Liv's POV
Kahapon pa tumawag sa akin ang doktor ni nanay. Kailangan na niya talagang sumailalim sa operasyon para matanggal ang kanang suso niya na mayroong breast cancer. Pero hindi makakasapat ang suweldong kinikita ko bilang parking ticket attendant sa isang department store sa Makati. Sa dami ng kaltas mula sa agency, kulang na kulang ang take home pay ko.
Baon na ako sa utang mula sa mga kaibigan at mga kamag - anak. Halos wala ng gustong kumausap sa akin dahil tingin nila, sa tuwing makikita nila ako or tatawag ako sa kanila, lagi kong kailangang mangutang.
Ninety thousand ang hinihingi ng doktor sa akin pero unahin ko na muna daw ang pagbili ng chemo medicines ni nanay. Nasa trenta mil daw iyon kaya iyon muna ang uunahin kong bilhin.
Wala na akong alam na pagkukunan ko ng pera. Pero nagkaroon ako ng idea ng minsang kumakain ako sa mall at may makatabi akong dalawang magandang babae. Nag - uusap sila. Tungkol sa pagta - trabaho sa isang high end men's bar. AVA daw ang pangalan at dollar ang rate. Nalulula ako sa pinag - uusapan nilang kita. Trenta mil. Singkuwenta mil. Mga ganoon. Hindi ko alam kung saang lugar iyon pero base sa pagkakarinig ko, nagsasayaw sila. At 'yung isang babae ay nagpapa - take home pa. Narinig ko pa, hindi naman sila talagang empleyado doon. Ginagamit lang nila ang pangalan ng establishment para mas magka-interes sa kanila ang mga costumer nila. Sabi pa ng isa, kapag ayaw niya ng customer niya, nilalagyan niya ng pampatulog ang iniinom nito para makatakas siya at walang mangyari sa kanila.
Pumasok sa utak ko iyon habang pauwi ako. Desperado na ako dahil sa problema naming pinansiyal. Hindi ko puwedeng pabayaan si nanay. Kaming dalawa na lang ang natitira sa mundo saka si Amy. Matagal na kaming iniwan ni tatay. Kinakaya namin ang lahat ng hirap ng buhay. Nagsisikap ako para maibigay ko lahat ang pangangailangan niya. Pero itong pagsubok na ibinigay ng Diyos sa amin, parang hindi ko kakayanin ito kapag nawala si nanay. Kaya gagawin ko ang lahat madugtungan ko lang ang buhay niya.
Natutulog si nanay ng dumating ako sa ospital. Walong kama ang nasa kuwartong iyon at lahat ay may lamang pasyente. Tanging maninipis na kumot lamang ang tumatabing sa bawat kama. Nakangiti agad siya ng makita ako.
"Napakaganda ng anak ko. Saan ang lakad mo?"
Ang payat ni nanay. Hinaplos pa niya ang mukha ko tapos ay tiningnan ang suot ko.
"May pupuntahan lang ako 'nay. Inimbita ako ng isang kaibigan para sa isang trabaho. Mga dalawang oras lang tapos babalik na ako dito." Sabi ko sa kanya.
"Mag - iingat ka ha?"
Tumango ako at humalik sa noo ni nanay.
"Babalik ako 'nay. Pagbalik ko siguradong makapag - umpisa ka na ng chemo at maooperahan ka na. Pangako ko 'yan."
"Olivia, baka naman may ginagawa ka ng masama? Sinasabi ko sa iyo, kahit mamatay ako huwag ka lang gagawa ng masama."
Sunod - sunod ang iling ko. "Hindi 'nay. Hindi ako gagawa ng ikasasama ng loob mo."
Tumango lang si nanay. Muli akong humalik sa noo niya at umalis. Pinara ko ang unang taxi na dumaan sa harap ng ospital na hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Hindi ko nga alam kung saan ko matatagpuan ang AVA Entertainment Club na iyon. Sinearch ko sa google, sa bandang Makati daw. At 'pag dumating ako doon, anong gagawin ko? Wala akong kakilala. Alangan naman manghatak na lang ako ng lalaki at pilitin kong sumama sa akin?
Buo na kasi ang plano ko. Magpapanggap akong nagta - trabaho sa AVA. Maganda naman ako, smart at kaya kong gawin ito. Sinilip ko sa bag ang ilang tabletas ng sleeping pills na effective daw ayon sa napagtanungan ko sa botika. Na - research ko na lahat ang dapat kong gawin. Kabisado ko na ang gagawin ko. Tatayo ako malapit sa AVA at magpapanggap na nagta - trabaho doon. Paulit - ulit ko 'tong prinaktis.

YOU ARE READING
About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETE
RomanceShe kept on telling herself that it was just a one time deal. One decision that she needed to do to save her dying mother. A decision that she will regret for the rest of her life. ---- He knew that she shouldn't be trusted. She was a thief and a...