start now." Narinig kong sabi ni Hans.

Tumingin ako sa kanya at nakatingin sila lahat aa sa akin.

"Okay ka lang?" Tanong ni Carlo.

Tumango lang ako.

"I would like to introduce our Japanese friends. This is Mr. Akihito Yamamoto, Mr. Daishi Tanaka and Mr. Genzo Watanabe. They are all from Minato-ku Realty." Pakilala ni Hans.

Genzo Watanabe. Iyon pala ang pangalan ng animal na manyakis.

Lumabas naman na si Liv at nag - umpisa na kaming mag - discuss ng mga proposals for the business. All is good. Malaking company ito and they are willing to invest millions just to merge with our company together with LES Constructions. Dapat kasama si Les dito kaso nga nasa honeymoon pa si gago kaya ito munang mga minions niya ang pinadala.

Konting explanation pa at konting push sa ganda ng economy ng bansa, agad na nagpirmahan kami ng kontrata. It is a one hundred million dollar deal. Sa tagal kong nagtrabaho kay Ignacio Buencamino, alam ko na ang pasikot - sikot sa pagko - close ng ganito kalalaking deal.

Tapos na ang meeting namin at nag - uusap na lang kami kasama ang new business partner namin ng pumasok si Liv na may dalang snacks. Agad na tumalim ang tingin ko sa Genzo na iyon dahil talagang sa tingin pa lang niya ay minamanyak na niya si Liv.

Lahat kami ay nilagyan ng pagkain ni Liv at ng mapatapat siya kay Genzo ay nagsalita ang Hapon.

"What's your name pretty doll?" Pagaril ang pag - i - english nito. Hindi katulad ng dalawang kasama nito na magagaling mag - english.

Napipilitang ngumiti si Liv. "Liv."

"Pretty name just like you. Do you have a boyfriend Liv? Do you want me to be your boyfriend?" Nakangisi pa ito kay Liv at gusto ko na talaga siyang sugurin dahil halatang asiwa na si Liv sa kanya.

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEWhere stories live. Discover now