• thirty three •

60.9K 1.1K 58
                                        

Liv's POV

Mabilis akong lumayo kay Travis ng marinig ko ang sinabi niya. Nagtalsikan pa ang tubig sa biglang paggalaw ko. Nakatingin lang siya sa akin. Seryoso ang mukha. Halatang hinihintay ang sagot ko.

"Ano? Ano ba ang sinasabi mo?" Wala na akong pakielam kung nakalabas man ang boobs ko sa harapan niya.

"I'm asking you. Will you marry me?" Inulit lang niya ang sinabi niya kanina.

"Teka." 'Tang ina. Nahilo 'yata ako bigla sa tanong ni Travis. Nasisiraan ba ng ulo 'to?

"What is wrong? Walang masama sa tanong ko Liv. Mahal kita at gusto kitang makasama habambuhay. That's why I want to marry you." Kaswal na kaswal na sabi niya.

Nababaliw ba talaga ang lalaking ito? Parang kung anong bagay lang ang sinasabi niya.

"Liv, we both feel the same way. I can feel that you love me too. So, wala akong nakikitang problema."

"Hindi ganoon kadali 'yun. Teka nga. Huwag ka munang magsalita. Nag - iisip ako," natataranta ako.

Natawa si Travis. "Kailangan mo talagang pag - isipan?"

"Teka! Huwag ka ngang makulit!"

Lalong humalakhak si Travis sa reaksyon ko.

"Nakakatawa sa 'yo 'to? Alam mo ba ang sinasabi mo? O baka high ka?"

"I am serious, Liv. Gusto kitang pakasalan. Kahit ngayon."

"Hindi ganoon kadali iyon. Iilang linggo pa lang tayong nagkakilala. Hindi pa maganda ang naging paraan ng pagkakakilala natin. Ilang araw pa lang tayong mag - syota. Tapos kasal na ang sinasabi mo?" Literal na parang nahihilo talaga ako.

Sumeryoso na ngayon si Travis.

"Kailangan ba ng mahabang panahon para mo masabi na mahal mo ang isang tao at gusto mo ng pakasalan? Iyon ba ang panuntunan mo?" Napahinga siya ng malalim. "Ako kasi, basta mahal ko, susugalan ko 'yun."

"Hindi mo pa nga ako kilala. Travis naman. Hindi ganoon kadali iyon."

Napahinga siya ng malalim at inis na umalis sa bath tub. Nagtapi siya ng tuwalya at naupo sa nakasarang toilet seat.

"Bakit? 'Yung bang mga matatagal nagsama bago nagpakasal kilalang - kilala na nila ang mga asawa nila? Kahit ano ka, ano ang nakaraan mo, mamahalin kita. Tatanggapin ko lahat. Naghihilik ka matulog? Tumutulo laway mo pag natutulog ka? Malakas kang kumain? Wala akong pakielam. Lahat ng flaws mo, mas mamahalin ko."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Tumayo si Travis at tumalungko sa harap ko. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.

"I never felt this feeling before. Kahit kay Ellie. Alam ko sa sarili ko, sigurado akong ikaw ang mamahalin ko habambuhay. Mahal na mahal kita Liv."

Hindi ko namalayan na tumulo na ang luha ko pero napapailing ako.

"Hindi pa ako handa. Saka paano kung malaman ng mga tao ang ginawa ko sa 'yo? Malalaman nila, pakakasalan mo ang isang magnanakaw?"

Mahinang napamura si Travis.

"Iyon lang ang dahilan mo? Wala na nga akong pakielam doon." Naiinis na siya.

"Ikaw wala. Pero paano 'yung mga taong makakaalam?"

"Sino naman ang makakaalam? Wala naman. Tayong dalawa ang nakakaalam sa nangyaring iyon." Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan niya ako. "I just want to marry you."

Napahinga ako ng malalim.

"Puwede bang mag - isip muna ako?"

Napabuga ng hangin si Travis at itsurang sumuko na tapos ay tumango - tango.

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora