• forty •

57.9K 1.2K 73
                                    

Liv's POV

Sinusundan ko lang ng tingin si Ate Ellie habang bitbit niya ang anak niya at nagmo - monologue siya sa harap ko.  Kanina pa siya salita ng salita tungkol sa pamilya ni Travis.  Galit na siya kay Tonette pero lalo pa siyang nagalit ng malaman niya ang ginawa ng pamilya ni Travis.

"Anong akala niyang mga 'yan?  Akala mo naman mayamang - mayaman sila.  We can buy their entire company kahit magkano ang presyong sabihin nila." Gusto kong matawa kasi nakatitig lang si Eddie sa mommy niya na galit na galit talaga.

"Ate.  Okay naman si Travis.  Okay naman kami." Sagot ko.

"Pero hindi okay ang ginawa nila.  Dahil lang sa hindi ka nila matanggap para kay Travis itatakwil na siya?  Bakit?  Anong dahilan?  Dahil nagnakaw ka?  How much did you steal and I'll make it triple.  Babayaran ko sila."

"Karapatan nilang magalit kasi ginawa ko naman talaga." Nakayukong sabi ko.  "Nagnakaw talaga ako.  Kahit sinong magulang o kapatid aayaw talaga kung alam nilang may pangit akong nakaraan."

"Bullshit." Tinakpan pa ni Ate Ellie ang tenga ni Eddie para hindi marinig ang masamang sinabi niya.  "You didn't have a choice kaya nagawa mo 'yun.  And yet, Travis chose you."

"Pero naaawa ako sa kanya.  Mahal ko si Travis at natutuwa ako na ako ang pinili niya pero ano ang kapalit?  Ayokong magkasira sila ng pamilya niya at alam kong nahihirapan siya sa sitwasyong ito."

"Matigas ang ulo ni Travis.  Hindi iyan basta - basta madidiktahan ng kahit na sino.  Kilala ko 'yan.  Kapag nagmahal 'yan, ikaw lang." Lumapit sa akin si Ate Ellie at hinaplos ang mukha ko.  "Masaya ako para sa inyo ni Travis.  Kung anuman 'tong pinagdadaanan 'nyo, alam kong malalampasan 'nyo din ito.  We will help you.  He needs a job?  He can work in our company.  He used to work there.  He needs a place stay?  We will find him a place to stay.  Walang magiging problema."

"Salamat ate."

"Pero ikaw.  Anong plano mo?  Ayaw mo pa bang lumipat ng bahay para mas kumportable ka?" Parang natigilan si Ate Ellie sa sinabi niya.  "I didn't mean to offend you.  I have nothing against where you live.  And ibig ko lang sabihin para lang - Liv, this is who you are now.  You are a Buencamino and it is your right to have what I have."

"Okay lang ako doon saka si Travis doon din muna uuwi sa amin pansamantala.  Gustong - gusto na niyang magpakasal kami pero kung may problemang ganito sabi ko, saka na lang muna.  Gusto ko talagang magkaayos muna siya ng pamilya niya.

Napabuga ng hangin si Ate Ellie.

"Fine.  Kung iyan ang desisyon mo.  But you need to start to work.  You need to be familiarize yourself in our company.  Kailangan ko ng katulong dito.  I can't do this by myself."

Tumango ako.  "Tutulungan kita."

Pareho kaming napatingin sa dalawang lalaking pababa sa hagdan.  Si Travis iyon saka si kuya Les.  Kanina pa sila umakyat doon sa taas.  Sabi may pag uusapan daw sila.  Mukhang importante kasi seryoso si kuya Les.  Tapos ngayon mukhang iba na rin ang mood ni Travis.  Seryoso na din.  Pero ngumiti siya sa akin.  Halatang pinipilit na maging masaya sa harap ko.

"Na - miss kita agad," sabi ni Travis at tumabi sa akin.  Isinandal ang sarili sa sofa at itsurang pagod talaga siya.

Nagpaalam saglit si Ate Ellie at kuya Les sa amin.  May kailangan lang daw i - discuss si Kuya tungkol sa negosyo.  Tiningnan ko lang si Travis na nakapikit at nakasandal ang ulo sa sofa.

"Okay ka lang?"  Tanong ko.

Nagmulat siya ng mata at tumingin sa akin tapos ay ngumiti.

"I am fine, baby.  Ikaw?  What do you want to do now?  Pareho tayong bum so kung gusto mo, umuwi na tayo at maglambingan na lang maghapon." Kumindat pa siya sa akin.

About last night (THE BUDDIES SERIES 2) COMPLETEOnde histórias criam vida. Descubra agora