• five •

74K 1.7K 117
                                    

Travis' POV

Nakatitig lang ako sa mga kopya ng cctv footage na ibinigay sa akin ng hotel.  Nakita ko doon kung paano kami pumasok ng babae at mga ilang sandali pa ay lumalabas na siyang mag - isa. 

Napangiwi ako sa inis at inilayo sa akin ang mga iyon.  Anong gagawin ko dito?  I don't even know the name of that witch.  Dinampot ko ang telepono at tinawagan ang secretary ko.

"How's my id's?"

"Sir, 'yung driver's license 'nyo nandito na and the company id.  'Yung ibang government id's na lang ang still on process."

"Hindi pa ba tumatawag si Jacob Ramirez?"

"Hindi pa Sir.  You want me to call him?"

"Huwag na.  Hindi naman sasagot sa 'yo 'yan.  Sige."

Muli kong tiningnan ang mga litrato at pinagmasdan maige ang babae.  Who would have thought that this woman is evil?  Parang birhen ang mukha sa ganda pero magnanakaw.  Nabubuhay na naman ang galit sa dibdib ko. 

Tumunog ang telepono ko at agad kong sinagot ng makita kong si Jacob ang tumatawag.

"Thank god at nakaalala kang tumawag.  Any news?" Iyon agad ang bungad ko sa kanya.

"Bakit ba masyado kang mainit sa babaeng 'to?  How can I get news about her kung ang tanging alam ko lang ay ang pangalan niyang Lianne and we both know that it is not her real name."

"Kaya ka nga imbestigador 'di ba?  Lahat ng imposible nagagawa mo.  And that's what I'm paying you to do."

"Velasco, PI ako hindi ako magician." Natawa si Jacob.  "Are you worried about your id's?  Credit cards?  Money?  Your people can do something about it.  And hindi mo naman siguro iindahin ang halaga ng perang nawala sa 'yo.  Or is it really about your wallet or something else?"

"Fuck you Jacob.  What do you mean?"

Natawa siya.  "I mean I think this is about you.  Your bruised male ego.  You cannot accept that someone, some girl took advantage of you."

Hindi ako nakasagot kasi natumbok talaga ni Jacob ang dahilan ko.

"Kahit ano pa.  I want her to be found.  She stole something from me.  Kahit maliit na halaga iyon, nagnakaw pa rin siya and she needs to pay for it.  Kahit isang buwan sa kulungan para magtanda."

"Talagang tutuluyan mo?"

"Yes!  Para wala na siyang maloko at manakawan pa.  Ang galing niyang umarte.  She really made me believe that she needed my help."

"Trav, naninibago ako sa iyo.  Hindi ka naman ganyan ah.  You are the most sensible person I know.  Maliit na bagay lang 'to.  Why don't you just let this pass."

"People change Jacob.  At isa ako doon.  I am not going to be the pushover guy anymore."

"Wow.  So tough.  Kawawa naman si Lianne kapag natagpuan mo.  Well, I asked for a clearer copy ng cctv footage from the hotel para mas malinaw kong makita ang mukha niya.  Also the other thing that you were asking about Odessa Carreon.  I've searched for her and I ended up in Manila Memorial Park.  She's dead."

"What about her daughter?"

"According to her old hospital report, she really did gave birth to a female baby.  Walang balita kung saan napunta ang bata pero nakapag - asawa siya ng isang mayamang negosyante.  They had no kids."

"Buhay pa ba 'yung napangasawa niya?"

"I know you'd ask that.  Yes but also sick.  I talked to him and wala daw ibang kamag - anak o kaibigan si Odessa Carreon.  Pero bago daw mamatay iisang pangalan lang ang binabanggit niya.  Margarita Solomon.  We are currently looking for this woman.  Maybe she can help us to find the sister of your ex - girlfriend."  Natawa pa si Jacob ng sabihin iyon.

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEWhere stories live. Discover now