• twenty - three •

63K 1.5K 68
                                    

Happy ❤️'s day!!! 😘😘😘 love you all guys.

- ❤️ H. Mendoza

Liv's POV

As usual, bago ako ihatid ni Xander pauwi, nagyaya muna siyang kumain ng dinner. Galit na galit siya sa nalaman niyang binastos ako ng isa sa mga Japanese investor nila Sir Travis. Pero sa totoo lang, hindi ko na nga iniinda 'yun. Okay na. Natapos na. Nabugbog na nga at na - ospital pa. Sobra - sobrang karma na niya 'yon.

Mas nag - aalala pa ako sa puwedeng mangyari sa business deal ni Sir Travis. Alam kong dahil sa nangyari, maapektuhan talaga ang negosyo nila. Kaya siguro simangot at mukhang aburido na siya kanina ng dumating si Xander.

"Wala ka na naman dito." Komento ni Xander.

Ngumiti lang ako at umayos ng upo. "Medyo nakaka - trauma lang kasi 'yung nangyari." Iyon na lang ang sinabi ko.

"Oo naman. Kahit naman ako narinig ko lang ang kuwento ng nangyari, nag - init agad ang ulo ko. Kaya hindi mo masisisi si Travis sa ginawa niya. That asshole deserve it." Kumutsara siya ng kanin at isinubo iyon.

"Pero dahil sa nangyari affected naman ang business deal nila."

"'Yun ba ang wino - worry mo?" Natawa si Xander. "Travis is an experienced businessman. Kayang - kaya niya iyan lusutan." Tumunog ang telepono ni Xander. Kumunot ang noo niya at napailing ng makita kung sino ang tumatawag. "I'll just answer this. The hospital is calling."

"Makakauwi ako mag - isa Xander. Kung kailangan mo ng bumalik ng ospital, kaya ko naman mag - isa." Sagot ko sa kanya.

"No. Intayin mo ako. Sasagutin ko lang ito." Tumayo na siya at naglakad palabas ng restaurant.

Lumabi ako at nilaro - laro ang pagkain ko. Sigurado na naman ako na hindi na babalik si Xander. Ilang beses na ba niyang ginagawa ang ganito sa akin? Mabait lang talaga 'to kaya pinapabayaan ko lang kung gusto niya akong sunduin, nagyayaya kumain. Magkaibigan naman kami. Saka hindi naman nagtatapat ng pag - ibig niya at tingin ko wala naman talaga. Parang pagkakaibigan lang talaga ang gusto niya. Hindi naman ako umaasa kasi wala naman talaga akong nararamdaman sa kanya.

Tumunog ang telepono ko at si Xander ang tumatawag sa akin. Alam ko na. Nagsasabi na siya na hindi na siya makakabalik at kailangan na niyang bumalik ng ospital. Buwisit din 'tong si Xander. Sana dumiretso na lang ako ng uwi. Hindi na ako naabala pa dito.

Magdamag akong hindi nakatulog. Iniisip ko ang nangyari sa akin. Naaalala ko ang itsura ni Sir Travis. Nakakatakot talaga siya 'nung binubugbog niya 'yung lalaking nambastos sa akin. Akala ko talaga mapapatay niya. Tapos 'nung tinulungan niya ako ramdam kong talagang totoong nag - aalala siya sa akin.

———-/////

Kahit sinabi ni Sir Travis na puwedeng hindi ako pumasok ngayon ay pumasok pa din ako sa trabaho. Maaga ako sa opisina tulad kahapon. Kami na ni Carmi ang magiging substitute ni Tine dahil nga hanggang ngayon nasa ospital pa ang asawa niya.

Wala pa si Carmi? Nauna na naman ako. Diretso ako sa opisina ni Sir Travis para magligpit. Napangiwi ako sa nakita kong gulo ng kuwarto niya. Anong nangyari dito? Nakakalat ang mga papeles sa mesa. Nakasampay sa swivel chair niya ang suit jacket niya. Naroon din sa mesa ang isang bote ng nangangalahati na alak at isang baso. Hala. Nag - inom ba si Sir?

Napalingon ako ng makarinig ako ng parang may mahihinang paghinga. Nakita ko sa couch na naroon na natutulog si Sir Travis. Suot pa rin niya ang damit niya kahapon. Hindi ba siya umuwi?

Nilapitan ko siya at tulog na tulog siya sa couch. Itsurang aburido siya. Mukhang haggard. Kung ano ang nakita kong itsura niya ng umalis ako kahapon, iyon pa din ang itsura niya. Mas mukha nga lang worst kasi hindi man lang nakapag - ahit at naglalabasan na ang mga papatubong bigote at balbas sa mukha niya. Saka amoy alak siya. Siguro talagang iniisip niya 'yung nangyari kahapon. Pino - problema niya 'yung business deal nila.

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon