• forty six •

134K 2.1K 345
                                    

Travis' POV

I wanted to clear my head about the thoughts of Liv kaya hatinggabi na ay dito ako bumabad sa opisina.  Dito na rin ako natulog.  I didn't bother to change my clothes.  Diretso na 'to hanggang mamayang gabi.

Pasado alas diyes na ako nagising.  Kinuha ko agad ang bote ng alak na may tira at ininom ang nalalabing laman.  I made sure that no one will bother me here.  Nagbilin ako sa secretary na huwag akong istorbohin.  Kunin lang ang lahat ng details ng tumatawag at ako na ang bahalang mag - return call mamaya.

Tumayo ako at tinungo ang banyo.  Kahit ako ay napailing sa nakita kong itsura ko sa salamin.  I am a fucking mess.  Ang kapal na ng balbas ko.  Nanlalalim ang mata.  Halatang haggard ang itsura.  Napahinga ako ng malalim at naghilamos at nagsepilyo.

Another day to conquer today.

Napakunot ang noo ko ng makarinig ako ng parang komosyon sa labas.  Napilitan akong buksan ang pinto at nakita kong nakikipagtalo si Carmi sa dalawang unipormadong pulis.

"Is there a problem?" Tanong ko.

"Kayo ba si Mr. Travis Paolo Velasco?" Tanong ng pulis.

"Yeah?  Why?" Alanganing sagot ko.

"Dinadakip namin kayo sa kasong rape.  Ito ang warrant of arrest para sa inyo." Ibinigay niya sa akin ang isang piraso ng papel.

Napahinga ako ng malalim at napailing.  She really hated me that much para buhayin niya ang kasalanan ko.  Kung ito ang makakapagpalubag ng loob ni Liv, sige.  Handa akong magpakulong.

"Let's go." Sabi ko at ibinalik ko ang papel sa kanila.

"S - sir.  Sir Travis, tatawagan ko ho ba si Attorney Garcia?" Halatang kinakabahan si Carmi.

"Don't bother.  Okay lang ako.  Call Jonathan and Les Samson.  Tell them to take over about the contract with the Japanese investors." Hinila ng isang pulis ang kamay ko at nilagyan ako ng posas.

"S - sir," naiiyak na yata si Carmi.

"I'll be fine.  Don't worry.  Gawin mo na lang ang sinabi ko." Sabi ko sa kanya.  Bahagya pa akong itinulak ng pulis para maglakad palabas.

Wala akong kibo.  Nakatingin ang mga empleyado namin habang escort ako ng mga pulis pasakay sa sasakyan.  Hindi na ako nahiya.  Wala akong pakielam kahit pag - usapan nila ako.  I just want this to be over.  Hindi ko lang matanggap na hindi ako mapatawad ni Liv sa nagawa ko at nakaya pa niyang gawin 'to.

Huminto kami sa isang lumang presinto.  Ipinasok ako sa loob ng kulungan.  This is not right.  I need to talk to my lawyer first pero pinabayaan ko na lang.

Tahimik lang akong nakaupo sa loob ng kulungan.  Nakayuko at iniisip ko ang mga nangyayari.  Nanghihinayang ako sa nangyari sa amin ni Liv.  Our love was put into waste dahil lang sa pagiging selfish ng ibang tao.

Nakarinig ako ng pagkakagulo sa labas.  Parang mayroon ding bagong huli.  Hindi na ako nag - abalang tingnan pa kung ano 'yun.  Basta babaeng naghihisterikal.  Ayaw pumasok dito sa kulungan.

"Teka! Hindi 'nyo ako puwedeng isama sa kulungan ng lalaki! Mali ito! Naku idedemanda kayo ng ate ko!" Narinig kong sigaw ng isang babae.

Natawa ako habang nakayuko at napapailing.  At least hindi ako nag - iisa dito sa kulungan.

Narinig kong nag - lock ang rehas na bakal.

"Ilabas 'nyo ako dito!" Sigaw pa ng babae.

Wait.  Her voice was familiar kaya nag - angat ako ng mukha para siguraduhin kung tama nga ang duda ko.

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEOnde histórias criam vida. Descubra agora