• twenty seven •

62.2K 1.3K 106
                                    

Ayan ha? Bawing - bawi. 😘

Liv's POV

Walang imik si Travis habang nagmamaneho siya. Seryosong - seryoso at hindi man lang ako tinitingnan. Ayoko naman magsalita kasi hindi ko rin alam ang sasabihin ko.

"Your phone is off. I can't reach you earlier," sabi niya.

"Hindi ko pala nai - charge kagabi," sagot ko. Sasabihin ko rin ba na kasi magdamag ko siyang inisip kaya nakalimutan ko na ang pagcha - charge ng telepono?

"I was worried. I thought something might happen to you," malamig pa ring tugon niya.

"Pasensiya na." Iyon na lang ang nasabi ko.

"Why were you late?"

"Dumaan kasi ako sa ospital kanina dahil tumawag ang billing na may kailangan pa akong pirmahan. Papasok na ako dito tapos nasiraan naman 'yung jeep na sinasakyan ko."

"And then you called Xander para ihatid ka dito?" Halata ang inis sa boses niya.

"Hindi." Kuntodo ang iling ko. "Hindi. Papasok na siya sa ospital tapos nakita niya akong nag - aabang ng masasakyan kaya nag - offer siyang ihatid ako."

"Why didn't you call me?" Bahagya ng tumaas ang boses niya.

"Dead batt nga ako, eh." Bakit ba siya naiinis?

Mahina siyang nagmura at painis na iniliko ang sasakyan sa isang kalsada.

"'Di sana nakitawag ka sa kanya."

Napahinga ng malalim si Travis.

"Sorry. I was worried. I thought something bad happened to you. Did you eat breakfast?"

Umiling ako.

"Kaya mo pang tiisin? Another hour for the travel?"

"Uminom naman ako ng gatas"

Tumango - tango siya.

"You didn't bring the breakfast that I prepared?" Tanong pa niya.

"Breakfast? Saan?" Taka ko.

Sumama na naman ang mukha ni Travis.

"Inihatid ka lang kasi ni Xander nakalimutan mo na lahat."

"Nagmagandang loob lang naman siya. Saka dati na naman niya iyong ginagawa. Wala naman sigurong masama doon." Katwiran ko.

"Nagseselos ako, eh." Napataas ang boses ni Travis. "I should be the one doing that. I should be the one to help you if you are in trouble. Hindi kung sino - sinong lalaking nakakasalubong mo."

Parang nawala yata ang kaba na nararamdaman ko. May ngiting gustong sumilay sa bibig ko pero pinilit kong pigilin. Nagseselos siya. Kinikilig naman ako.

Hindi na nagsalita si Travis at ganoon na rin ang ginawa ko. Halata talagang masama ang loob niya dahil sa nangyari. Nagseselos siya kay Xander? Totoo kaya talagang gusto niya ako? Mukha naman siyang hindi umaarte.

"Sorry if I am acting like a crazy jealous boyfriend. Wala nga naman pala tayong label. Nanliligaw pa lang ako at wala akong karapatang magselos sa ibang manliligaw mo. It's still your choice kung sino ang pipiliin mo," mahinang sabi niya. Nanatiling nakatutok ang mata sa kalsada. "Akala ko lang kasi malaki ang advantage ko, eh. Because of what you said last night."

"A - anong sinabi ko?"

"You said I don't need to worry. Kasi mas lamang ako."

"Totoo naman. Mas lamang ka."

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEWhere stories live. Discover now