• eighteen •

67.7K 1.5K 153
                                    

- pwede ba namang matapos ang araw ng wala akong UD? kahit busy siyempre isisingit ko 'to. Mamahalin 'nyo na si Travis hahaha 😂

- H. Mendoza ❤️

—————-///////

Liv's POV

Grabe ang kabog ng dibdib ko ng pagharap ko ay narito si Mr. Velasco. Pero kakaiba, hindi kabang takot. Basta kinakabahan ako pero hindi ako natatakot. Hindi ko maipaliwanag. Ang bango niya. Lalaking - lalaki ang amoy. Ibang - iba ang aura niya kumpara sa mga nakaraan naming pagkikita. Noong una, galit na galit siya sa akin kaya ako natatakot sa kanya. Nitong mga nakaraang araw, kahapon, hindi naman siya itsurang galit. Worried. Iyon. Nag - aalala ang itsura niya. Pero ngayon? Parang ito ang totoong siya. Professional, mukhang suplado pero malakas ang dating. Tipong nakakatakot pa rin pero sa ibang paraan. Ewan. Hind ko maipaliwanag.

Bagay na bagay sa kanya ang suot na abuhing suit na binagayan ng itim na tie at itim na leather shoes. Well combed din ang buhok niya na bumagay sa pangahan niyang mukha. Halatang bagong shave din siya. Ngayon ko lang napansin, light brown pala ang kulay ng mata niya. Tapos ang kapal ng kilay niya saka ang pilik - mata niya makakapal din. 'Yung ilong niya bagay na bagay sa shape ng mukha niya. Ang tulis. 'Yung labi niya hindi naman makapal pero hindi rin manipis. Katamtaman lang na natural na mamula - mula.

Agad akong ang - iba ng tingin ng tumingin siya sa gawi ko.

"Jackie, Doctor Romero and his staff will assist us in distributing our tokens for the patients," sabi ni Mr. Velasco. Malapit siya sa akin kasi katabi ko si Miss Jackie. Nakakaasiwa pa din at hindi talaga ako makatingin sa kanya. Pero hindi rin naman niya ako tinitingnan. Ramdam kong umiiwas din siya sa akin.

Agad na kumilos sila Miss Jackie. Sumunod kami sa mga staff ni Xander at dinala kami sa isang kuwarto kung nasaan ang ibang mga cancer patients. Ito ang kuwarto noon ni nanay. Puno pa rin ang ward. Parang gustong bumigay ang dibdib ko. Madalas ako dito noon. Naaalala ko si nanay.

Napalunok - lunok ako para mapigil ko ang pag - iyak. Parang may nakabara na sa lalamunan ko habang tinitingnan ko ang mga pasyente na ang sasaya ng mukha dahil mayroon silang pagkain, mga regalo na matatanggap. Alam ko nga may cash pang ibibigay ang company para sa mga pasyente.

"Ibang klase tong si Sir. Basta may maisipan kailangan masunod agad. First time itong ginawa ng company," bulong sa akin ni Carmi. Nasa isang sulok lang kami at pinabayaan lang namin ang mga boss namin na humarap sa mga pasyente. Nakikipagkamay. Nagpapapicture.

"Talaga?" Siguro kung buhay si nanay at mayroong mga ganito, matutuwa iyon. Mababaw ang kaligayahan ng nanay ko.

"Oo. Although alam ko merong mga foundations na annually tinutulungan pero first time itong talagang sumama pa si Sir at personal siyang humaharap. May pagka - suplado 'yan." Sabi pa niya.

"Mukha naman." Maikli kong sagot. Nakita kong isa - isang pinapakilala ni Xander ang mga pasyente kay Mr. Velasco at kita kong seryoso naman na nakikinig si Mr. Velasco sa mga pasyente.

"Kasi brokenhearted." Natawa pa si Carmi.

Dapat lang naman talaga siyang iwan ng babae dahil impakto siya. Gusto ko iyong isagot kay Carmi.

"Atin lang 'to ha? Narinig ko lang na kuwentuhan 'nung secretary niya. Alam mo ba na nadawit sa eskandalo 'yang si Sir. 'Yan si Sir Travis. Pumatol daw sa may - asawa. Gustong - gusto 'nya kasi 'yung girl. Mahal na mahal niya. Eh, kaso mo nahuli silang magkasama sa kama. May nag - video."

Tumingin ako kay Carmi. Nakuha niya ang atensiyon ko.

"Eskandalo? Video?" Paniniguro ko.

"Oo. Grabe. Kalat na kalat 'yun. Binugbog 'yan 'nung asawa ng babae. Bestfriend niya 'yung asawa. Pero lumabas din ang totoo na planted pala 'yun. Wala talagang nangyari. Meron lang gumawa noon para masira sila. Sobrang mahal lang niya 'yung babae at talagang tinulungan niya. Pero siguro alam niyang waley pag - asa kaya move on na si Sir. Akalain mo ha? May sariling company ang pamilya nila pero nagtiyaga siyang assistant 'nung daddy ng babae. Ganda ni girl 'di ba?" Napairap pa si Carmi.

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEWhere stories live. Discover now