• four •

77.9K 1.4K 31
                                        

Liv's POV

Kagat - kagat ko ang mga kuko ko habang nakatingin ako sa mga nakalatag na id's sa kama ko. Ang dami. International id's, local government id's, company id.  Napangiwi pa ako ng muli kong mabasa ang pangalan sa calling card na ibinigay sa akin ng lalaki.

TRAVIS PAOLO G. VELASCO.

CEO. Velasco Realty Inc.

Naroon din sa kama ang ibang laman ng wallet niya. Two thousand two hundred US dollars at five thousand three hundred na Philippine money.

Kahit malaking halaga ng pera ang nasa harap ko ay hindi ko makuhang magsaya. Hindi ako pinalaking magnanakaw ng nanay ko pero sa pagdating ng kagipitan, talagang kahit na sino ay makakagawa ng mali.

Kailangan ko ng pera at mayroon na ako ngayon. Iyon ang mahalaga. Hindi na importante kung saan at sa paanong paraan ko iyon nakuha basta mayroon na akong pera. Mayroon na akong pambayad sa ospital. Mayroon na akong pambili ng gamot at pang - chemo para kay nanay.

Dinampot ko ang driver's license ng lalaking may - ari ng wallet. Kahit naman sagad hanggang buto ang kaba ko kagabi, sigurado akong guwapo siya. At hindi nga ako nagkamali. Ngayong tinitingnan ko ang litrato niya sa id, talagang guwapo siya. Panlalaki ang shape ng pangahang mukha na tila nagpapakita ng authority, matangos na ilong, deep set na mga mata na binagayan ng makakapal na kilay.

"Sorry. Ibabalik ko naman ito. Uutang lang ako pero babayaran ko." Para akong tanga na nakikipag - usap sa id.

"Alam kong galit ka. Nagsinungaling ako. Pero hindi ako masamang tao. Gipit na gipit lang talaga ako. Sana maintindihan mo ha? Pangako babayaran ko ang halaga ng makukuha ko sa wallet mo."

Hindi ko na nakuhang imisin ang mga nakalagay sa kama ko ng pabiglang bumukas ang pinto ng kuwarto. Tuloy - tuloy na pumasok doon si Amy at pabalibag na inilagay sa isang gilid ang dalang bag.

"Nakakapagod!" Bulalas niya at pabagsak na humiga sa kama. Nagmamadali kong inimis ang mga pera at mga id's.

"Ano ba 'to?" Takang sabi ni Amy at bumangon at tiningnan kung ano ang nahigaan niya at kinuha. Iyon ang wallet na nakuha ko. Taka siyang tumingin sa mga iniimis ko.

"Liv, ano 'to?" Taka niya.

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.  Inagaw niya ang mga id na hawak ko at tiningnan iyon.

"Kanino 'to?"

"Amy, sorry. Wala na akong ibang maisip na paraan para matulungan ko si nanay. Ibabalik ko naman 'yan. Desperado na lang talaga ako," naiiyak na ako ng magsabi ng totoo sa kanya.

"Olivia naman. Hindi tayo pinalaki ni nanay ng ganito. Gumagawa din naman ako ng paraan 'di ba? Hindi mo kailangang magnakaw," parang pinagsakluban ng langit at lupa ang itsura ni Amy.

Napayuko lang ako at tuluyan ng napaiyak. Alam kong mali ang ginawa ko pero nandito na 'to. Wala ng atrasan. Papanindigan ko na lang.

"Sorry talaga Amy. Ayoko naman gawin 'to pero ayokong may masamang mangyari kay nanay." Humihikbing sabi ko.

"Kailangan nating isoli ito. Ayan ang id's. Puntahan natin. Sasabihin natin na nahulog. Napulot mo."

Umiling ako. "Hindi ako puwedeng humarap sa kanya."

"Bakit?"

"Nagpanggap akong prostitute tapos nilagyan ko ng pampatulog 'yung wine niya kaya ko nakuha 'yan." Yukong - yuko ang ulo ko.

"Diyos ko Olivia! Ano ba itong pinasukan mo?"

"Ibabalik ko naman talaga, eh. Kumbaga uutangin ko lang pero babayaran ko. Amy, intindihin mo ang kalagayan ni nanay. Ikaw nga na hindi mo siya tunay na nanay gumagawa ka ng paraan 'di ba? Eh 'di lalo na ako. Anong silbi ko bilang anak kung hindi ko siya matutulungan?" Pinipilit kong ipaintindi sa kanya kung bakit ko nagawa ito.

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEOnde histórias criam vida. Descubra agora