• eleven •

71.9K 1.6K 77
                                        

Sulit na sulit ha? 😊

Liv's POV

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob ng harapin ko ang walanghiyang lalaking iyon. Panay ang pahid ko ng luha habang naglalakad ako pauwi sa amin. Dinayo ko lang talaga siya para isoli ang mga basura niya. Hindi ko na iyon kailangan. At taas - noo akong makakaharap sa kanya dahil ibinalik ko iyon ng walang kulang. May sobra pa nga. Puwede pa niyang ibenta ang mga chemo drugs na nandoon. Kumita pa siya.

Kapal ng mukha. Bumalik na pera niya sobra pa tapos ako, eto. Namatayan na ng nanay, nababoy pa. Paano ba ako babangon ng ganito? Hindi ko alam kung paano magsisimula. Parang wala ng silbi ang pagta - trabaho dahil wala na ang taong pinagsusumikapan kong mabigyan ng magandang buhay.

Naabutan ko si Amy na inaayos ang mga bulaklak malapit sa kabaong ni nanay.

"Saan ka ba nagpunta?" Tanong niya.

"Dumaan ako sa mall. Nagpasa ako ng resignation letter."

Gulat na tumingin sa akin si Amy.

"Ano? Anong ginawa mo?"

"Nag - resign na ako. Ayoko na magtrabaho. Ano pang silbi? Saka pinuntahan ko 'yung Travis Velasco. Isinoli ko na ang pera niya." Dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig.

"Liv, ano ba ang sinasabi mo? Pinuntahan mo 'yung CEO? Buti hindi ka pinahuli?"

"Ibinalik ko naman ang pera niya. Bakit niya ako ipapahuli? Tapos na iyon. Wala na akong utang sa kanya. Bayad iyon lahat." Matigas na sagot ko.

"Liv, alam kong masakit ang pagkawala ni nanay pero huwag ka namang ganyan. Nagagalit ka eh. Galit ka. Tanggapin natin 'tong nangyari. Hirap na rin si nanay. Madalas niyang sabihin sa akin tuwing pupuntahan ko siya na gusto na niyang magpahinga at ayaw na niyang maging pabigat sa atin."

"Sinasabi niya 'yun sa 'yo? Bakit sa akin hindi? Ayaw mamatay ni nanay dahil gusto pa niya tayong makasama ng matagal. Magta-trabaho pa ako para mabigyan siya ng magandang buhay." Napaiyak ako. Hindi ko alam kung anong mga sinasabi ko. Kasi nagagalit talaga ako. Pakiramdam ko aping - api ako ngayon. Parang agrabyadong - agrabyado ako. "Namatay si nanay dahil sa kagagawan ng hayup na 'yon."

Kumunot ang noo ni Amy sa akin.

"Ano? Sino? Liv, may nangyari ba sa 'yo?"

Nagulat din ako sa nasabi ko at mabilis akong umiling.

"Magpapahinga muna ako." Paalam ko sa kanya pero sinundan ako ni Amy.

"Olivia, meron ka bang hindi sinasabi sa akin?"

"Wala." Napahinga ako ng malalim at humarap sa kanya. "Ginawa ko lahat, eh. Lahat ng kaya kong gawin pero 'yan pa rin ang nangyari kay nanay."

"Walang may gusto nito. Wala tayong magagawa kung hanggang dito na lang ang buhay ni nanay. Liv, nagiging unreasonable ka. Hindi ka ganyan."

Hindi ako sumagot.

"Kung okay sa 'yo, ipapa - cremate na natin si nanay sa makalawa. Wala na naman tayong hinihintay."

Tumango lang ako.

"Saka nagsabi si Dr. Romero na siya na ang sasagot para sa cremation ni nanay. Tapos 'yung utang sa ospital siya na rin daw ang magva - vouch para sa atin, na magbabayad tayo kahit paunti - unti."

Parang medyo gumaang ang pakiramdam ko sa narinig ko.

"Mukhang matindi ang tama sa 'yo." Natatawa na ngayon si Amy.

"Sino?" Taka ko.

"Si Dr. Romero. Panay ang tawag sa akin. Kunwaring nangangamusta tungkol sa burol ni nanay pero and ending ikaw din ang kakamustahin."

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEWhere stories live. Discover now