• thirty one •

62.7K 1.4K 111
                                        

Travis' POV

Panay ang pindot ko sa telepono ko. Patay pa rin ang cellphone ni Liv. Ellie's is not answering my calls. Nauubos na ang pasensiya ko. Nag - aalala ako kay Liv. Siguradong masama ang iniisip niya sa akin.

I dialled her number again. Still the same. Cannot be reached. Damn it!

Narinig kong tumunog ang elevator at sigurado akong si Ellie ang dumating.

"Geez, Ellie. I can't contact Liv -"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko. Hindi si Ellie ang dumating. Artista ba 'to? Model? Ang ganda - ganda ng babaeng nasa harap ko. Her yellow dress fit her body seductively. She is just looking at me at sa paraan pa lang ng pagkakatingin niya sa akin ay para na akong natutunaw.

"Liv?" Paniniguro ko.

"Pinapunta ako ni Ellie dito." Matipid na sagot niya.

Damn! This is Liv? What happened to her? Ibang - iba siya sa itsura niya kanina sa office. Sobrang ganda ng girlfriend ko.

Mabilis akong lumapit sa kanya pero hindi tuminag si Liv. Halatang galit pa rin sa akin.

"Baby, I am so sorry. I don't know what happened in the office but trust me. Hindi totoo ang mga sinabi ni Megan." I don't know if she is going to believe with whatever I am saying.

"Hindi totoo na hindi siya nakatira sa bahay mo?"

Napangiwi ako. "She stayed in the house pero hindi na siya doon tumutuloy ngayon. I can't send her out because she's my sister friend."

"At nakalimutan mong banggitin sa akin na may babaeng natutulog sa bahay mo?" Halatang pinipigil lang ni Liv ang galit niya.

"Okay. Alam kong mali ako doon. Hindi ko naman kasi inisip na big deal kasi wala naman kaming ginagawa. Besides, I don't stay in the house for long. Kung matutulog lang ako. Please, Liv. Believe me," nagmamakaawa ako sa kanya.

"Nakalimutan mo rin banggitin na nagsi - sex kayo? Iyon kasi ang press release niya."

Shit. Mababalian ko yata ng buto si Megan kapag nakita ko. She ruined everything!

"Liv, she was my past okay? Hindi pa kita kilala noon. Pero tapos na 'yun and believe me, walang nangyayari sa amin. Ikaw ang mahal ko." Kung sasabihin ni Liv ngayon na lumuhod ako sa harap niya, gagawin ko talaga.

"Niligawan mo lang ba ako para mapagtakpan mo ang ginawa mo sa akin?"

"What? Jesus Christ, Liv. Bakit mo naisip 'yan? Niligawan kita kasi mahal kita. Ganyan ka kawalang tiwala sa akin? Tingin mo niloloko lang kita?" Ipinakita ko talaga kay Liv na nasaktan ako sa sinabi niya.

Parang napahiya naman si Liv sa sinabi niya. Halatang nataranta ng makitang nasaktan ako sa sinabi niya.

"Siguro, hindi buo ang pagmamahal mo sa akin para maisip mong niloloko lang kita. Pinagsisisihan ko ang nagawa sa iyo. Pero hindi ko pinipilit ang sarili ko na mahalin ka para mapagtakpan ang ginawa ko." Napapailing ako. "Akala ko pa naman, ramdam mo."

"Hindi mo ako masisisi na hindi mag - isip ng ganoon. Lahat na lang ng tao sinasabi kung gaano mo kamahal si Ellie. Tapos may darating pang ibang babae. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko?"

Lalo akong lumapit kay Liv. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya at hindi naman siya pumalag. Lumakas na ang loob ko.

"Liv, you are the reason why I believe in love again." Hinalikan ko ang kamay niya. "I love you so much. Walang Ellie, walang Megan na puwedeng maghiwalay sa atin."

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon